- CHAPTER SEVENTEEN -

46 4 0
                                    

LILIAN'S POV

I'm Lilian the Potionmaker. Bihasa ako sa pag-gawa ng potion o mga gamot na ginagamit dito sa Elemajika. Katulad ng mga nasa lower section, ang pagiging sobrang talino ang aking ability kaya kahit hindi ko ilista ang mga sangkap na gagamitin ay maalala't-maalala ko yun. Kaya siguro kinuha ko ng mga councils para pansamantalang magturo dito sa pansamantalang eskwelahan na itinayo nila hangga't hindi pa bumabalik ang mga tagapagmana o mga susunod na hari. Nandito ko ngayon sa infirmary dahil ako rin naman ang nagpapalakad nito, binabantayan ko yung estudyanteng may bagong ability sa pagkakatanda ko ay estudyante ko 'to sa lower class, Nvrem yata ang pangalan, pero mukhang malilipat na siya ng section ngayon. Hindi siya mahilig magparticipate sa klase ko pero siya ang tanging nakikita kong naglelecture, alam kong hindi naman na nila kailangan dahil matatalas nga ang isip, pero dapat lang naman ang ginagawa niya para magamit ng iba yung mga naisulat niya. Mukhang magigising na siya.

"aw! Ang ulo ko." Narinig kong pagbanggit niya ng subukang bumangon sa pagkakahiga.

"mukhang okay naman na ang pakiramdam mo bukod sa sakit ng ulo. Eto inumin mo para mawala yan." Sabay abot ko ng pulang likido na nakalagay sa maliit na botelya, pampaalis yun ng sakit ng ulo.

"salamat po. Anong nangyari?" bakas ang pagtataka sa kanyang itsura. Marahil ay naalala niya ang nagawa niya pero hindi alam kung saan nanggaling yun.

"mukhang ngayon lang nadevelop ang kakayahan mo. Kakaiba pero maililinya din siya sa mga healer mas ispesyal nga lang dahil nagagawa mong tanggalin ang lason kahit saang bagay. Marahil ay nangarap ka noong maging manggagamot at ninais na lahat ng sakit ay magawang maibsan kaya siguro nagging ganyan ang abilidad mo." Mahaba kong sabi. Nakakamangha ang kakayahan niya, maski ang ginagawa kong pangontra sa lason ay talo. Gagaling sila ngunit kailangan pa magpahinga ng dalawa o talong araw, samantala yung ginamot niyang estudyante ay nag-eenjoy na sa festival ngayon.

"nangarap po akong maging isang doctor noon na kayang gamutin lahat ng bagay. Pero nabago din naman po nung lumaki na ko, hindi ko alam na unconsciously ay hinahangad ko parin pala. Basta ang gusto ko lang naman po nung araw na yun ay magamot siya. Kamusta na nga pop ala siya?" tukoy niya siguro dun sa ginamot niya.

"nag-eenjoy na siya sa festival. Pangalawang araw na kasi ngayon. Siguro kailangan mo na din maghanda, egg hunting na mamaya." Sabi ko sa kanya habang inaayos ang mga gamit ko.

"tama ang hinala ko. Magigising ka na ngayon." Sabi lang na kapapasok na babae. Ito yung ginamot niya. "narinig ko kasing inuutusan yung kaklase mo na puntahan ka na dito. Nagpresinta nalang ako para makapagpasalamat sayo. I'm Cindy Lawyard from middle class."

CINDY'S POV

"I'm Cindy lawyard from middle class. Time manipulation ability." Sabay hila ko sa kamay niya para iwagayway. Ito yung lalaki na lagi kong nginingitian sa canteen, ang tahimik niya kasi saka pamysterious effect, aaminin ko crush ko siya at mukhang inlove na ko sa kanya dahil iniligtas niya ko. Pero syempre babae ko kaya pa-Maria Clara effect dapat. "salamat nga pala sa pagliligtas mo sa buhay mo. I don't know what can I do to return the favor." Syempre dapat may ibigay din ako sa kanya nu.

"you don't need to do anything. I just did what I think is right. Besides, it is your life in risk. I can't just walk away knowing that someone is going to die." Ayyyy putik! Pakilig pa more. Ang bait niya pala. Hahahaha. nakakainlove-abo talaga. Englisero pa.

"so your ability is healing huh. But not just an ordinary one. Kakaiba." Kakaiba naman talaga. Malamang bagong ability e.

"No. Lumabas nalang din bigla. I belong to lower class, at alam mo naman ang mga kakayahan ng nandun. Maybe the situation force me or my ability to appear. Magpasalamat nalang tayo kasi yun pala ang kakayahan ko, atleast buhay ka. Anyway, Nvrem Sky Villacencio." Sabay kinuha niya ang kamay ko at nagulat ako dahil nilapat niya sa mga labi niya. Aba't gentleman siya. Pero nagulat ako sa apelyido niya, napansin ko din ang pagkagulat sa mukha ni prof. lilian na saka lang napatingin samin.

The Power WithinTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang