Chapter 22: Shoujo Prince

14 0 0
                                    

Matapos ang nakaka-stress na pangyayari ay tumungo ako sa isang fastfood at...heto siya at kaharap ko. The heck! Hindi ko akalain na susundan niya ako. Para mabawasan ang pagkainis ko ay inisip ko na lang ang sweet moments namin ni Gene noong nakaraan. Kyaaa! Kyaaa!

"Are you crazy? You look stupid."

Nagising na lang ako ng bigla siyang magsalita. Stupid? He's the first person to ever call me stupid!!!

Hindi ko siya sinagot sabay irap.

"Stop acting like you're pretty 'coz you're not."

Ano daw?! Hindi ko na nga pinansin. So what if I'm not pretty? So what if I'm not pretty?! Tinitigan ko siya ng masama para ipakita na hindi ako natutuwa sa mga sinasabi niya. Ni hindi nga kami magkakilala tapos kung lait-laitin ako.

"I'm just telling the truth. A person should act according to his physical appearance."

"You're being rude." Kaunti na lang at mananapak na ako.

Pero sa halip na humingi ng paumanhin ay ngumiti lang siya ng nakakaloko. Hindi ko na lang tiningnan para mabawasan ng kahit kapiraso ang pagkakainis ko.

Ilang minuto na walang usapan ay dumating ang order namin. Dahilan upang matingnan ang mga tao sa paligid. Nakita ko ang iba na nakatingin kung nasaan man kami. Hindi ko naman sila masisisi. Isa pa agaw atensiyon kasi ang hitsura nitong kasama ko. Tsk. Kung hindi lang masama ang ugali nito fangirl na sana ako eh. Ang pogi eh.

"I worked hard so I can buy that phone. " Panimula niya sa usapan.

So? Hindi ko siya pinapansin at nagsimula ng asikasuhin ang pagkain. Gutom na ako eh. Kanina pa dapat ako nakakain kung hindi dahil sa tao na ito.

"I'll go straight to the point. I'll have to ask for a compensation for my loss."

"Compensation?" Napakunot ang noo ko.

"Yes. You heard me right."

"Excuse me! Pero hindi ako nag-eentertain ng mga modus." Seryoso kong sabi.

"You think I'm fooling around? I lost something important."

Siya pa ang may ganang magalit?! Paki-pektusan nga ito!!! Madali!

"Sa tingin mo nagbibiro rin ako? Ikaw ang root cause kaya 'wag mo akong sisihin." Medyo matigas na ang mga binitawan kong salita.

"If you didn't create a scene, it would not have happened. I won't have any reason to take that video."

Medyo umusok na ang boiler ko. Urgh!

"What? Sa tingin mo ginusto kong masaktan at mapahiya? Don't blame me for a thing that is beyond my control!" Napalakas ang boses ko kaya lingunan ang mga tao.

May mga bumubulong na LQ raw. Anong LQ? Gusto niyo pati kayo pektusan ko rin? Ha?! First time kong mawalan ng cool sa harap ng isang stranger.

"Hey. Don't create a scene again." Medyo nahiya rin siya sa nangyari. Siya pa ang may ganang mahiya. Ang kapal!

"Puwede po bang kalimutan na lang natin yung nangyari? Let's call it quits." Kahit na sa loob-loob ko ay 'anong quits?'. May kasalanan ako pero mas malaki ang parte niya sa nangyari.

"Why would I accept that?"

"In pari delicto." Sinamaan ko ng tingin sabay subo.

"Wha-what?"

Ha-ha-ha! Hindi ko siya sinagot. Tingnan niyo na lang sa dictionary.

"But, I won't be able to forget what happened today. If you don't pay, I will bother you with all my might." Seryoso niyang sabi.

Love Story KoWhere stories live. Discover now