- CHAPTER TWENTY FIVE -

26 1 0
                                    


Third Person's POV

Mabilis lumipas ang isang linggo simula ng alitan ni Nvrem at Zeus. Hindi ipinaalam ng buong Higher Class ang pangyayari sa nakatataas dahil paniguradong sila lang din ang mapapagalitan, hindi pinahihintulutan na maliitin ang mga nasa lower class sapagkat lahat naman ng abiliters ay may kanya-kanyang ginagampanan na tungkulin at lahat sila ay mahalaga. Tila isang malaking palabas lamang ang nangyari para sa kanila na hindi na nila gusto pa ulit mangyari at mapanood. Ngayon ay lunes, ngayon din magaganap ang dragon summoning ng mga abiliters. Halu-halo ang mga nararamdaman ng mga estudyante ngunit may dalawang hindi man lang alintana ang magaganap na aktibidad ...

"Nvrem, salamat pala sa mga binigay mong flowers at chocolates ah! Gusto mo ba kung patabain?" banggit ng dalaga.

"don't mention it Cindy! I told you I'm going to court you. Umpisa palang yun nu. There's more!" makumpiyansang turan ng binata

"hahaha. Hindi mo naman kailang magbigay ng mga material na bagay. Being here with me is more than anything I could ask for."

"cheeeeeeesy! Ibig sabihin ba niyan ay mas naiinlove ka na sakin. I knew it! You can't resist my charm."

"uber-confident huh? Maiba ako, parang hindi ka problemado sa dragon summoning?"

"kinakabahan ako, oo! Pero siguro naman kaya ko na ngayon. I already discovered my ability."

"sabagay! Ngayong nasa higher class ka na siguro talaga makakaya mo na lahat."

"ABILITERS YOU MAY NOW PROCEED TO THE TRAINING GROUND FOR THE DRAGON SUMMONING!" rining nilang tangay ng hangin. Marahil ang Headmistress ang may gawa nito.

"let's go?" sabay alok ni Nvrem ng kamay niya kay Cindy at sabay silang naglakad patungo ng training ground.

Pagkarating nila ay marami ng estudyante ang naroon. Pinili niyang sumama sa mga kaklase niya sa lower class kaysa sa higher class. Pagkaupo niya ay ..

"oh bakit nandito ka Sky?" tanong ni Rizzy sa kanya.

"dito ko gusto. Mahirap pakisamahan ang mga matataas ang lipad." Sagot niya na tinutukoy ang mga nasa Higher Class.

"be quiet Abiliters!" sabi ng headmistress. "ngayong araw ay magaganap ang isa sa pinakaimportanteng aktibidad sa ating paaralan- ang Dragon Summoning. Maging ang mga Legendary Abiliters ay sasali dito dahil kailangan din nilang gisingin ang kanilang mga dragon. Magsisimula tayo sa Lower class. Lahat ng matatawag ay mangyari lamang na pumunta sa gitna at umpisahan ang konsentrasyon at basahin ang mga salitang ibinigay ng council leader. So, Let's start! Rizzy."

Pagkarating ng dalaga sa gitna ay agad nitong kinabisado ang mga dapat sabihin at saka nagconcentrate ..

The dragon inside me

You should listen thee

I am now calling you here

Surrender your powers to me

APPEARASUS MONTURUS!

Pagkatapos niyang banggitin ang mga salita ay nagkaroon ng matinding liwanag na nagpasilaw sa lahat. Pagkakuwa'y may dragon ng lumilipad na ang katawan ay namamarkahan ng mga nota, ulong may mga matang tila makakatulog ka kung tititigan at mga pakpak at buntot na animo'y may tiklado ng mga piano kapag iwinawagaswas. Marahil ito ang dragon ng kanyang tunay na kakayahan. Nakalipas ang iba pang mga estudyante ng lower class at halos magkakatulad lang din naman ang mga dragon nila dahil pare-parehas lang sila ng kakayahan.

"middle class naman tayo ngayon. Ayn!"

Ayn- may malalaking tulis sa katawan ang dragon niya na animo'y mga kutsilyo at ispada.

Cindy- may katawan na nakakabitan ng isang orasan na kapag umikot pakanan ay tatanda ang itsura ng kanyang dragon at kapag umikot pakaliwa ay babata naman.

Nakatapos ang middle class at ilan sa higher class. Marami ang nakamamanghang dragon ngunit ang karamihan ay naiiba lamang sa disenyo ng mga pakpak at buntot.

"ang huli sa higher class, Nvrem!"

Mahahalata ang nerbyos sa binata ng tawagin ang kanyang pangalan. Pagkarating niya sa gitna ay pumikit siya ng mariin ..

The dragon inside me

You should listen thee

I am now calling you here

Surrender your powers to me

APPEARASUS MONTURUS!

Lumiwanag ng pagkalakas-lakas, lumindol ng pagkatindi-tindi at saka may humihiyaw ng pagkaingay-ingay. Isang putting dragon.. hindi dalawang dragon, isang puti at isang dilaw ang lumilipad sa himpapawid. Ang mga dragon na ito ay ang dalawang dragon na nakabato sa tuktok ng tarangkahan ng paaralan. Silang dalawa ay ang dragon ng mga tagapagmana ng trono ng Moonsoroe at Solaria. Ngayon ay alam na ng lahat na ..

"siya ang tagapagmana ng araw at buwan." Sabi ni Prof. Lilian.

"ngunit hindi maaaring siya ang magtaglay ng dalawang kakayahan. Hindi sila pwedeng magsama sa isang katawan." Sabat ni Prof. Sean.

"ang alam ko'y kambal sila. Paanong siya lamang ang nagtataglay ng lahat?" giit ni Prof. Shabie.

Mangha at gulat ang makikita sa mga mukha ng lahat ng nasa training grounds samantalang pagtatakha naman ang sa mga guro at headmistress. Marahil natagpuan na nga nila ang tagapagmana na magpapaayos ng kanilang lugar ngunit hindi maaring lamunin din siya ng dalawang kakayahang tinataglay niya.

"NVREEEEEEEEEEEEEEEEM!" nagbalik sila sa realidad ng marinig ang sigaw ni Mouse. Nawalan na pala ng malay ang binata kasabay ng paglalaho ng dalawang dragon na kanina lang ay nagtatagisan ng lakas sa kalangitan.

"dalin niyo na siya sa infirmary. Bukas nalang natin gagawin ang sa mga Legendary Abiliters." Utos ng Headmistress.

Dinala na agad nila si Nvrem sa Infirmary at hihintaying magkamalay para malaman ang kasagutan. Ngunit hindi nila alam ay mas maguguluhan pa sila sa mga mangyayari dahil hindi rin naman alam ng binata kung ano at saan ba talaga nanggaling ang mga kakayahan niya at kung paano ito napunta sa kanya.

The Power WithinWhere stories live. Discover now