- CHAPTER TWENTY THREE -

36 1 0
                                    

RIZZY'S POV

Naging maganda ang resulta ng aming paglalaro. Walang pagsidlan ang aming kaligayahan dahil sa nakuhang pagkapanalo at ngayon ay tutungo na sa lugar ng aming premyo. Malaki ang naitulong at partisipasyon ni Sky ditto, kaya mananatili siyang kabilang samin kahit na ililipat na siya ng pangkat. Nakapila na kami ngayon ng magkakapares para pumasok sa portal. Iba ang kapareha ko ngayon dahil magkasama si Sky at Cindy na pinili niyang isama. Don't get me wrong, I'm not jealous, ang totoo nga natutuwa ako sa kanila dahil obvious naman na may pagtangi sa isa't-isa ayaw pa mag-aminan.

"pumasok na kayo sa portal." Agad naman kaming tumalima sa sinabi ng Headmistress. Pagkapasok ng huling pares na sila Sky ay agad na nagsara ang portal at lilitaw nalang ulit mamaya kapag oras na ng pagbalik sa paaralan namin.

Nakita ko ang pagkamangha sa mukha ng mga kaklase ko. Maski ako ay hindi maikakailang namangha parin kahit na nakapunta na ko dito. Iba't-ibang bagay ang makikita mo dito- furniture shop, weapon shop, iba't-ibang kainan, drangon's food shop at iba't-ibang mahiwagang tindahan. Malawak ang Enchanted Market, councils ang nagpapalakad dito. Namumuno sa pamamalakad nito ay ang kahuli-hulihang great wizard. Sa kanya nanggagaling ang mga may mahikang gamit.

(a/n: ang pamilya lang ng great wizard ang nagawang makakuha ng kakayahan ng mahika. Hindi alam kung paano nila nagawa yun, pero hanggang ngayon kahit anong pilit wala parin ulit makayang maging wizard o magic ability user)

"siguro dapat tayong bumili ng dragon's food bago tayo umuwi. Malapit na din kasi ang dragon summoning." Sabi ko kila Sky, kasabay ko kasi silang maglakad.

"dragon summoning? Totoo ba sila? Ang alam ko kasi ay Mythical creatures lang sila." Taking tanong ni Sky.

"oo totoo sila. Katunayan, yung dalawang dragon na estatwa sa tarangkahan ng SNAA ay totoo. Magigising lang daw yun kapag dumating na ang tagapag-mana ng moonsoroe at Solaria." Yun ang sabi nila.

"kaya pala! Masama ba ang tagapagmana ng Moonsoroe?" hindi ko rin alam.

"ang sabi ng lolo ko dati sakin, wala daw isinilang na moonsoroe na tagapagmana na purong Rij, ang angkan ng Moonsoroe, dahil nagka-ibigan nga daw ang Prinsepe ng Soloria at ang prinsesa ng Moonsoroe, sila ang nagpakasal. Kaso matagal ng sinabi sakin yun, nalaman ko din na wala na ang pamilya nila ditto sa atin dahil tumakas sila sa takot na mamatay." Tama naman ang kwento ni Cindy. Yun din ang sinabi sakin ng lolo ko. Pero sabi niya, nakalagak daw ang katawan nung prinsesa ng isang kaharian sa kweba.

"ang gulo naman pala ng history ng Elemajika. Hanapin ko nga ang mga tagapagmana nay an at makitil para hindi na magulo." Pabiro niyang sabi. Pero hindi naman pwede yun. Dahil ang tagapagmana daw ng dalawang kahariang sumasailalim sa dalawang liwanag ay ang magbabalik ng mas higit na kagandahan ng Elemajika.

"osige na! magdate na kayong dalawa at lilibot muna kami." Napansin ko naman ang pamumula nilang dalawa. "huwag kang babagal-bagal, baka maunahan ka." Bulong ko naman kay Sky at piniga ko ang tagiliran.

Iniwan ko na silang nagkakahiyaan. Alam kong sa simula lang naman yun. Nag-usap naman agad sila at hindi ko na narinig ang pinag-uusapan nila.

THIRD PERSON'S POV

Kasalukuyang naglilibot si Nvrem at Cindy, mejo nagkakahiyaan pa ang dalawa at hindi alam kung paano magbubukas ng usapan.

"gusto mong kumain?" pagsisimula ng binata.

"ayos lang! medyo kanina pa nga ako nagugutom." Sagot naman ng dalaga. Hindi malinaw sa kanilang dalawa kung bakit biglang nagkakahiyaan, dahil bas a panunukso ng ilan sa mga kaibigan o dahil nagpapakiramdaman sila ng feelings sa isa't-isa.

The Power Withinजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें