- CHAPTER TWENTY NINE -

26 0 0
                                    


Albert's POV

Nandito kami ngayon sa infirmary. Kami ng asawa ko, ang apat na Legendary Abiliters, ang mga councils at ang dalawa naming anak na natutulog sa kanilang mga higaan. Walang pagsidlan ang aming tuwa dahil mabubuo pa pala ang pamilya namin. Ang matagal naming inaakalang patay na ay buhay na buhay sa aming harapan. Nakuha niya ang mukha ng kanyang ina, ang kagandahang hindi kayang pantayan ng kahit sinumang abiliters. Siya ay ang anak naming si Shainee.

"hmm. Nasan ako? Sino kayo?" nagising na pala siya.

"mahal na prinsesa!" nagsiyuko naman ang mga councils pati ang mga Legendary Abiliters.

"prinsesa? Ako? Teka sino ba kayo?" tanong ni Shainee ng puno ng pagtataka.

"iha, ako ang iyong ama. Siya ang iyong ina. Yang natutulog sa tabi mo ay ang kakambal mo." Sabi ko sa kanya.

"ha? Wala po akong maalala sa inyong lahat. Paanong nangyari yun?" takang tanong niya.

"yun ay dahil nakatulog ka ng matagal aking kapatid." Nagising na rin pala si Nvrem at siya na ang sumagot. "pinanatili lamang ng araw ang iyong lakas kaya hindi ka binawian ng buhay kahit pa hindi ka nakakakain o umiinom." Dugtong niya.

"isa lang ang paraan para makilala kayo ng ayos ng inyong anak." Sabi ng CL.

"paano?" tanong ng aking asawa.

"ang ibahagi ni Sky ang mga nasa ala-ala niya para mapunan ang mga panahon na wala siya sa piling niyo." Tugon ng CL. "magkapares ang kakayahan ng araw at buwan, kung ang araw ay kayang magbigay lakas, ang buwan naman ay kayang kumuha ng lakas. Binabalanse nila ang isa't isa, kaya kayang ibahagi ang mga ala-ala. Maghawak kayo ng kamay."

Puno man ng pagtataka ay ginawa parin nila. Biglang nagkaroon ng liwanag- mga putting liwanag na may mga imahe sa loob, mga imaheng gumagalaw. Nakita rin namin ang mga sarili namin. Kung paano kami pinahahalagahan ni Nvrem. unti-unting pumasok ang mga liwanag sa ulo ng aking anak na babae at ..

"ma?pa?" agad siyang tumakbo sa amin at yumakap. Hindi napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha.

"kami nga anak." Maikli kong tugon.

Nagkaroon ng maikling pagpapakilala si Nvrem ng mga kaibigan niya. Hindi naman nahirapan si Shainee na kilalanin sila, kung makikita nga'y parang matagal na niyang kilala ito. Dahil siguro sa mga ala-alang naibigay ni Nvrem.

"siguro'y makabubuti kung babalikan niyo muna ang inyong mga nasasakupan lalo na ang mga kaharian niyo. Matagal na ding hindi nakakabalik ang mga tagapagmana roon. Balitya ko'y pumapangit na ang kapaligiran." Sabi ng isang council.

Sinunod naman namin iyon at agad na nag-ayos para pumunta sa mga kaharian. Isasama namin sa Nvrem sa Solaria kahit pa dapat ay sa Moonsoroe siya, bukod saq hindi pa naibabalik ang kahariang ito ay may dugo ring Villacencio ang nananalaytay sa kanya na kakailanganin din tiyak ng Solaria sa takdang panahon.

"o pano na? kita-kita nalang tayo pagbalik namin dito." Bilin ni Nvrem sa babaeng natitipuhan niya- Cindy.

"sige! Walang problema. Mag-iingat kayo ha!" tugon ito.

"kayo din mag-iingat dito. Kayong dalawa kong butihing bestfriends, magingat kayo ah! Walang pasaway sa kaharian niyo. Balita ko andun daw ang mga magulang niyo. Bumalik siguro sila." Tukoy niya kay Mouse at Nicky.

"si Nicky lang naman ang pasaway sa atin. Sigurado nga akong paglalaruan niya ang kakayahan niya pagdating doon sa kaharian niya." Sabi ni Mouse.

The Power WithinWhere stories live. Discover now