Chapter 4: Danger

39 1 1
                                    

Nagdaan ang buong linggo at Friday na naman. Napakabilis ng araw. Dati lang 'di pa'ko marunong magsalita.

"uh oh, uh oh, uh oh, yeah
Sometimes I walk a little faster
In the school hallway just to get next to you

Some days I spend a little extra time
In the morning just to impress you ..."

Waaahhh! Yung alarm ko. Kanta yan ni Miley Cyrus. 'Di ko naman peborit si Miley pero type ko yung kanta. Rockstar nga pala ang title. Saka wala rin akong crush sa school. Promise.

Maga na agad? Bangon, nakapikit pa sabay higa ulit. Mga ilang minuto tumunog ulit......song.... napalundag ako sa higaan. Tiningnan ko kung anong time na. Ah, 6:40 pa lang, maaga pa 10:30 pa naman class ko. Kaya nahiga ulit ako.

"Musical instrument ...
The day I first met you
You told me you'd never fall in love

But now that I get you
I know fear is what it really was..."

Teka ba't iba yung tugtog? Napaisip ako. Hala hindi alarm yun may nagko-call. Baka si papa kasi 'di naman tatawag si mama ng ganitong oras. Kinuha ko yung phone na nasa may gilid ko at sinagot yung tawag.

"Hello po."

"Hello goodmorning."

"Goodmorning din po. Kagigising ko lang."

"Halata nga," sagot nung sa kabilang line.

"Kumusta na po kayo? Sorry madalang po ako makapag-text." Ilang seconds din na walang sagot.

"Hello po?"

"Ah okay lang. Inaantok ka pa ba?" Tanong nung sa kabilang line.

Teka!!! 'Di naman 'to boses ni papa eh. Napansin ko lang 'di 'to si papa kaya tiningnan ko yung number. #$@$^^& Confirmed! 'Di nga si papa. 'Di naka-register sa sim ko.

"Hello po." Napabangon ako. "Sino po sila? Sorry kala ko kasi father ko."

"Miss Fatima Marigmen?" Medyo nagulat ako. Wala naman akong natatandaang ganito ang boses na kakilala ko. Aba? Sinong nagkakalat ng cp number ko?

"Sino po sila?" Maayos ko na lang na tanong.

Napaisip kasi ako bigla na baka nanalo ako sa isa sa mga sinalihan kong raffle. Pero sino naman ang mag-kaconduct ng raffle draw ng ganito kaaga?

"I'm Mr. Alvarez." Ang aga-aga sinisira ang mood ko.

"Sorry po pero wala akong kilalang Mr. Alvarez. Nanalo po ba ako sa raffle or whatever?" Aba tinawanan ba naman ako.

"Sorry po ha. Wala naman po akong kilalang Mr. Alvarez. Thank you. Bye." Saka in-end yung call. Mr. Alvarez your face 'di naman kita kilala. At tinawanan pa ako. Tumayo na'ko sa higaan at inayos ang gulo-gulo kong kama.

Aba at tumatawag ulit. 'Di ko nga pansinin. Bahala ka sa buhay mo. Nakapag-decide na ako na hindi ako nanalo sa kung ano mang raffle or promo. Kasi sino ba namang tatawag ng ganitong oras para sa ganoong bagay 'diba? Matapos ang 2 attempts biglang may nagtext.

"I'm sorry Ms. Fatima. Did I scare you?"

Ha? Bahala ka sa buhay mo. Saka wala akong pangreply sa'yo. Wala akong load. XP

'Di kasi ako mahilig magtext kaya madalang ako magpa-load. Sa kakilala ko nga 'di ako nagtetext tapos s'ya rereplayan ko? Saka pa'no n'ya nalaman ang name ko? Creepy sana 'wag na s'ya tumawag ulit.

At nakapasok ako sa school nang 'di late sa first class. Pero dahil sadyang antukin ako nakatulog ako na nakadukdok sa book ni De Leon. Ang aga ko kasi, ako na yata ang nagbukas ng library. 10:30 pa class ko kaya nagbabasa muna ako sa Law on Sales... Saka isa pa joketime lang yung first class ko si Mam Domingo eh. Nagkakape lang yun sa classroom minsan nga kumakain pa ng chicken fillet at coffee ng McDo. Tapos babasahin n'ya ung powerpoint niya.

Love Story KoWhere stories live. Discover now