Chapter 17: Schoolin' Life

21 0 0
                                    

Kalalabas ko lang ng klase at dideretso na sa kanian. (T3T) Napahiwalay ako sa friends ko 'di ba? Kaasar! May mga pangyayari talaga na hindi nakadepende sa atin, na kahit anong gawin natin ay wala tayong magagawa. Kaya NO choice, section A ako. Kala tuloy matalino ako. At oo, sa klase na iyon ay ipinahiya ako ng Prof ko. Badtrip yung Prof na iyon! Hmph!

Paglabas ng classroom ay nagulat ako dahil hinihintay pala ako ng aking pinakamamahal na mga kaibigan. Na-tats ako.

"Oh 'bat nandito kayo?"

"S'yempre hinihintay ka namin para sabay-sabay tayong mag-lunch," sagot ni Rollen. Ay! Kinikilig talaga ako.

"Let's go! Gina's tayo ha," pag-aaya ni Anne.

Habang naglalakad ay nagba-vibrate ang cellphone ko sa bag. Hindi ko sinasagot at nakakatamad. XP 'Di ba nga tamad ako mag-cellphone. Ginagamit ko lang yun pag nagpapatugtog at nakikipag-usap sa parents ko.

Nang makalabas ng elevator napagpasyahan kong sagutin at baka importante kasi sunud-sunod eh. Sinagot ko yung phone habang naglalakad.

"Guys, punta muna tayong CR. Nakalimutan kong naiihi pala ako," aya ni Rollen.

Pumayag naman kami. Ako hindi na pumasok ng CR at may kausap nga ako sa phone.

"Hello?"

Walang sumasagot sa kabilang linya. Aha! Hindi kaya threat ito? Ganito kasi yung mga napapanood ko sa TV. Yung may tatawag sa iyo na hindi naka-save sa contacts mo tapos hindi nagsasalita at pinapakinggan lang yung boses mo. OMG!

"Hello? Sino po sila?"

May mahinang tawa sa kabilang linya. Hala! Kinilabatutan ako. Napaisip tuloy ako kung may atraso ba ako sa ibang tao. Wala naman akong maisip na bagay para pagbantaan ang buhay ko. Isa lamang akong hamak na estudyante. Hindi po mayaman ang pamilya ko.

"I'm Mr. Alvarez. And you're Ms. Fatima, right?

Nagulat ako sa bigla niyang pagsalita. Scary.

Wait lang. Mr. Alvarez... Mr. Alvarez... Mr. Alva???!!! HHHHHAAAAAAA!!!!!

"Why don't you turn your back?"

Nakaharap kasi ako sa may bandang CR.

The heck! The heck! Anong gagawin ko? Nagpapanik na ako.

"A-ano po?"

"Turn your back."

Tut tut tut tut... God, mamamatay na yata ako sa sobrang lakas ng heartbeat ko. Hindi ko na ramdam ang paligid. Wait, ano nang hitsura ko? Sino ako? Nasaan ako? Wait guys, ang haggard ko ngayon dahil nagpuyat ako kagabi mag-aral. Hindi pa ako nakakapagpolbo dahil naudlot nga ang aking siar- break.

"Ms. Fatima." May humawak sa balikat ko.

Bigla akong nataranta at napaharap saka napaatras. AAAAHHHHH! Oh my gosh! Pakiramdam ko ay nanalo akong lotto sa sobrang saya. Ang laki-laki ng ngiti ko. Hindi ko nakikita ng mukha ko pero pakiramdam ko ay mukha akong tanga.

Nakangiti siya na para bang ang saya-saya niya rin. Yie!

"What a funny face you have there," sabi niya sa akin saka tumawa.

"Ha?" Hindi ko pa rin maalis ang ngiti sa mukha ko kahit na alam kong mukha akong baliw.

Napailing-iling siya saka lumapit sa akin. Napaatras ako. Lumapit muli siya. Napaatras ulit ako at lumapit ulit siya. Umatras akong muli at...

"Waaah!"

"Ms. Fatima!"

Napapikit ako. Ugh! Anyare?

Love Story KoNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ