Chapter 23: Bahala na ang Diyos

11 0 0
                                    

Puti. Puting kisame ang tumambad sa paningin ko. Ugh! Ang sakit ng ulo ko. Huh? Nasaan ako? Nagpalinga-linga ako at nakita ang mga tao sa kuwarto. May kanya-kanya silang mundo at walang pansinan. Bakit nandito ako? Aw! Napahawak ako sa ulo ko. Pakiramdam ko ay mabibiyak sa sakit.

"You're awake."

Napatingin ako sa nagsalita. Ugh! Bakit nandito siya?

"Are you okay? I'll call the nurse so just stay still."

Bumalik siyang kasama ang nurse. Nang matapos ang check-up ay binigyan ako ng gamot.

"I, I'm sorry for what happened." Saka siya naupo sa gilid ng kama.

"Um...I, the hospital contacted your school but your parents' contact numbers are not updated so we weren't able to inform them your condition. Thanks to your phone's security lock."

Naka-dextrose na nga ako hindi pa rin ako lubayan sa pang-aaway. Hindi ko nga kasi alam alisin yung pin ng phone ko. Sorry na. Haha! Nakigaya lang naman ako sa mga kapatid ko na may security ang phone.

"Please let me contact your parents, I want to properly apologize. I also called my father, he'll be here later."

Tiningnan ko lang siya. Ewan ba kung bakit para akong nakalutang? Pakiramdam ko ay walang laman ang ulo ko at hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi niya.

"Sorry? What?" Tanong ko sabay takip ng mata.

"Are you okay? I said I would like to contact your parents."

"Parents?" Medyo nasaulian ako.

"Yung gamit ko."

Kinuha niya yung bag ko at saka iniabot sa akin. Kinuha ko ang phone at ibinigay sa kanya. Nahimatay ako dahil sa taong ito? Mukhang hindi naman masamang tao at idinala pa nga ako sa ospital. Pero...hmp! It's his responsibility kaya dapat lang.

"Wala akong load," sabi ko.

"What? Then throw your phone."

"Ano?"

"Whatever! I'll load it so tell me your number."

"Wala ka ring load?" Tanong ko.

Napakunot siya ng noo saka sinamaan ako ng tingin. Bigla kong naalala na na-snatch pala yung phone niya. Hindi na lang ako umimik at kumuha ng kapirasong papel at isinulat ang phone number ko.

Nang makapagpa-load at matawagan si mama...

"You have a problem with your health? Sorry. I didn't know."

Hindi ba obvious? And of course you don't know, we just met a while ago.

At siyempre ang reaksiyon ni mama ng makausap niya si Law...aba ayun at na-highblood. Luluwas daw siya bukas kahit na sinabi kong okay na ako. Hindi ba nga at magkakahiwalay kami. Ako at si Jesson ay nasa Maynila dahil sa school namin, si mama at Ray naman na bunso namin ay nasa province at si papa naman ay nagtatrabaho sa Saudi Arabia.

"Sorry for the trouble. I'll take responsibility for it." Sabi niya na hindi nakatingin sa akin.

"Nandito ako, sa'n ka nakatingin?"

Tinitigan niya ako ng masama. Nahiga na lang ulit ako sa inis.

"Sorry? Hindi naman seryoso. I won't accept it. Hmp!"

"You!"

"I'm not you, ikaw ang Yu."

"Hmp!"

Makalipas ang ilang minuto...

Love Story KoOù les histoires vivent. Découvrez maintenant