- CHAPTER NINE -

94 12 0
                                    


MOUSE'S POV

Apat na araw na ang nakakalipas ay hindi parin naming nahahanap si Nvrem. Hindi naming alam kung buhay pa ba siya o wala na. Masakit na isiping kami ang kasamahan niya nung araw na nawala siya at kinuha ng kung anong bagay. Palagian ko siyang napapanaginipan na humihingi ng tulong. Palagi rin ako magigising sa gitna ng gabi na parang may nakatingin sakin at nagmamatyag sa aking paggalaw. Pinuntahan na naming sila tita Mel pero laging sila Nay Fely lamang ang nakakausap naming. Parang may kakaiba nga nung sinabi naming kay nay Fely yun.

*flashback*

Papunta kami ni Nicky sa bahay nila Nvrem upang sabihin ang nangyari sa kanya. Nadatnan namin nasa labas ng mansion si Nay Fely kaya tinawag na naming siya.

"Magandang umaga mga young masters. Bakit kayo naparito? Akala ko'y kasama niyo si young master Nvrem?." Sabi sa amin ng matanda. Hindi naming alam kung paano sasabihin sa kanya ang nangyari.

"Ang totoo po niyan ay may nangyari sa kanya." Napansin naming hindi nagulat ang mayordoma kaya itinuloy naming ang pagkekwento sa kanya. Sinabi naming ang buong nangyari kasama yung mga hindi kapani-paniwala.

"Ganon ba? Huwag na kayo ganong mag-isip. Hindi niyo naman kasalanan, ginawa niyong lahat ng makakaya niyo para iligtas siya. Alam kong kabutihan niya ang nais niyo dahil wala naman kaibigan ang gustong kapahamakan ang mangyari. Ako na ang bahala magkwento sa mga magulang niya." Mahabang litanya ni Nay Fely. "Baka pala gusto niyo munang pumasok? Nakalimutan ko na dahil usapan natin."

"Hindi na po. papasok din po kasi kami at may quiz. Mauna nap o kami". Pagpapaalam ni Nicky sa kanya.

Napag-usapan naming habang nasa daan yung bagay nay un, na parang di naman nagulat o nakaramdam ng takot at pag-aalala si Nay Fely. Ipinagsabawalang bahala nalang naming yun at hihintayin nalang naming dumating sila tita sa susunod na araw.

*flashback ends*

Ngayong araw ang dating nila tita kaya papunta na kami dun. Galing kami sa school, wala naman nagtatanong kung nasaan si Nvrem dahil kahit umabsent pa yun ng isang buwan makakapasa pa rin siya. Mababawi niya sa recitation at sa dalawang major exams. Eto na pala ang bahay nila.

"Pasok kayo." Pag-anyaya samin ni tita Mel. Pumasok naman kami. Hindi matatanawan ng kalungkutan ang papa ni Nvrem, si tita Mel athough mejo malungkot pero hindi katulad ng mga nanay na nawawalan ng anak na kulang nalang ay maglupasay. Napaisip tuloy ako kung importante ba ang kaibigan ko sa kanila.

"Paano niyo po nagagawa?." Sarkastikong tanong ko sa kanila.

"Ang alin?" gusto kong magalit sa reaksyon nila dahil alam naman nila ang tinatanong ko.

"ANG MAGING KAMPANTE NA PARANG HINDI KAYO NAWAWALAN NG ANAK! HINDI MAN LANG BA KAYO MAGAGALIT SAMIN? HINDI NIYO MAN LANG BA IPAPAHALUGHOG BUONG MUNDO MAKITA LANG ANG ANAK NIYO?" hinawakan ni Nicky ang balikat ko dahil na rin siguro sa nasigawan ko ang mga magulang ng bestfriend namin. Naikuyom ko rin ang mga kamao ko. "Pasensya nap o tita, tita. Hindi ko sinasadya. Masyado lang siguro akong nalulungkot dahil sa mga nangyari na kasalanan namin." Dugtong ko.

" Ayos lang! Naiintindihan ka namin. Hindi naman sa hindi kami nalulungkot, ang totoo ay gabi gabi kong hinahanap ang anak ko pero wala naman mangyayari kung malulungkot at magmumukmok kami sa isang tabi. May mga bagay na nagyayari hindi dahil hinayaan lang natin, kundi dahil nakatadhana silang mangyari at kung papakialaman natin ay magugulo ang daloy ng kasalukuyan. Alam kong napakalalim ng aking mga tinuran pero isa sa mga araw na darating maiintindihan niyo rin lahat ng ito." Mahaba at malalim na kasagutan mula sa papa ni Nvrem.

"sige po! Babalik nalang po ulit kami at makikibalita." Pagpuputol ng tension ni Nicky. "Paalam po."

Hinatid ako ni Nicky sa bahay para makapagpahinga na daw ako. Naligo ako at dumiretso sa higaan kahit mejo basa pa ang buhok ko ay nakatulog na pala ko.

SOMEONE'S POV

Tagumpay ang plano ko. Nakuha kita ng walang kahirap hirap. Ngayon magagamit na ang kapangyarihan mo. Huwag na huwag kang susuway dahil mapapahamak ang mundo.

HAHAHAHAHAHAHAHA!


The Power WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon