- CHAPTER FOURTEEN

46 1 0
                                    

NICKY'S POV
Papunta na kami sa paaralang sinasabi nila mama. Hindi namin alam parehas kung ano ang naghihintay samin dun, pero hanada kami makita lang ulit si Nvrem. Hindi nila kami pwede ihatid mismo sa paaralan dahil baka may makakilala sa kanila. Kaya ituturo nalang nila sa amin ang mas mabilis na daan, portal daw kung tawagin tapos iluluwa na daw kami nun sa loob ng forcefield ng SNAA. Yun lang daw ang nag-iisa pang daan bukod sa pagpasok sa forcefield dahil may ability ka pero tulad nun, ang portal ay kumikilala din ng mga may ability.

"tita san na po ang portal na sinasabi niyo?" tanong ko sa mama ni Nvrem dahil nga gusto na namin siya makita.

"huwag kang masyadong excited. Hindi naman malayo ang portal na yun, as a matter of fact hindi tayo babyahe." Ah. Okay lang naman pala. Kung ganon lalakarin lang namin. Nangangati na din kasi ko sa suot ko, alam mo yung pang-hiking? Ganon kasi naisip kong isuot dahil nga baka kako madaming bundok dun at masusukal na gubat.

"tara sa sixth floor." Yaya ni tita. Ha? Siguro may ipapabuhat lang at hindi niya kayang ibaba kaya magpapatulong. Umakyat na kami gamit ang Elevator.

"mauna na kayo dun sa dulong pinto. Susunod ako!" ito nga pala yung forbidden floor. Sabi nila marami daw papers ditto pero parang wala naman. Ang linis nga nitong hallway.

"tama nga ang nasa isip ko. Ditto nga nakalagay, kaya pinagbabawalan tayong akyatin 'to." Aba kasama ko pala si mouse kala ko ako lang mag-isa. Ano naman kaya sinasabi nitong dito nakalagay? Yun ipapabuhat ba ni tita?

"alin? Yung ipapabuhat ba ni tita sa atin pababa?" binigyan niya lang ako ng matalim na tingin.

"akala ko matalino ka rin katulad namin niNvrem. Mukhang mali kami. Hindi mo ba naisip kung bakit ayaw tayo paakyatin dito? Kung bakit sinabi ni tita na hindi tayo babyahe para sa portal. Kasi dito mismo sa bahay nila nakalagay ang portal." Oo nga naman! Naisip ko na yun kanina, ayoko lang magmukhang matalino. HAHAHAHA!

"tama kayo. Nandito nga! Maski si ang anak ko ay hindi alam ito at ni minsan ay hindi nakaakyat dito. Kaya maswerte kayo dahil masisilayan niyo 'to." Sabay bukas niya ng pinto pero bakanteng kwarto lamang ang aming nakita. Niloloko ba kami ni tita?

"Aluminus portasius" banggit ni tita pagkatapos ay may malaking bilog na nagliliwanag na lumitaw sa harap namin. Parehas kaming nagulat ngunit binawi rin naman agad dahil maski kami ay hindi na normal kaya ano pa bang dapat ikagulat?.

The Power WithinWhere stories live. Discover now