Chapter 16: Pa-Touch

25 0 0
                                    

Nakapanghihina ang araw na ito. Heh. Dumiretso akong SM after ng class ko. Oo start na ng pasukan at two weeks na kaming pumapasok. Huwag po kayong mag-alala dahil hindi naman po ako nagbubulakbol.

Kung dati-rati ay para akong tarantado na natataranta sa pagmamadali, ngayon naman ay sobrang bagal ng lakad ko. Akala mo ay nalugi sa negosyo eh. Grabe ang drama ko. Kasi napagalitan ako ng Prof namin dahil hindi ako nakikinig sa klase. Actually, pangalawang beses pa lang ako napapagalitan ng titser ko. Una ay noong grade 2 dahil sabi ng reviewer ko sa Math ay kung saan-saan daw ako tumitingin at hindi ako nagfo-focus sa itinuturo niya kaya kinurot ako sa singit. Masakit yun be.

Ngayon naman ganito yung nangyari:

"Marigmen. Where's Miss Marigmen, Fatima?"

"Marigmen daw," sabi sa akin ng katabi ko.

"Yes sir?" Nagtaas ako ng kamay.

"Ah! Ayun pala si Ms. Marigmen. Okay."

Nagtitigan kami ni Prof.

"What's your answer?"

Nagulat ako sa tanong niya kaya napatayo ako bigla. Ha? Ano ba'ng tanong? Napatingin ako sa katabi ko at napansin yun ni sir.

"Sir, what's your question again?" Tanong ko kay Prof.

"Hindi ka yata nakikinig eh." Galit na sabi ni Prof.

"Sir, I have a hearing problem so I didn't hear the question"

"So you're telling me that you didn't hear a single thing I'm saying since the very beginning?" Pagtataray niya.

Hindi ako makaingok. Eh. Ang totoo ay ito lang ang hindi ko naintindihan. Kasi pabago-bago ng sinasabi 'tong si sir. Tapos nasa pinakadulo na nga ako ng row, nasa pinakadulo pa ako ng upuan malapit sa pintuan. Kaunting usod lang ay puwede na akong umuwi at mag-cutting.

Napatingin ulit ako sa katabi ko at nagtatanong kung anong tanong ni Prof.

"Oy, oy! No coaching."

Nginitian ko na lang si sir dahil wala akong masabi. Nape-pressure na ako sa tinginan ng classmates ko sa akin. OMG! Wala na nga akong friends sa section na ito tapos ganito pa ang mangyayari. Para na akong untouchables nito.

"Okay please be seated. Hindi kasi nakikinig."

Kitang-kita ko iyon! He rolled his eyes. Ugh! Hindi ko nga narinig yung question eh. Puwede namang ipaulit yung question bakit kailangan pa akong ipahiya sa buong klase?

Lost in thought ay namalayan ko na lang na nasa Bookstore na pala ako. Dumiretso ako sa section ng mga paper clip at namili kung anong bibilhin.

Maya-maya ay may nagsalita mula sa likod ko. Napatingin ako sa kanya pero hindi ko na pinansin dahil hindi ko naman kakilala. Nagpatuloy ako sa pagpili kung anong kukuhanin ko. Ito bang black o colored, anong size?

Nagsalita ulit siya. Nagtataka naman ako dahil kami lang naman dalawa ang nandoon kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"I'm from S University," nakangiti niyang sabi sa akin.

Ha? So ako nga ang kinakausap nito. OMG! Parang ang bastos ko dahil hindi ko siya pinapansin. Kaya bilang sagot ay nginitan ko siya (kahit fake) saka tumango.

"You're from S University, too?"

"Ah no," sagot ko.

Medyo napansin ko na kanina pa siya nag-eenglish.

"Oh sorry I thought you're from S University 'coz I caught your attention when I said it."

Ha? Caught my attention? Ni hindi ko nga alam na kinakausap niya pala ako eh.

Love Story KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon