- CHAPTER TWENTYSEVEN -

25 0 0
                                    


Push's POV

Nakalipat na si Nvrem sa dorm na tinutuluyan ng mga Legendary Abiliters. Ngayon ay tinipon kami ng council leader upang sabihin sa amin ang mga dapat daanan at gawin. Kasama kaming Lima- Ice, Mouse, Nicky, Nvrem at ako- pinasama rin si Cindy dahil magiging malaking tulong ang kakayahan niyang pagkontrol sa oras. Maging si Rizzy mula sa lower class ay pinasama rin sapagkat siya pa lamang ang nagagawi sa lugar na iyon na kakilala namin.

"hindi kayo pwedeng dumaan sa lugar na nadaanan noon ni Rizzy. Nakabantay na doon ang mga bad ability user. Masyado tiyak malaki ang grupong nandon." Sabi ng council leader. "sabihin mo sa kanila ang bagong ruta Rizzy."

"dadaan tayo ngayon sa lugar na mas mahirap daanan dahil sa mga balakid na makakaharap natin. Marami kasing patibong doon at kakaibang mahika ang bumabalot roon dahil nga rin siguro sa prinsesang nahihimlay sa kweba."

"bakit hindi nalang natin labanan yung mga nakabantay sa medaling daan? Ganon din naman pala ang kakaharapin natin." Tanong ni Nicky.

"hindi maaari yun. Marahil sa puntong ito ay alam na agad ng Moonsoroe na nasa atin ang tagapagmana nila, siguradong susubukan nilang dukutin siya para gawin kakampi o di kaya naman patayin para hindi mabawi ang trono." Sagot ng CL. "isa lang naman ang dapat niyong gawin- ang makuha ang prinsesa at makauwi kayong lahat." Dagdag niya.

"sige! Gagawin namin lahat para sa kapatid ko." Singit ni Nvrem.

"sige na. maghanda na kayo para umalis. Huwag kayong mangingiming gamitin ang kakayahan niyo. Ikaw Nvrem." sabay turo kay Nvrem. "huwag mong kakalimutan na hawak mo ang liwanag at kadiliman ng buwan, marami kang kayang gawin."

"tulad ng?" tanong ng huli.

"it's for you to find out. Sige na! alis na." pagpapaalam ng CL.

Third's person POV

Naglalakbay na ang magkakaibigan papunta sa sentro ng Infinite Forest. Dahil mahaba habang lakaran ang haharapin nila at tulad ng sabi ng CL, hindi sila nagdalawang isip na gamitin ang kakayahan nila.

"ang daya niyo naman! Hindi niyo ba ko pwedeng iangkas?" tanong ng naglalakad na si Nvrem.

Lahat kasi ng kasama niya ay ginagamit ang kakayahan. Si Push na nakasakay sa isang malaking dahon na may baging na tila isang unggoy na nagpapalipat-lipat ng pagkapit sa sanga ng mga puno. Si Ice ay may mga apoy sa paa na nagsisilbing jetpack para makalipad siya ng tamang lebel lamang. Si Nicky ay hindi mo makikita dahil naglalakbay na naman ito gamit ang mga ulap sa kalangitan. Si Mouse ay nakalutang sa ere na pasipol-sipol pa. Si Rizzy naman at Cindy ay nakasakay sa kanilang mga dragon, pinagbawalan pa kasi siyang tawagin ang dragon dahil magkakaroon na naman ng lindol. Hindi kayang ibalanse ng katawan niya ang lakas ng dalawang dragon. Ang mga dragon ay nananatili sa isang dimensyon na kahit saan parte ng Elemajika ay maaring bumukas at makalabas sila sa oras na tawagin nila.

"hindi pwede Nvrem! dapat madiskubre mo kung paano mo magagamit ang kakayahan mo bilang advantage. Unang lesson mo yan." sabi ni Push habang kumakain ng mansanas.

"at talagang ginawa mong advantage ang kakayahan mo. Kaya naman pala hindi ka nagbaon ng pagkain dahil kaya mong magpatubo." Sagot ni Nvrem sa kasama. "Cindy. YOOOOOHOOOOO!" pagtawag niya sa dalaga.

"bakit Nvrem?" tanong nito habang nakangiti pa.

"ahm! Pwedeng makisakay?" nginitian niya si Cindy.

The Power WithinWhere stories live. Discover now