Chapter 15: Maiden in Love

6 0 0
                                    

Makalipas ang isang araw...

Bakasyon pa rin at tambay lang ako sa bahay kaya naisipan kong pumunta ng mall at mag-foodtrip.

Dumiretso akong fastfood. Matapos kumain ay tumungo sa isang bookstore upang bumili ng book siyempre. Nagpatagal-tagal muna ako pero isa lang ang binili ko. Paglabas ko ay may nabunggo akong babae. Grabe guys! Ang puti, ang kinis, ang kintab ng face niya sa sobrang kakinisan. Medyo na-bitter ako kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad. Hahaha! Guys, kuwento talaga ito ng isang taong bitter.

Dumiretso akong coffee shop at binuklat ang libro. First time kong bumili ng pure love story na novel. Kadalasan kasi sa mga binibili ko ay mga crime, thriller, psychological at fantasy. Mga ganern. Sa pagbabasa ko ay naalala ko yung ikikuwento ko nga pala sa inyo. Naputol nga pala dahil kay Tessa. Saan na nga ba ako? Third year na ako no? Nung cleaning day.

Nung time kasi na iyon ay badtrip ako. Basta hindi maganda ang pakiramdam ko. May mga pangyayari kasi sa utak ko na mahirap kontrolin. Nainis ako sa ginawa niya. Bakit niya ako ginagaya sa ginagawa ko? Nung umpisa nga ay naglilinis ako ng upuan noon at naglilinis din siya ng upuan. Nang naningil ako ay ganoon din ang ginawa niya. Mula ng araw na iyon ay hindi ko na siya tinitingnan pa. Madalas na rin akong pumupunta sa library tuwing tanghali kaya hindi ko na siya nakikita maglaro. Sa pila ay iniiwasan ko na rin siya.

Third year, peak of my depression ay iniluwas ako sa Maynila upang ipatingin sa isang psychiatrist. Maraming proseso ang ginawa sa akin kaya absent ako ng halos isang buwan. Saktong dating naman ni papa mula sa abroad, isang linggo ng iluwas ako sa Manila. Nang makabalik akong school ay ipinatawag sa faculty ang parents ko at kinausap sila. Ako naman ay nakaupo lang sa sofa habang nag-uusap ang parents ko at yung principal namin at adviser ko. Hindi ko naririnig ang usapan nila dahil kinausap naman ako nung titser ko sa Chemistry. Nang makapasok ako ng classroom ay lingunan lahat ng classmates ko sa akin. Nang break ay may mga lumapit sa akin na mga kaklase at kinamusta ako. Wala silang sinasabi na kakaiba pero halata sa kilos at ekspresyon nila na alam nila ang nagyari sa akin.

Mga ilang umaga matapos kong bumalik sa school... Nagulat na lang ako ng katabi ko sa pila si pretty boy. Hindi ko nasabi na hindi na magkatabi sa pila ang section namin. Kaya naman takang-taka ako ng makatabi ko siya. Hindi ko na lang pinansin. Iniiwasan ko siya pero lagi pa rin siyang nakapila sa ibang section at katabi ko nga. Dahil ba nandoon ang friends niya? Wala na akong pakialam. Uwian, araw ng Biyernes, nakasama ako sa mga gumagawa ng christmas decor kaya naiwan kami sa school. Sa labas naman ay nakapila ang mga fourth year para sa kanilang CAT. Isa sa mga officer ay kaibigan ko kaya nagpahintay na rin siya sa akin para sabay kaming maglakad sa sakayan pauwi.

Napagdesisyunan ng leader namin na umuwi na kaya itinabi na namin ang mga kalat. Hindi pa tapos ang CAT kaya nagpaiwan ako para hintayin si Maiden. Nang matapos ang CAT nila ay nagkalat na ang mga fourth year. Ang mga officer naman ay nakapila pa rin at kinakausap ng kanilang BatCom.

Habang hinihintay si Maiden ay naupo ako sa gilid ng flowerbox. Pinanonood ko ang mga fourth year na nag-aayos ng gamit ng makita ko si pretty boy na nakatingin sa akin. Hindi siya nakangiti at medyo malungkot. Maya-maya ay may lumapit sa kanyang babae at hinawakan ang kamay niya. Napatingin siya dito at kinantyawan sila ng mga iba pang fourth year. Nakatingin pa rin ako ng tumingin siyang muli sa akin ngunit napaiwas siya saka naglakad na kasama yung babae na magkahawak ng kamay.

"Fatima," tawag sa akin ni Maiden ngunit hindi ako umimik.

"Hoy!" Nagulat ako ng pumalakpak siya sa tapat ng mukha ko.

Habang naglalakad...

"Nakita mo yung dalawang magsyotang fourth year kanina? Sila ba yung tinitingnan mo kanina?" tanong sa akin ni Maiden.

Love Story KoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora