- CHAPTER TWENTY TWO -

34 2 0
                                    

CINDY'S POV

Hindi ako mapakali kaya sumunod din agad ako sa mga Legendary abiliters sa tinutuluyan nila. Kahit alam kong baka hindi ako patuluyin ay nagbaka sakali parin ako.

Tok*tok*tok* pagkatok ko sa malaking pinto ng kanilang bahay. Bumukas agad at sumilip si prince Nicky.

"magandang hapon po mahal na prinsepe!" pagbati ko sa kanya. "nais ko laman po sanag masilip si Nvrem. Ditto niyo daw kasi siya dinala." Hindi pa sumasagot ay may narinig na ako.

"hindi pwede! Nagpapahinga siya. At Sky ang itawag mo sa kanya." Yumukod ako simnolo ng paggalang. Naisipan ko nalang umalis ngunit ..

"tara pumasok ka! Dadalin kita sa silid na tinutulugan niya." Nakita ko lang na pinanglakihan siya ng mata ni Prince Mouse ngunit ngiti lamang ang isinagot ni Prince Nicky. Ngiting mapang-asar. Nakasalubong ko naman ang dalawa pang prinsepe.

"magandang hapon po mga prinsepe." Magalang kong pagbati.

"oh please! Cut the po. Masyado kaming tumatanda." Ngumiti naman ako ng alanganin. Naglakad na kami papunta sa taas. Pagkabukas ng pinto ay nakita kong nagpapahinga si Nvrem.

"nagising na siya kani-kanina lang. mukhang nagutom. Pumasok ka na muna at ipaghahanda kita ng makakain. Magigising rin yan kapag tumabi ka sa kanya. Malakas ang pakiramdam niyan." Saka ngumiti na siya. Wala talagang itulak kabigin sa mga prinsepe, maging itong si Nvrem ay maihahanay mo sa kanila. Nilapitan ko siya at pagkakuwa'y hinawakan ang kamay niya.

"taking advantage huh? Hehe." Narinig kong sabi niya. Nagising na pala. Nakakahiya tuloy akala hinahawakan ko kamay niya, hinawakan ko lang naman dahil ma mumong naiwan galing sa pagkain niya kanina.

"assuming ha! Tinanggal ko lang po ang naiwang mumo sa pagl;amon mo kanina." Ngumiti naman siya ng pagkalawak-lawak.

"do you miss me?" ha? Anong tinira nito at nagkakaganito? Siguro! Oo. Hindi. Niloloko ko lang ang sarili ko oo na nga.

"bakit naman kita mamimiss? Ano ba tayo?" ano nga ba kami. Ni hindi nga niya sinagot ng ayos kung magkaibigan kami.

"magkaibigan." Awts naman! Parang nasaktan pa ko dun. Dapat pala hindi niya nalang sinagot. "pero malay mo magka-inlove-an at magkatuluyan." Dugtong niya. Hindi ko alam pero parang hinabol ako ng kabayo sa tibok ng puso ko. Pigilan mo Cindy, baka pafall lang yan.

"Sky, wag ka ngang magpatawa at hindi naman nakakatawa!"

"sky? Hindi ko gusto. Mas maganda yung tawag mong Nvrem sa akin. Gusto ko yun dahil iyon ang tawag ng mga taong importante sa akin." Ibig sabihin importante ako. Ayy nako! Change topic.

"sabi po kasi ng mahal na prinsepe ng kahanginan ay Sky daw ang itawag ko sayo! Bakla ba yun? Bakit mukhang nagseselos siya sa akin. Nako wag mo kong isusumbong sa kanya ha. Baka mawala ako sa lugar na 'to." Lagot ako kapag nalaman niya yun.

"sinong prinsepe ng kahanginan? Sinong bakla at sinong nagseselos?" may diin ang bawat katanungan.

"ay mahangin na baklang prinsepe!" napatakip ako sa bibig ko at sabay na napayakap sa nasandal na si Nvrem. Magugulatin kasi talaga ko.

"ayyy! Nako mahal na prinsepe anjan pop ala kayo. Ikinekwento ko lang po kay Nvrem yun kaibigan kong bakla na mayabang na may pangalang Prince. He-he-he." Awkward kong tawa pero mukhang mahina ang convincing powers ko.

"eto na ang meryenda mo Cin--. Aba walanju ah! Nakascore na agad kay Nvrem. May yakap yakap ka pa jan Cindy." Napabitiw naman ako bigla at namula ang mukha.

The Power WithinWhere stories live. Discover now