- CHAPTER THIRTY TWO -

99 6 0
                                    

Nvrem's POV

Naglalakad na kami papunta sa klase namin kay Prof. Sean, matagal din kaming hindi pumasok sa klase dahil sa advance na pagsasanay sa amin. Kaming anim na Legendary Abiliters ang magkakasama ngayon. Hindi namin kasama si Rizzy at Cindy dahil magkasama na sila ngayon nsa higher class na nalipat. Nakakapanibago, dati-rati walang pakialam ang mga estudyante ditto sa akin pero ngayon halos mangawit sila kakayuko para ipakita ang paggalang sa amin.

"magandang umaga mga mahal na prinsepe at prinsesa lalo na sa iyo Prinsepe Sky." Aba! Anong nakain nito?

"anong nakain mo at ang bait-bait mo?" pabalik kong tanong.

"pwede ba? Bumati ka nalang din. Saka mabait talaga ko, sino bang nag-aakalang prinsepe ka pala. Kung alam ko lang, di ako magmamaldita sa iyo." Sagot niya ng nakapamewang.

"Shadie will always be Shadie. Maldita!" pasingit ni Nicky. Tama kayo si Shadie nga.

"sige na nga! Pupunta na ko sa classroom namin. Paalam!" sabay yuko.

"tara na! baka malate tayo." Yaya ni Mouse.

"ahhhhhhhhhh!" bigla nalang kasing sumakit ang ulo ko.

"nvrem—shainee!" sabay sabay nilang banggit. Nakaramdam din pala ng sakit ng ulo ang kakambal ko.

"ayos lang kayo?" puno ng pag-aalalang tanonng ni Ice.

"ayos lang naman! May nadagdag na naman na spell sa ulo namin." Oo, yung ginawa kasi naming spell nun, para pumasok nalang mga spell sa utak namin, hindi naman namin alam na palagian palang madadagdagan ang mga iyon.

"ano naman ngayon?" tanong ni Putt.

"ahm. Spell para hindi na magsabi ng spell." Wala sa loob kong sagot. Spell na ano?

"malalaman niyo din pala yan edi sana di niyo na ginawa yung unang spell. Ang spell na yan ay magagamit niyo para hindi niyo na kailangan banggitin pa ang spell. Kumbaga iisipin niyo lang, magagawa niyo na ang spell." Paliwanag ni Putt. Wow! Astig pala. May ganitong spell pala.

"maswerte kayo sa mga weapons niyo. Balita ko kasi may dalawang spell na nakainscript dyan sa mga yan. di ko lang alam kung ano yun. Baka yung isa ay yang nalaman niyo... tara na!" naglakad na kami papunta sa klase namin.

Natapos ang klase namin kay Prof. Sean ang Proper Care of the Dragons. Malaki na ang ipinagbago ng mga dragon namin. Yung kay Putt, nagkaroon na ng mga tubong bulaklak sa likod, kay Ice lumaki na ang liyab ng apoy sa buntot at pakpak, kay Nicky dumami na ang mga bulang lumalabas kapag ipinapagaspas ang pakpak- hindi nga namin malaman kung para saan ba yun, kay Mouse naman nagkaroon ng koronang may umiikot na ipo-ipo, sa kakambal ko naman ay nagkaroon na ng araw sa noo na gawa sa ginto at sa akin ay ganoon din isang buwan at bituin ang nasa noo na gawa rin sa ginto. Pabalik na kami ngayon sa dorm namin. Dun nalang din namin ipeperform ang spell na kanina lang namin nalaman. Malaki din maitutulong noon kung saka-sakali.

"guguhit na ako ng magic circle." Hindi pa kami nakakasagot ay may tumpok na ng lupa ang gumagalaw at gumuguhit na magic circle. This is Putt, always taking advantage of our abilities. "wazza!" with matching pose pa.

"salamat Putt!" pumwesto na kami sa gitna.

"ano Shainee, ready ka na?" tanong ko sa kakambal ko.

The Power WithinWhere stories live. Discover now