Chapter 3: Half and Half

58 4 4
                                    

"Miss." Tinapik n'ya ang pisngi ko pero hindi pa rin nakatingin sa akin.

Doon lang ako natauhan. Kanina n'ya pa raw ako tinatawag, at ibig sabihin nun kanina pa ako nakatulala!! Nakakahiya!!! Gusto ko nang maging bula!

Super! Sa 20 years of existence ko, ngayon lang nangyayari sa akin 'tong mga kahihiyan na'to. Kanina yung sa jeep tapos bigla pang nagpakita 'tong hinihintay ko. Oo s'ya nga!

"Are you okay?" Sabay iwas ng tingin.

Medyo shy type si kuya. Ano ba yan? Ang weak naman. Ayoko ng ganito. Sana naman medyo aggressive s'ya gaya ng mga lead sa nababasa kong manga. Medyo na-disappoint tuloy ako.

Pero kahit medyo shy type s'ya at sinabi ko ngang hindi ko type ang mga ganoon ay hindi ako mapakali.Tulak ng bibig kabig ng dibdib ang peg.

Napatingin ako sa kanya habang sinusubo ko yung fries. Nakatitig s'ya sa akin. A sudden chill penetrates my vertebrae. The heck! Ano to? Akala ko shy type s'ya. Bakit n'ya ako tinititigan. Hindi na ako maka-relate sa sitwasyon.

Hindi na ako tumingin sa kanya at nakayuko lang ako. Kaasar! Hindi ako mapakali sa utak ko. Ano bang problema n'ya? Saka bakit s'ya nandito at naisipan pang umupo sa tapat ko? Napasulyap ako sa kanya. Walanjo! Nakatingin pa rin s'ya sa akin. Hindi ako mapakali kaya napadukot ako ng fries pero ubos na pala.

"Still hungry?"

Napatingin ako sa kanya. Fries din ang in-order n'ya tapos juice pero may burger. Hindi n'ya pa ginagalaw ang pagkain n'ya. Ano bang problema mo kuya? Nakakatakot na'to. Iniusod n'ya ng bahagya yung burger sa harap ko. Napanganga naman ako. Kita ko yun pinipigilan n'yang tumawa.

"Ah hindi na po. Okay na'ko."

"You know you should eat more," sabi n'ya na nakangiti.

Sumagap ako ng hangin at baka mamatay na ako.

"This is not an insult. Come on, eat." Parang nung last week lang at kanina ay shy type s'ya tapos biglang ganito? Bipolar lang pre?

Shocks!!! Nagtamang muli ang aming paningin. Medyo na-pressure yata siya kaya napatingin siya sa gilid niya.

"Walang lason 'to or anything kaka-order ko lang," Sabay sip n'ya sa juice.

Wow ang ganda ng lips nya, kissable. What?! Ano ba 'tong iniisip ko kadiri. Conservative pa naman ako. Nararamdaman ko yung tinginan ng mga tao sa amin kaya kinuha ko yung burger. Ayokong magpaapekto sa nangyayari. It's not a big deal right?

Nagulat s'ya sa biglang pagtayo ko.

"Miss, pahati sa half," sabi ko sa isang crew.

Inabot naman n'ya at binalik sa'kin nung nahati na. Bumalik ako sa upuan ko. Andoon pa rin si Mr. X.

"Here. Hati po tayo," napakunot-noo ang noo n'ya. The heck! Kung anu-ano nang pinagsasabi ko. Sobrang pressure na talaga ako.

"Are you having a doubt, miss?" Ugh! S'ya pa ang may ganang mainis?

"Hati tayo para masaya may kasabay akong kumain. Sa inyo naman po ito eh."

Tinitigan n'ya yung burger. Sheps! 'Di kaya may lason nga ito? Paghihiganti n'ya ba sa akin dahil pinabuhat ko s'ya ng mabigat na plastic? 'Di ko naman s'ya pinilit ah!

"Okay."

Kinuha n'ya yung half at kinagat. Nakatingin s'ya sa'kin habang nakangiti.

"Walang lason yan."

Ngumiti naman ako kasi nakangiti nga s'ya. OMG! Ito ba yung tinatawag na date? Magkasabay kaming kumakain at magkahati pa ng burger. Guyth! Feeling ko umiinom kami sa iisang straw. This is the new version of indirect kiss! Ito ba yung tinatawag na half and half? Siya na ba ang nawawalang kabiyak ng aking puso? Aw! Gusto ko subuan n'ya rin ako ng fries.

Love Story KoWhere stories live. Discover now