- CHAPTER THIRTEEN -

54 2 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Maagang nagising si Nvrem dahil unang araw ng klase niya sa SNAA. Nakuha na din niya ang dorm keys at mga uniform niya kahapon ng pumunta sila ng Headmistress' office. Kung titingnan niya ito ay mukhang nasa 20 palang ngunit kaedad na ito ng mama niya. Nalaman din niya na hangin ang kakayahan ng kanilang Headmistress dahil sa nakakaya nitong patigilin o palakasin ang hangin. Ngayong araw magsisimula ang kanyang paghasa sa kakayahan niya. Dahil nataon sa unang araw ng klase ang pagpunta niya dito kaya may isang malaking salu-salo muna ang magaganap sa dining hall ng kanilang paaralan. Isinuot na niya ang Long sleeve niya na kulay asul na nagrerepresenta sa section niya. may tatlong section kasi ang mga estudyante dito.

Blue- lower section, dito yung mga mahihina pa ang ability na walang kakayahang dumipensa o opensa, kumbaga mas malaki ang tulong nila sa estratehiya. May posibilidad din na mawala pa ang mga kakayahan nila.

Gray- middle section, kayang gawin ang isa man sa dalawa- ang pag-opensa o pag-depensa.

Black- higher section, kayang gawin ang parehas.

Silver- special section/class, dito nabibilang ang mga may hawak ng Legendary Abilities.

Naglakad na siya papunta ng dining hall. Lahat ng masasalubong niya ay tinitingnan siya, marahil ay bago siya sa paningin ng mga estudyante. Nasalubong niya si Push sa paglalakad niya.

"Nvrem, pnta ka nang dining hall?" suot nito ang silver na long sleeve na pinartneran ng black pants at nanunulis na dulo ng itim na sapatos.

"Oo. kaso parang gusto ko ng bumalik sa dorm ko. Hindi kasi ko sanay sa maraming tao tapos nakatingin pa silang lahat sakin." Nagulat naman siya ng akbayan siya ni Push.

"huwag mo nalang pansini. Hindi lang siguro sanay na may bago. Tara tumabi ka nalang muna samin kahit ngayon lang." Sabay hila kay Nvrem sa loob ng dining hall. Dumiretso sila sa loob at umupo sa table na nakalaan para sa kanila. May isang lalaki na ang nakaupo dun ng dumating sila.

"Nvrem, si Ice." sabay turo niya dun sa lalaking nakaupo na sa may table. "Ice, si Nvrem. New student. Maging mabait ka sa kanya ha." Nagulat siya kasi kinuha ni Ice ang kamay niya para makipagshake hands. Di naman pala singlamig ng pangalan niya ang ugali niya. Malaking lalaki rin tulad nila at may malalim na biloy sa kaliwang parte ng pisngi. Hindi naman pala ganon kasama ang mga tao dito naiisip niya. Umupo na siya dahil may nagsalita na sa harap.

"magandang umaga abiliters! isa na namang bagong taon ang ating haharapin sa paghahasa ng inyong mga kakayahan. Nawa ay mag-enjoy kayo sa bagong taon na pampaaralan." bati ng headmistress na nakilala na niya. "bago ang lahat nais ko munang ipakilala sa inyo ang dalawa sa nagtataglay ng mga Legendary abilities." sabay tutok ng kamay sa table na kinauupuan nila Push. "Puttichai kasetsin ang may hawak ng Legendary Earth at si Ice Laveehot ang may hawak ng Legendary Fire. Alam kong alam niyo na may apat pang nawawala na Legendary ability holders at sana mahanap na sila." Pagkatapos ng pagpapakilala sa dalawa ay kumain na sila.

ICE'S POV

Hi, ako si Ice Kant Laveehot. Naidescribe naman na ni author ang itsura ko. Ayun nga hawak ko ang Legendary Fire Ability, kaya kong gamitin lahat ng kulay ng apoy- red orange sa normal attack, red sa stronger attack, purple sa strongest attack, black sa pinakamalakas na apoy na maski tubig ay hindi kayang patayin pero liban ko lamang ito gamitin dahil narin sa maaari ako nitong kontrolin at ang huli ay ang puting apoy na kayang magbigay ng nawalang enerhiya. Kaya ko din balutin o gawing apoy ang katawan ko. Kanian nung kinamayan ko si Nvrem parang kung may anong napakalakas na enerhiya ang dumaloy sakin samantalang blue lamang ang uniform niya ibig sabihin pang-estratihiya lamang siya na sinabi naman sakin ni Push dahil sobrang talino nga daw niya kaya siya nakapasok dito. Ano kaya ang meron sa bagong estudyante na yun. Aalamin ko yan kahit anong mangyari.

NVREM'S POV

Andito na ko sa classroom namin, nandito yung mga mahihina pa o posible pang mawalan ng kakayahan. Karamihan kami dito ay puro matatalino, yung iba naman ay mahusay sa direksyon. Yun nakikita nila ang direksyon kahit malayo parang Eagle's eye. Hindi nga pala normal ang mga klase dito. Wala yung mga gusto kong math problems, grammar, saka yung mga majors ko pa. Ang una namin klase ay History. Siguro about sa Elemajika yun. Paaralan lang ba talaga 'to? Kasi tuwing tinitingnan ko ang paligid parang dating malaking kaharian dahil may nakapalibot parin na limang kaharian bukod dun sa isang parang patay na patay na ang pwesto at parang may tinanggal. Kahanga-hanga nga yung isang kaharian, nakalutang sa ere tapos yung isa kapag sumilip ka sa lawa nandun sa ilalim kita lang dahil sa linaw ng tubig, mayroon naman ring of fire yung isa, yung sa lupa naman may malalagong halaman at malulusog na hayop, at yung pinakamalaki ay nagliliwanag kahit na may araw pa naman. Nasaan kaya ang mga prinsepe at prinsesa kung mayroon man. Dito rin kaya sila nagsisipag-aral? Nakakasalamuha ko kaya sila? Sana minsan malibot ko ang isa man lang sa limang mga kaharian na yan. Hala may prof. na kami. Mamaya nalang ulit tayo magkwentuhan.


The Power WithinWhere stories live. Discover now