Chapter 10: Ang Alamat ng Bintana

104 0 0
                                    

"Fatima!"

"Oy!" Napatingala ako at binati ang paparating na si Jack.

Guys, si Jack nga pala. Classmate namin sa Management Accounting 2 at isa sa mga manliligaw ni Anne. Marami kasing nagkakagusto kay Anne at isa lamang si Jack sa mahabang pila na nagkakandarapa mapasagot lang ng OO si Anne. Pero, sorry guys, sadyang mataray at isnab ang friend namin. Saka isa pa, mayroon siyang crush 'di ba? Tingnan mo nga naman, yung may gusto sa iyo hindi mo type at kung sino naman yung hindi ka pinapansin yun ang gusto mo. Well...that's life. Ang main ingredient kasi ng mutual love ay milagro.

Naupo siya sa tabi ko. Hindi kami nag-iimikan. Actually, nakaupo kami ngayon sa hagdan sa fourth floor na katapat ng pintuan ng speech laboratory kung nasaaan sina Rollen at Anne ngayon. Nagbabasa ako ng Law on Nego habang hinihintay silang lumabas.

Makalipas ang five minutes...

"Fatima."

"Oh?"

"Wala lang. Hindi ka kasi nagsasalita. Ang seryoso mo."

Tiningnan ko siya.

Tumingin din siya sa akin.

"Bakit?" Tanong niya.

"Hinihintay mo si Anne?"

Napaiwas siya ng tingin.

"Ihahatid mo siya ulit?" sunod kong tanong.

Hindi siya sumagot at tumawa lang.

"Ang tiyaga mo ah. Last sem mo pa siya nililigawan pero hindi ka pa rin tumitigil."

"Anong last sem? Wag ka ngang ano." Sabay tulak sa akin.

Bucet tong si Jack. Akala mo ay dalaga na nahihiya dahil tinutukso sa crush niya.

"'Wag kang mapa-flutter ha. Opinyon ko lang 'to. Pakiramdam ko may pag-asa ka kay Anne. Kasi yung iba sa mga nanliligaw sa kanya basted on the spot eh. Biruin mo tumagal ka ng ilang buwan tapos ang close niyo na."

"Ayie! Kilig much." Sabi niya na niyakap ang sarili at nag-wiggle.

Natawa ako bigla. Puro kalokohan 'tong tao na ito.

"Totoo nga? Sa tingin mo?" Tanong niya.

"Pero ewan ko. Si Anne pa rin ang nakakaalam ng tunay na sitwasyon. Saka crush niya pa rin si Jeron eh kaya huwag ka masyadong umasa."

"Tsk! Jeron, Jeron. Puro na lang si Jeron. Upakan ko na 'yon eh." Sabay tawa.

"Baliw! Wag ka good boy iyon. Matalino na tapos lagi pang nagsisimba. According to Anne, family-oriented pati."

"Talaga? Hala baka 'pag nakita ko iyon ma-typan ko rin. Sa halip na karibal ko kay Anne, si Anne ang maging karibal ko."

Tumawa lang kami ng tumawa at nagpatuloy ang usapan hanggang sa mapunta sa kung saan ang usapan.

"Wait. Puwede mag-comment sa inyong magbabarkada?"

"Sige."

"Wag kang magagalit ha. Magko-comment lang ako sa individuality niyo."

"Ha?"

"I mean. Yung asset niyo kumbaga."

"Okay. Simulan mo kay Anne."

"Wag kang ano. Akin na lang iyon."

"Akala ko ba kaming magbabarkada?"

"Except kay Anne. Dali. Eto na sasabihin ko na."

Hinintay ko na lang siya sa pagkukuwento niya.

"Kay Tessa, yung mata niya maganda. Para kasi siyang Bombay."

Love Story KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon