- CHAPTER TWENTYSIX -

31 0 0
                                    

Nicky's POV

Tatlong araw na simula ng dalin namin si Nvrem dito sa Infirmary. Hindi parin siya nagkakamalay. Nagpapalitan lang kami ng pagbabantay ni Mouse para kahit anumang oras siya magising ay makikita agad namin at masasabi na gusto siyang makausap ng mga council pati ng headmistress.

"kamusta na siya?" tanong ng kadarating lang na si Cindy.

"ganon parin! Hindi parin siya nagkakamalay. Ni paggalaw ng daliri ay wala." Puno ng lungkot kong sambit.

"hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang siya ang tagapagmana ng dalawang malakas na kaharian. Hindi kayang taglayin ng isang tao ang dalawang malakas na abilidad. Baka mapahamak siya." Mahaba niyang litanya.

"ang totoo niyan, hindi naman talaga niya taglay parehas. Nagkataon lang na kinuha ng mga namumuno rito dati ang kakambal niya na nagtataglay ng kakayahan mula sa araw. Hindi sila maaaring maglayo dahil binabalanse ng isa't-isa ang kakayahan nila at siguradong hahanapin ng liwanag ng araw ang liwanag ng buwan kaya siguro napunta sa kanya ang pangalawang kakayahan." Pagpapaliwanag ko sa mga nangyari.

"kakambal? Babae ba siya?"

"oo. At hindi alam kung nasan siya ngayon." Baka sila may alam tutal matagal na sila ditto.

"ang kwento ng matatanda dito, sa pusod raw ng infinite forest ay may isang kwebang walang sinuman ang nakakapasok kaya inisip nila may mahalagang nakalagay dun. May nakapagsabi raw noon na may nakakitang isang matanda na may lumulutang na katawan ng isang batang babae papasok sa kweba. Sinubukan daw niya itong sundan ngunit hindi na siya nakapasok pa." seryoso niyang pagkekwento sa akin.

"siguro ay dapat natin subukang pumunta doon."

"pero wala ni sino pa ang nakapasok doon."

"kasama natin ang tagapagmana ng isa sa pinakamalakas ng kaharian. Malay natin. Hindi naman masamang subukan."

"anong nangyayari? Bakit lumilindol?" napahawak si Cindy sa akin dahil sa malakas na paglindol.

GROOOOOOAAAAAAAR!

"ang dalawang dragon Nicky!" sabay turo niya sa dalawang dragon sa langit na animo'y sumasayaw at hindi na naglalaban. Pamaya-maya pa ay huminto din ang lindol.

"anong nangyari?" napalingon ako sa nagsalita na ngayon ay nakaupo na sa kama.

"NVREM! gising ka na." bago ko pa siya malapitan ay niyakap na agad siya ni Cindy.

"gising ka na! may masakit ba sayo? May gusto kang kainin?" puno ng pag-aalala niyang tanong.

"miss me a lot huh? I'm perfectly fine. Seeing your face from a deep sleep is like a medicine, it will take away the pain. Hahaha." Nakikita pa kaya ako ng dalawang 'to?

"ehem! Andito ko." Pagpaparinig ko.

"oh, Nicky nanjan ka pala? Kanina ka pa ba jan? parang hindi kita nakita." Sira ulo talaga! Kanina pa ko dito.

"hindi. Kadarating ko lang! hindi naman ako ang nagpakahirap na magbantay sa iyo. Hindi rin naman ako nagpuyat para lang masiguradong okay ka at higit sa lahat hindi rin ako ang nag-alala ng matinding nung nakaratay ka. KADARATING KO LANG TALAGA!!" sarkastiko kong sabi sa kanya.

"tampo naman agad ang bestfriend ko! Tara nga dito." Lumapit naman ako ng nakasimangot para malaman niyang inis parin ako. Bigla niya kong niyakap. .

"alam ko naman lahat yun! Alam kong hindi niyo ko pababayaan. At isa pa, wag kang madrama, hindi bagay!" alam na alam niya talaga ang dapat gawin kapag inis na ko.

The Power WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon