- CHAPTER ELEVEN -

75 4 0
                                    

NVREM'S POV

Naglalakad na kami papuntang School of Natural and Acquired Abilities buti nalang at maraming extrang damit si Putt. Ngayon ko lang napansin na magkakatawan lang pala kami at magkasing tangkad. Malay ko ba naman kasing mapupunta ko dito, tanging cellphone lang ang nadala ko kasi nasa bulsa ko naman 'to. Mamaya ko nalang din itatry na tawagan sila bestfriends. Napakaganda ng dinadaanan namin papuntang paaralan kaya malilimutan mo ang mgas problema mo. Matatayog na puno na may makakapal na sanga at dahon, siguradong magbibigay sayo ng hustong lilim. Mayroon ring mga nag-gagandahan at namumukadkad na bulaklak, iniisip ko nga kung si Putt ba ang may gawa nito para hindi ako dumaldal at magtanong pa ng kung anu-ano. Nature lover talaga ko, kaya ganon nalang ang pagkamangha nung malaman ang ability niya.

"ahm. Putt, ikaw ba may gawa ng mga 'to?" mahina kong tanong.

"mahina na pala talaga ko, hindi ko parin napatahimik ang bibig mo." Aba! Sabi ko na nga ba. Sa kanila lang naman ako ganito, hindi ako mahilig dumaldal sa iba.

"sige tatahimik nalang ako." Hindi ko talaga magets minsan ang isang 'to.

Nakarating na kami sa paaralan na sinasabi niya at napanganga ko sa nakita ko. Malaking gate kulay gold ang sumalubong sa amin na may nakaimprintang School of Natural and Acquired Abilities tapos may dalawang estatwa sa taas- isang dragon na malaki ang katawan (a/n: parang si sefira sa eragon) at isang pahabang dragon (a/n: yung sa dragonball). May malalaking bakod na kulay silver, may mga nakacarve na disenyo at kung hihimasin mo ay makakaramdam ka ng malakas na daloy ng enerhiya.

"Putt, paano tayo makakapasok jan?" pagtatakang tanong ko.

"itatapat mo yung mata jan sa scanner, aalamin niyan kung may ability ka tapos bubukas yung gate pero yung mga estudyante lang sa school ang nakarecord jan. sila lang ang makakapasok kapag itinapat na ang mata." Ganon pala yun! Buti nalang at nasabihan na daw niya nung isang araw pa ang headmistress nung mga araw na tulog pa ko. "mauna ka ng pumasok. Tapat mo lang dun yung mata mo."

THIRD PERSON'S POV

. "mauna ka ng pumasok. Tapat mo lang dun yung mata mo." Sinabi ni Push kay Nvrem. Pero hindi niya inaasahan ang mga sumunod na pangyayari. Hindi pa nakakalapit si Nvrem sa scanner ay bumukas na ang gate at lumuhod ang dalawang estatwa sa tuktok nito. Tiningnan siya ni Nvrem para..

"anong nangyari?. Hindi ko pa naman nilalapitan yung scanner ah?."

"nagloko lang siguro o baka may naputol na wire." Nginitian siya ng lalaki kahit na alam naman niyang imposibleng magloko ang bagay na yun.Pinapasok ko na niya ang nauna at nakakapagtakang hindi sumara ang gate para sa kaniya. Tila hinayaan lang nitong pumasok ang kung sinumang kasamahan ni Nvrem. Nasa loob na ang dalawa at hindi magkamayaw ang emosyon sa mukha ng bagong estudyanteng si Nvrem, hindi mo alam kung natutuwa, nagugulat o natatakot basta amazement is written all over his face, yun ang una mong mapapansin.

"GRABE! NAPAKAGANDA.!!!! Anim na palapag ang bahay namin at kaya naming magpatayo ng ganyan pero bakit hangang-hanga ako sa itsura ng tore na yan."Hindi mo masisisi ang binata dahil maganda talaga ang eskwelahan nila.

*flashback*

"Push, mag-aaral ka na sa SNAA, kailangan mo ng dagdagan ang kakayahan mo para sa susunod na henerasyon." Sabin g matandang earthpower holder noon na lolo niya. Anim na taon palang siya pero kailangan na niya sumailalim sa mahihirap na pagsasanay sa paarang iyon. Dahil patakaran din naman na lahat ng magiging holder ng legendary ability ay kailangan mag-aral ng mas maaga kaysa normal na natural abiliters.

"sige po lolo. Sana marami akong maging kaibigan." Sambit ng bata.

"Nandoon ka para mag-aral at hindi para makipaglaro." May ngitngit na sabi ng kanyang lolo.

Nalungkot ang bata ngunit wala naman na siyang magagawa lalo na kapag ang lolo niya ang nagsalita. Sobrang strikto ng lolo niya na hindi ka na makakasagot oras na sumigaw siya. Kaya imbes na nag-enjoy siya sa pagkabata ay natuon lahat ng atensyon niya sa pagpapalakas ng kanyang sarili.

*flashback ends*

Kaya ngayon ay nangingiti nalang si Push dahil sa isang taong tiyak na hindi siya susukuan mapaamo lang. Natutuwa siya dahil may isang taong kayang magtiis sa ugali niya at mukhang hindi siya iiwan. Yun ay si Nvrem.

Samantala. . . sa kabilang dako ng akademya.

"mukhang nagbalik na siya. Nagbalik na sa paaralang iyon ang hinihintay nating Legendary ability holder. HAHAHAHAHAHAHA. Matutupad na ang aking plano." Sambit ng nakaitim na lalaki.

"tama ama. Ako na ang bahala sa kanya, Hahahahahaha." Malumanay ngunit halatang ganid na turan ng isang dalaga.


The Power WithinWhere stories live. Discover now