- CHAPTER TWENTY ONE -

42 1 0
                                    

NICKY'S POV

Nakakagulat ang mga pangyayari. Ang pinakitang kakayahan ni Nvrem, maging ang pag-aalis niya ng kakayahan ni Van. Ngunit ngayon ay wala na yata kaming magagawa, nakahandusay na at nanghihina sa lason ang mga estudyante. Maging ang headmistress at mga professors ay sarili nalang ang nailigtas. Kung direkta sigurong nakalabas ang atakeng ito ay baka patay na mismo ang mga estudyante, ngunit napahina na iyon ni Nvrem. Pero dun din naman hahantong ang lahat dahil wala naming lunas na nakahanda para sa ganitong pangyayari.

"Prof. Lilian, wala na ba tayong magagawa?" tanong ni Nvrem sa Profesora.

"wala na. ikaw lang ang tanging lunas, ngunit hindi mo kakayanin dahil sa dami nila." Walang pag-asang mababakas sa mukha ni Prof. Lilian. Buti nalang talaga at kaya namin gamitin ang mga legendary ability namin para ditto.

"gagawin ko!" determinadong turan ni Nvrem.

"hindi maaari. We can't affford to loose you." May bakas ng pag-aalala ang mukha ni Mouse.

"we don't have any choice Mouse. Ang buhay ko o ang buhay ng nakararami. I'm not afraid to die, I'm afraid to see them dying without me doing anything. Ako ang lunas at habang buhay kong sisisihin ang sarili ko kung alam kong may magagawa naman ako pero di ko ginawa." Napatahimik si Mouse sa mga sinabi ng aming kaibigan. Hindi talaga natatakot mamatay yan basta para naman sa kabuluhan at di masasayang ang gagawin niyang sakripisyo.

"sige! Gawin mo ang gusto mo. Pero sa oras na makaligtas ka, susunurin mo na lahat ng sasabihin kong makabubuti sayo. Maliwanag ba?" tumango naman si Nvrem at kinuha ang hinliliit ni Mouse upang magpinky swar. Just like the old days. Siya parin nga ang Bestfriend na nakilala namin.

"pupunta na ko sa gitna para makita ko ang lahat." Naglakad na siya pababa at sumentro sa field.

Pumikit siya ng mariin upang magkaroon ng konsentrasyon. Hindi namin alam kung anong oras na dahil sa pagpikit niya ay saktong gumitna ang sikat ng araw. Siguro ay saktong tanghali na. Unti-unti ng gumagapang ang liwanag sa katawan niya hanggang sa makarating ito sa kanyang ulo. Pagka-ano'y lumutang siyang bigla at ang liwanag sa buo niyang katawan ay naging mga galamay ngunit iba ngayon, kung gaano kadami ang mga estudyante ay ganon rin ang dami ng galamay. Dumilat siya at nakita namin ang pagbabago ng kulay ng mga mata niya, nagging dilaw ang isa at ang isa naman ay dilaw na papunta ng puti. Mabuti nalang at nagsitalikod ang mga guro at headmistress upang pag-usapan ang nagyari. Hindi nila alintana ang nangyayari kay Nvrem, ngunit si Push at ice ay kitang kita ang lahat.

"siya ba?" ang tanong sakin ni Push. Marahil ay ang tinutukoy niya ay ang tagapagmana ng isa pang kaharian.

"siya nga! Pero hindi namin alam kung sa araw o sa buwan nsiya dahil hindi pa natatagpuan ang kakambal niya. Isikreto niyo muna sana ito, hindi rin niya alam ang tungkol ditto. All this time ang alam niya ay ispesyal na healer lang siya." Pakikiusap ko sa kanila.

The Power WithinWhere stories live. Discover now