Chapter 21: Onus Probandi

24 0 0
                                    

"F!"

Waaah!

"Ms. Marigmen."

Napapikit ako sa sakit.

"Fats. Okay ka lang?"

"Hindi," sagot ko kay Rollen.

Nagtawanan sila sa sagot ko. Aba! Sinong okay 'pag nadulas? Ang sakit mga bebe. Nadulas kasi ako sa may pwd ramp. Kasi hindi naman ako PWD tapos dadaan-daan dito.

"Ms. Marigmen."

Inilalalayan ako ni Tessa ngunit hindi ako makatayo dahil masakit ang aking pagkakadulas. Tuwid na tuwid ang paa ko habang nakaupo sa semento. Isipin mo ang impact noon sa puwet, balakang, hita at binti ko. Nakapalda kasi ako kaya ng madulas ay sa halip na isang paa lang na madali akong makakatayo na parang walang nangyari ay isinama ko yung isa ko pang paa para hindi ako masilipan. Nai-imagine niyo ba? Isipin niyo na lang na nadulas ako at parehas na paa ko ang nadulas. Iyon kasi ang kinalabasan. Hindi nga ako makatayo at nakakaiyak dahil hindi lang masakit kundi dahil nakakahiya. Anong eksena ito? Magkahalong sipon at luha na ang dumadaloy sa mukha ko.

Habang makaupo ay napatingin ako sa may kabilang side at nakita ang isang lalaki na nakatutok sa akin ang phone habang nakangiti at sayang-saya sa ginagawa niya. Walanjo! Anong ginagawa niya?

Nagpatulong akong tumayo sa tatlo at inalalayan ako ni Tessa. Yung mukha nung tatlo ay halatang hiyang-hiya na. Sorry na talaga. Hindi ko naman ginusto ang nangyari. Eh sa hindi nga ako makatayo eh. Pasalamat na lang ako at hinintay pa nila ako. Akala ko hindi na nila ako kilala eh. Haha!

Ng makatayo ay tumawid kami patungo sa kabilang side at kitang-kita kong nakangisi yung lalaki na ewan kung pinicturan ba talaga ako. Ang sarcastic ng ngiti niya habang nakatingin sa akin saka lumakad palayo.

"Guys. Mauna na pala kayong kumain. May gagawin nga pala ako."

"Ha? Sa'n ka pupunta?" Tanong ni Tessa.

Matapos nilang mapahiya sa nangyari sa akin kanina ay iiwan ko sila. Sorry na ulit.

"Basta. 'Wag niyo na akong hintayin. Kumain na kayo. Kita na lang tayo sa classroom."

"Sige," sagot ni Rollen.

Umalis na sila at ako naman ay hinabol si kuya. Hindi pa siya nakakalayo kaya nahabol ko naman. Huminga muna ako ng malalim bago siya kinausap. Inhale-exhale!

"Excuse me po."

Hindi niya ako pinansin at tuloy ang paglalakad.

"Excuse me po."

Hindi niya pa rin ako nililingon kaya't napilitan akong maglakad sa tabi niya at saka tinapik ang balikat niya. Matangkad guys, hanggang balikat lang ako.

"Excuse me po."

Nagulat naman siya sa akin.

"Kuya," panimula ko. Ngunit hindi ko pa natutuloy ang sasabibin ko ng bigla siyang maglakad na kala mo ay wala ako. The heck! Bastusan lang?

"Hey! Kuya, wait lang."

"Do I know you, miss?" Masungit niyang tanong nang huminto siya sa paglalakad at hinarap ako.

Napanganga ako at tangkang magsasalita ngunit walang lumabas sa bibig ko.

"What?" Nakangisi niyang tanong. Nag-init ang mukha ko bigla.

"What? What the hell!"

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko kaya napatakip ako ng bibig at napaiwas ng tingin. What the hell! Anong sinasabi ko?

Love Story KoWhere stories live. Discover now