- CHAPTER SIX -

132 21 0
                                    


NVREM'S POV

Nagising ako dahil sa mainit na sensasyong gumagapang sa buo kong katawan. Napakasakit na parang humihiga ako sa isang bath tub na puno ng thumbtacks! Pinilit kong tumayo upang makakuha ng maiinom sa baba, nakuha ko pang gamitin ang elevator na di ko naman talaga gawain dahil mas gusto ko ang maghagdan.

" Ahhhhhhh! " impit ang sigaw ko dahil ayokong maistorbo pa ang mga kasambahay. "What is happening to me? " dagdag ko nang gumapang muli ang sakit.

Nakaabot ako sa refrigerator at agad na tinungga ang mahutan kong inumin dun. Akala ko ay maiibsan nito ang sakit ngunit lalo pang tumindi, at ngayon ay tila naipon ito sa isang pwesto, sa aking dibdib, sa tapat ng aking puso. Nagulat na lamang ako ng silipin ang aking dibdib sa loob ng aking soot na t-shirt. Liwanag! Puting liwanag ang nakikita ko na nagsisimulang lumaki at kumalat. Hanggang sa may mga imaheng pumasok sa aking isipan, mga pangyayari nung una na nagtatakbo ako sa park at napdpad sa masukal na parte.

*flashback*

tumakbo ako ng tumakbo kung saan dahil kung tama ang nasa isip ko, hindi ako hahabulin ng mga iyon ngayon kundi hahanapin nila ko mamaya kapag alam nilang nakapagpahupa na ko ng sama ng loob. Sa pag-iisip di ko namalayan na napunta na pala ko sa pinaksentro ng park kung san mas kita ang kasukalan ng mga puno't halaman.

Nakaupo lang ako sa malaking taniman habang nagbabato ng malilit na bagay na mahawakan ko nang biglang nagbago ang ihip ng hangin. Kataka- taka na lumamig ang temperatura ng ganitong oras, katanghalian. Hanggang sa mapansin ko na may mga itim na usok ang pumapalibot sakin, pagkakuwan ay naghugis tao at naging ganap na mga taong may soot na itim na cloak. Gulat ang rumehistro sa aking mukha. Napakapit ako sa aking kinauupuan.

" Sino kayo?. Anong kailangan niyo sakin?. May halong panginginig ang bawat salita ko.

" ang buhay mo ang kailangan namin mahal na prinsepe. " nabawasan ang kaba ko sa pag-aakalang sila manang lamang iyon dahil madalas nila kong tawaging prinsepe dati na di ko gusto kaya naging young master.

" manang kayo pala yan! tinakot niyo naman ako. " pero walang sagot kundi nagliliparang kutsilyo ang aking nakita, animo'y sumasaliw sa hangin at may mga sinulid na nakakonekta sa daliri nila dahil sumusunod ito san man nila ibaling ang kamay nila.

"Ahhhhhhhh! " napasigaw ako ng dumaplis ang unang kutsilyo sa balat ko hanggang sa nagsunod-sunod na at napuno na ko ng dugo at sugat.

Bigla nalang may lumapit sakin at akmang sasaksakin ng biglang may nakita akong puting bola, yung bolang nakita ko ng pauwi kami galing university. Nagulat ako dahil isa-isang natunaw ang mga taong nakaitim hanggang sa naging alikabok na lahat. Akala ko tapos na lahat dun hanggang sa naramdaman ko ang init sa buong katawan ko. Nakita ko yung puting bola na unti-unti ng pumapasok sa katawan ko then blackout.

*flashback ends*

Yung init na nararamdaman ko ngayon katulad na katulad ng init na yun. Parang isang enerhiyang gusting kumawala sa kaloob-looban ko. Nananayo ang balahibo ko sa kilabot ng nararamdaman ko. Gusto ko ng mamamatay kaysa maramdaman ang hirap at sakit na ito. Ngayon ko lang naisip kung sakaling hindi ako nagalit sa kanilang dalawa marahil hindi ako nasasaktan ngayon ng ganito dahil nandito sila para alagaan ako. Natigil ang pagmumuni-muni ko ng makarinig ako ng ingay.

"Hello? May tao ba jan? tu-tulong! " Nanginginig kong saad sa gumawa ng ingay.

" Nvrem? Anong nangyari sayo? " nakita ko si Mouse at laking tuwa ko ng malaman na totoong siya nga. Hanggang sa puro itim nalang ang nakikita ko at mawalan na ko ng malay.

MOUSE'S POV

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko ng magring ang phone ko. Nakita kung nakarehistro sa screen ang # ni tita mel. Sinagot ko agad dahil madalang siyang tumawag kaya baka may emergency.

"Hello tita? Magandang gabi po. " batik o sa kanya at bumati rin naman siya.

"Maaasahan mo ko tita. Kahit po hindi niyo sabihin sakin willing po akong bantayan siya. " sagot ko sa pabor niya.

"You're welcome tita. Good Evening! " in-end call na niya.

Nagbihis agad ako dahil alam ko aalis sila ngayon din. Gusto kong makita o masilip man lang si Nvrem kahit galit siya samin. Pag-alis ko ng bahay tinawagan ko muna ang mayordoma nila para pagbuksan ako. Habang nasa byahe ako ay nakaramdam ako ng kakaibang kaba. Hindi para sa sarili ko kundi para kay Nvrem kaya pinaharurot ko ang pagpapaandar sad ala kong kotse.

"Good Evening Young Master. " bati sakin ni Manang. Ayan na naman yung young master nay an. Hindi talaga naming gusto ang tawag samin na yan. Sasagot pa sana ako ng ..

"Ahhhhhhhh! " nakarinig ako ng sigaw kaya iniwan ko na si Manang sa labas at nagtatakbo na ko papasok sa bahay kung ano ano na nga ang nabunggo ko kaya nagkaroon na ng ingay. Pagdating ko sa loob.

"Hello? May tao ba jan? tu-tulong! " Nanginginig niyan tanong sakin.

" Nvrem? Anong nangyari sayo? " Nag-aalala kong tanong sa kanya.

Nagulat nalang ako ng mawalan na siya na malay.


The Power WithinWhere stories live. Discover now