Chapter 14: A, B, Censored

32 0 0
                                    

7:30 am ang usapan. Anong time na? 8:07 am. Ewan ko lang kung naghihiganti sa akin ang mga kaibigan ko or what. Grabe guys, ang aga ko kayang nagising. Bumangon ako ng 6 am kahit na labag na labag sa kalooban ko. Ayokong tawagin na naman nila akong Ms. Tardy. Siyangapala nasa iskul ako ngayon para sa enrolment at nakaupo sa kung saang bench. May dalawang babaeng nag-uusap sa katapat kong upuan. Magkaharap kami kaya naman ay nakikita ko ang mukha nila. Dalawang maganda, matangkad at maputing babae. Estudyante rin sa iskul. So? Eh kasi medyo nakakabigla yung nangyari.

Pagkikita...

G1: Kumusta friend?

G2: Okay naman friend. Ikaw kumusta ka na?

Ang dami pa nilang echos. Haler! Ang tagal ng sembreak ha.

Nakaupo na sila at sa tapat ko nga. Nung umpisa ay nagkukuwentuhan sila about sa subjects na kukuhanin nila this semester hanggang napunta sa...

G2: Kumusta na pala kayo ng boyfriend mo?

G1: Okay naman. Kaso madalas may gig sila sa iba't-ibang lugar kaya hindi kami ganoon kadalas magkita.

G2: Aw. Ganun ba?

So...member ng banda ang boyfriend ni G1.

G1: Ikaw nga pala, kumusta na kayo ng boyfriend mo? Ano nga palang hitsura niya? Bakit kasi ayaw mong ipakilala sa amin?

G2: Hay naku, let's leave it as it is.

G1: Pa-mysterious ka ha. Ano ngang hitsura.

G2: Maputi siya tapos singkit.

G1: Oh. Ang ganda ng description mo ha.

G2: Hehe. Ganoon talaga. Back to you, paano yun kayo nung boypren mo? Kung hindi kayo ganoon kadalas magkita?

G1: Okay naman. Minsan naman sinasama niya ako sa kung saan sila tumutugtog. Siyempre hindi maiiwasan minsan ang selos at away.

Yeah. Thats normal in a relationship.

G1: Tapos, pagtapos ng away at sabay bati niyo doon pinakamasarap mag- ***censored*** ***censored*** 'Di ba?

Waah! Wait!!!

G2: O-oo nga. He...he...

The F Fatima, anong pinakikinggan mong usapan?! Guys promise hindi ko sinasadya. Yung mukha nung G2 ay... Haha! Sobrang epic. Hindi magkandatuto kung anong isasagot niya. Censored, censored alert!

Napatingin sa akin si G2 at napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Sheps! Nahuli ako sa pagkatsimosa ko. Si G1 naman ay walang pakialam kung sino man ang makarinig. She's so bold.

G2: Girl let's go.

Wew! Pinagpawisan ako doon ah. Pero guys wala pong mature content itong Love Story Ko. Masyado pa po akong bata para sa mga ganoong bagay.

Matapos umalis nung dalawa ay mag-isa na naman ako. Wala nang marinig na tsismis. Hayst. Wala akong load hindi ko ma-text ang friends ko kung nasaan na sila. Sige maghihintay pa rin ako kahit na hindi ko alam kung kailan sila darating.

That's life. Minsan talaga kailangan nating maghintay para sa tamang pagkakataon. Pero pa'no kung sa paghihintay pala natin eh hindi natin namamalayan na marami na palang lumampas na opportunities?

Ha? Sa'n na napunta ang topic?

Sige guluhin muna natin ang utak natin. Dahil napag-usapan nila yung lovelife nila kanina, akin namang ibabahagi ang lovelife ko.

Searching...loading...

No entry...

Waaah! Wala nga pala akong lovelife. Anong ikukuwento ko? Haha! Bucet.

Love Story KoWhere stories live. Discover now