- CHAPTER TWENTY FOUR -

31 0 0
                                    


MOUSE'S POV

Naglilibot ako sa paaralan ng makarinig ako ng sigaw. Kilala ko ang boses na yun! Mukhang may kalokohan na ginawa. Nag-invisible ako at sinilip siya. Si Nvrem nga at si Cindy na nakatulala. Mukhang alam ko na ang ginawa niya, base sa mga isinigaw niyang salita. Sinundan ko siya pababa ng corridor at pinagmasdan habang naglalakad ng maisip ko pahanginin ng malakas.

"nangingialam na naman huh!" rinig kong bulong niya. Dahil mukhang hindi sapat ipinaikot ko ang hangin sa paanan niya para lumutang siya.

"Mouse, put me down! I'm not in the mood." Sabi niya.

"really? Not in the mood ha. After stealing a kiss from someone." Nagpakita na ko para makapag-usap kami ng ayos.

"I didn't steal anything. I did it intentionally. I am going to earn it. She's going to be my girl after all." Confident niyang sabi. "pero syempre rerespituhin ko siya."

"saan ka nakabili ngayon ng confidence?. May tinda bang ganyan sa enchanted market. Wala ka naman kasing confidence dati." Pang-uuyam ko.

"natisod ko lang 'to kanina tapos sumama na sakin kaya confident na ko." Pabiro niyang balik. "people change!" tama naman! Atleast ngayon he can stand with his own feet.

"masaya ko para sayo. Totoo 'to. Walang sarcasm. Baka isipin mo na naman." Totoong masaya ko. I just realized na hindi naman habang buhay kami ang iikutan ng buhay niya. Minsan may dadating, may aalis. Ang importante ay yung hindi mo sila makakalimutan, na minsan naging parte sila ng buhay mo.

"alam ko! Matagal na kitang kaibigan at alam ko kung kelan ka sarcastic at kung kailan ang hindi. Bumaba ka jan, mag-usap tayo." Biglang gusto kong kausapin. Sige na nga! Lumapag na agad ako.

"bakit? Pumapag-ibig!" sabi ko.

"parang ganon! Sabi ko kasi sa kanya liligawan ko siya." Aba! Sanay ba 'to?

"hahahahahaha! Sanay ka ba?"

"kaya nga kita pinababa. Paano ba?" paano nga ba?

"just be yourself! I mean, don't pretend like somebody else. The best thing you could give her is you by being yourself. Dagdag nalang naman yung mga chocolates at flowers na yan, but your appearance is more than enough." Talaga naman. Minsan hindi sapat yung puro regalo lang.

"I see! Hm. Do you think na magugustuhan niya ko?"

"sometimes we need to do things even if we are afraid to. You'll never know the answer if you're not going to try it."

"but no one wants to be with me except you and Nicky. I don't think she's going to love me."

"wag ka ngang negatibo. Marami na ang nagbago sayo. Kahit sino ngayon pwede ng mahulog ang loob sayo, baka nga pati ako. HAHAHAHAHA!" masyado na kasing seryoso ang usapan, baka matalo pa kaseryosohan ko.

"pwes ngayon palang basted ka na! HAHAHAHAHA." Pagpatol niya sa biro ko.

"ouch! Wala pa man din, tinapos mo na agad. Kidding aside, always remember that, whatever happens- it happens for a reason. You can always count on us when you are in pain. But let's hope for the best. Okay?" ready naman kami na makihati sa sakit kung hindi man magiging maganda ang resulta.

"okay!" sabay nagform ng okay sa mga daliri niya. "sige na Mouse, gabi na din. Balik ka na sa Mansion niyo. Maraming salamat ha."

"don't mention it! At your service." Lumutang na ko at nagwave ng kamay sa kanya bilang pagpapaalam.

The Power WithinWhere stories live. Discover now