Chapter 2: La Vie en Rose

68 3 6
                                    

Monday

**Bad Word!!!** Late na naman ako! 10:30 ang class ko, 10 na'ko nagising. 'Di na naman nag-alarm ang cellphone ko?!

Pagdating ko sa classroom ay late ako ng 15 minutes pero wala pa si Prof. Hay naku! Grabe talaga 'tong si mam. Pero buti na lang late s'ya kaya 'di ako late. Haha! Sana ganito lagi ang prof sa first class ko.

"Uy ayan na si Ms. Tardy." Sabay turo sa'kin ni Ilene.

Umupo ako. Grabe hingal na hingal ako.

"Grabe F yung pawis mo." Bati ni Anne. My gas! Kaliligo ko lang mabaho na naman ako. Kinapa ko ang bulsa ng blouse ko at... naiwan ko yung panyo ko sa sobrang pagmamadali. Sobrang ninja moves na nga ginawa ko kanina. Hindi na ako naghilod.

"Tissue." Bigay sa akin ni Anne.

"Kumusta Ms. Marigmen? Napasarap yata tulog natin ah." Bati ni Tessa.

"May bago pa ba?" Sabi naman ni Rollen.

"Oh Fats, hinga ka muna." Bati naman nung nasa harap namin na si Cheery.

"Sabi ko naman sa'yo 'wag ka nagmamadali sa class na'to. Si Mam Domingo lang 'to. Ano ka ba?" Dagdag pa n'ya. Wala eh kaeskwela ko 'tong si Cheery sa pagiging late. Madalas nga mas late pa sa'kin 'to.

Bale kami-kami lang nag-uusap kasi pre-prehas kaming free-sec. Nao-op kami sa section namin dahil mga nerd kasi section A eh, the cream of the crop. Wala naman kaming choice dahil ito ang pinaka-favorable na schedule.

Mga ilang minutes pa ay dumating na rin si Profy. Ano na naman kayang idi-discuss nito? Ayun nag-discuss na naman ng powerpoint na 'di ko naman naiintindihan. Wala talaga akong natututunan sa class na'to. Tapos nahihilo pa'ko sa isa naming classmate na ang dami-daming sinasabi tungkol sa lesson namin. May mga ganito talagang estudyante. Yung mga maraming nasasabi kahit na joke time yung class dahil marami silang alam at naii-relate nila sa lesson. Siyempre hindi ako kasama doon.

"Mam yung data encryption po, yun yata yung ano..." Ano daw? Bahala nga kayo d'yan. Encryption encryption pang nalalaman hindi na lang magkape.

Sa magkabilang-gilid ko nagdadaldalan din ang mga tao. Hayst! Naku pipilitin ko na lang makinig kay mam at sana may masagap naman ako kahit papaano.

"Fats."

May tumatapik sa balikat ko. Nagtatawanan yung mga pamilyar na boses ng mga kaibigan ko. Nagising na lang ako tapos na pala yung class. Sabi ko pa naman makikinig ako sa lesson. Pfffrrrhhh. Ang boring talaga ng everyday life ko.

Lunch time. Ako na naman ang huling natapos kumain. What will you expect? May bago pa ba? Ba't ba sa lahat ng bagay ay huli ako?

Sa library ang bagsak namin afer lunch. Aral-aral kunwari pero ang totoo kwentuhan lang. Maliban na lang kung may quiz dahil naghihiwa-hiwalay kami ng upuan.

Sa buong isang oras ang tahimik ko. May bago pa ba? Ako na yata ang pinaka-boring na tao sa mundo. Wala naman kasi akong maisip sabihin.

"Hoy Fats!" tawag ni Rollen.

Ewan ko ba kung bakit Fats ang tawag nila sa'kin eh payatot kaya ako. Kaya hindi siguro ako tumataba lagi akong binabating Fats.

"'Wag mo na kasing isipin yun mahal ka nun," sabi naman ni Ilene.

"'Di nga kami magkakilala eh," sagot ko na wala sa sarili.

Nagulat sila sa sagot ko. Pati nga ako nagulat din eh. Hala!!! Anong sinabi ko?!!!

"Ooyy!!!" Cheer nila. Super ptj!

"Uy si Ms. Marigmen lumalablayp," tukso ni Tessa.

"Ha? Ano bang sabi ko?" Palusot ko.

Love Story KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon