- CHAPTER TEN -

96 10 0
                                    

NVREM'S POV


NVREM'S POV

Nagising ako dahil sa kakaibang amoy ng mga bulaklak. Nasaan ba ako?. I have been to many places but I don't remember this place, or I don't even saw this on a magazine. Parang nasa ibang dimensyon ako ngayon. Sa harap ko ay makikita ang mga kakaiba ngunit magaganda at mahahalimuyak na bulaklak, nakapaligid sa isang talon na may asul na asula na tubig. May mga kakaiba ring hayop na hindi mo makikita sa isang normal na mundo. Kakaiba, sobrang kakaiba. may mga bilog na mababalahibong hayop na may maliliit na pakpak at malaparu-parong antena. Tumayo ako para puntahan ang isang nilalang na sobrang natutuwa ako, yung pabilog na may maliliit na pakpak.

"huwag mong lalapitan yan!" nagulat ako sa malakas na sigaw na yun.

"bakit? sino ka? saka nasaan ba ko? mundo ko pa ba 'to? tao ka pa ba? pano ko napunta dito?." sunod sunod kong tanong sa kanya.

"kumain ka muna oh!" sabay abot sakin ng pagkaing nasa mangkok. mukang normal naman kaya kinuha ko na. " hindi mo magugustuhan ang mangyayari sayo kapag nadikit ka sa dalawang tenga niyan." yung parang antenna siguro ang tinutukoy niya. " Ako si Puttichai Kasetsin pero Push nalang ang itawag mo sakin. Nandti ka sa elemajika, part parin naman 'to ng earth sadyang may forcefield lang para hindi matagpuan ng mga taong walang kakaibang kakayahan. Tao pa naman ako. Siguro? Hindi ko alam kung paano ka napunta dito. Basta nakita nalang kita jan na nakahandusay so might as well bring you home kaysa hayaang makain ng mga lobo." mahaba niyang sagot sa akin. Buti naman may mabait pa palang nilalang ngayon. Pero anong sabi niya lobo? mababangis yun di ba? Saka kakaibang kakayahan? wala naman ako nun ah, pano ko napunta dito?.

"ah yung sinabi mong kakaibang kakayahan? Ano yun? kasi matalino lang naman ako saka matalino tapos matalino ulit. hehehe. wala ako nung sinasabi mo, pano ko makakapasok sa forcefield niyo? Saka ano ulit? Elemajika? capital ba ng anong bansa yun? nalibot ko na kasi lahat ng kontinente pero di ko naman 'to nakita sa mapa." ang dami kong gustong itanong. totoo naman kasi. Hinbdi ko alam kung saan 'to.

"Imposibleng wala kang kakayahan dahil nakapasok ka dito. Marahil ang katalinuhan mo ay sobrang taas kaysa sa pagiging normal kaya yun ang ability mo. Hindi 'to bansa at hindi rin 'to ibang bansa. Ang Elemajika ay maliit na parte lamang ng Pilipinas na natatago sa masukal na kagubatan. Malalaman mo din yun kapag pumasok kna sa School of Natural and Acquired abilities. Andito ka nalang din naman, kaya mag-aral ka na dun."

information Overload! Pero kinakaya naman. Teka? bakit parang nagliwanag pa ang mukha ko nung sabihin niyang mag-aaral ako sa paaralan nila dito? di ba dapat ay nababagabag ako at nag-aalala kung paano uuwi dahil tiyak na hinahanap na ko. Gano na ba ko katagal dito?. Saka anong eskwelahan kaya ang papasukan ko? Ito na ba ang katuparan ng mga iniisip ko dati na kapangyarihan? Totoo nga ba sila?. Magtatanong pa nga ako.

"teka, gano na ba ko katagal dito?. Saka nag-aaral ka din ba sa school na yun?" mas okay na yung makakasama ko siya kaysa naman mag-isa ko dahil wala na naman sila Mouse. Kamusta na kaya ang mga yun? Puntahan ko nalang minsan.

"mag-iisang linggo kana dito. to be exact 5 days na. Nag-aaral ako dun! Huwag mong sabihing sa laki mo na yan kailangan mo pa ng taga-alaga?." may halong pang-uuyam ang boses niya. Malay ko ba sa paaran niyo kung ligtas. Saka alam niyo naman ako mahiyain nu! dalawa nga lang ang tunay kong kaibigan. Okay na sakin yun konti kaysa madami nga, ilan lang naman ang nanjan sa panahon na kailangan mo sila.

"Natural! ni hindi ko nga alam kung tao ba ang mga makikita ko dun o mababait ba ang mga nag-aaral dun. Tutal iniligtas mo naman ako at mabait ka naman, hindi na ko mahihiya sayo. FRIENDS?" sabay abot ko ng kamay ko. "ayy sorry! I'm Nvrem Sky Villacencio." ayaw niya kasing abutin yung kamay ko kaya naisip ko na dahil hindi ako nagpakilala. Napansin ko naman na ngaulat siya nung sinabi ko ang pangalan ko. Hayaan mo na nga baka natuwa lang sa pakikipagkaibigan ko.

" Push. call me Push!" Madiin niyang sabi.

" No! I'll call you Putt. Para maiba, katulad ng tawag ko sa dalawang kong bestfirnds, iba sa tawag sa kanila ng ibang tao. Excited na ko ipakilala ka sa kanila. Pwede bang lumabas dito?" kanina ko pa gusto itanong yan.

"makakalabas ka lang kung nakokontrol mo na ang ability mo." ha? e kailangan pa bang kontrolin ang katalinuhan?

"teka, sabi mo yung pagiging matalino ko ang dahilan kaya nakapasok ako dito. Hindi naman yun kinokontrol ha. Saka ano bang kinokontrol niyo dito?" hindi naman talaga kasi.

"eto tingnan mo." sabi niya habang iginagalaw-galaw ang kamay na nakatutok sa bulaklak at literal na nanlaki ang mata ko sa nangyari. Namukadkad at nagliliwang pa yung bulaklak dahil sa pagkumpas niya. Natutuwa ako imbes na matakot o magulat. Ito na nga ba ang hinihintay ko?.

"waaaaaaaaaahhhhhhhhh!" malakas kong sigaw. "ang lakas naman makabakla ng ability mo, bulaklak." pabiro kung sabi pero nagkamali yata ako dahil nagbago ang awra niya pati facial expression.

"hindi bulaklak lang ang ability ko, hawak ko ang kabuuan ng lupa o nature. Lahat ng nakatanim at mga hayop na gumagalaw dito ay kaya kong pasunurin." malamig niyang tugon sa akin.

"ayy sorry! ang astig niyan ah. Pwede pala kita iuwi para mapatubo mo agad yung mga tanim namin sa lupang nabili ng papa ko sa probinsya. hahahaha." magndang ideya yun. Para mapabilis din ang pag-ani namin at kumita ng doble para malaki ang maibibigay sa mga magsasaka at sa mga pamilya nilang nag-aasikaso dun.

"hindi dapat sinasayang o ginagawang laruan ang mga abilities natin. Dahil kapag sumobra yun, maaaring mawala na yun sa atin." hala! Paano kung sumobra ang gamit ko. Nako, magiging tanga na ko habang buhay, HINDI !!!!!!!

"ganon ba? ano pa bang mga abiliyties ang mayroon sa school niyo?." magiliw ang pagtatanong ko dahil excited ako sa sasabihin niya.

"bukas mo na malalaman. Matulog na muna tayo." kagigising ko lang pero pakiramdam ko pagod na naman ako. Mabilis din palang lumipas ang oras kapag may ginagawa ka.

Kahit na nahihirapan akong i-absorb lahat ng nalaman ko. Mabilis parin akong nakaramdam ng antok, hindi ko na din inalala kung paano ba ko napunta sa lugar na 'to at kung paano uuwi. Basta ang iniisip ko ngayon ay ang pagpasok ko bukas sa paaralan na School of Natural and Acquired Abilities. Hanggang sa nakatulog na pala ko.


PUSH"S POV

hi. Ako si Puttichai Kasetsin, hawak ko ang isa sa mga legendary abilities, ang Earth Power. Kaya ko lahat gawin basta konektado ang mga gagamitin ko sa lupa. Kaya ko din gawin ang mga nagagawa ng mga hayop at mga katangian ng puno. siguro yun yung bonus sa pagkakaroon ng legendary power. Nasa bloodline na namin 'to kaya Acquired nang matatawag ang kakayahan ko. Dalawa kasi ang uri ng abilities sa school na yun. Ang acquired at natural- ang acquired ay galing sa mga ninuno na ipapasa genration through generation nagiging malakas din ito sa bawat pagpapasa dahil nasasama ang kaalaman ng nagpasa sa papasahan. Yung natural naman ay yun mga nilalang na naniniwala sa mga ganitong bagay at sa paglipas ng mga araw nadedevelop yung energy sa katawan nila kung ano yung pinaniniwalaan nilang powers nila, pero once na nakuha mo na ang natural ability mo, hindi mo na pwedeng mabago.

Sino kaya siya? Paano nga ba siya nakapasok sa lugar na 'to? Pagiging matalino nga lang ba ang ability niya o mayrron pang iba base sa enerhiyang dumadaloy sa kanya. Malalaman ko din naman kaya naisipan ko siyang ipasok sa paaralan na yun. Basta alam ko pamilyar ang family name na gamit niya pero hindi naman na maaari dahil matagal ng --.

(-.-) ZzzZzzZzZZz


The Power WithinWhere stories live. Discover now