Chapter 5: My Dear, Only You Don't Know

52 1 0
                                    

Makalipas ang dalawang linggo...

Yawn! Tikim-tikim. Inaantok na'ko 'di ko na naiintindihan ang lesson namin dito sa review. Mahirap pala mag-review habang may class sa school. At ngayon ko lang na-realize?

"Ang sinasabi ng standard...blah blah blah," sabi nung reviewer namin. Hayst. Wala nga akong alam na standard eh. Joke! Meron pala IAS 2-Inventories, IAS 16-PPE at IAS 41-Agriculture. Dali i-check niyo kung tama nga ang hula ko!

Natapos ang review ng maaga. 4pm pa lang ay uwian na. Bukas ay Sunday at wala kaming review. Yes! Makakapagpahinga rin sa wakas.

Sunday

Pagkatapos kong maglaba ay naligo na ako, kumain at gumayak para magsimba. Sumakay ng jeep, baba sa may Central at naglakad papuntang San Sebastian Basilica. Mula nung tumira ako sa Manila sa San Sebastian na ako nagsisimba pero nang lumipat ako sa Sampaloc ay nagsisimba din ako sa Quiapo Church. Wala lang, kung saan ko lang ma-tripan. Actually may malapit na simbahan sa amin, St. Jude Chapel saka yung Church ng UST. Walking distance lang pero nga dahil mas trip ko sa malayo kaya ayun.

3 pm ang aatenan kong misa kaya before three ay umalis na'ko ng apartment. Nakarating ako ng 2:37 pm at naghintay pa ng 3 pm. May ayos ang simbahan kaya ibig sabihin ay may kasalan. 'Pag may kinakasal kasi dito ay madalas three ginaganap sa hapon. So wala akong choice nandito na ako. Nagtulos muna ako ng kandila at nagdasal. Isang kandila para sa mga OFW na gaya ni papa, isa para sa mga may pinagdadaanan sa buhay, at isa para sa World Peace.

Maya-maya ay may nagsimula nang magsidatingan ang mga tao. May mga kaya talaga ang ikinakasal dito. Medyo sosyal kasi yung hitsura ng simbahan.

Dahil epal ako ay nakisama ako sa kasalan. Bakit? Nauna kaya ako dito.

Sobrang nakaka-intimidate yung mga bisita, super mga naka-dress, high-heels, suit and tie, at long sleeves. Kaya eto ako, nasa pinakaunang column ng mga upuan sa kaliwa para nakatago. May katabi rin ako na 'di rin bisita, nagsimba lang at nagkataon na may kasalan.

And here comes the bride. 'Di na magkanda-ugaga ang lahat at naghanda na sila para sa entourage. Nag-march na yung groom kasama ang parents, mga ninong, ninang, mga abay at makukulit na flower girls at kanilang partners at ang ring bearer. Sa huli ay yung bride. In fairness maganda yung bride pero 'di naman gwapo yung lalaki maputi lang saka matangkad. Wala sa mukha ang pagmamahal. Ipaglaban natin yan! Hindi mukha ang sukatan ng worth ng isang tao! Ang attraction na dahilan ng panlabas na kaanyuan ay weak, weak!

Sa paglinga-linga ko ay may nasagip ang mata ko. Sa bandang kanan kasi from the aisle nakatayo ang mga abay. Hindi ba si ano yun, si CARRIE?! Tinitigan ko. Tinitigan ko pa at...s'ya nga! 'Di na'ko mapakali, namamawis na ang palad ko. Kasi kung nandito s'ya 'di kaya nandito rin si ano... alam n'yo na kung sino...

Nagsimula na ang misa kaya pinipilit kong isantabi ang mga iniisip ko. Ano ba yan? Pati ba naman sa simbahan nag-iinarte ako? Lord, patawad.

Hayst! Pa'no kaya kung ako yung bride tapos s'ya yung groom? XP Tapos sa huli, you may kiss the bride. Ayayay! Oh ayan nag-iimagine na naman ako. Shut yer trap Fatima! Conservative ka!

Nang matapos ang kasalan, balak ko pa sanang hintayin yung sunod na misa kasi 'di ako nakapag-komunyon. Baka makakomunyon. Ang hiya ko lang makisabay sa mga bisita. Lumuhod na lang ulit ako at nagdasal habang may picture-taking pang nagaganap.

Pagtapos magdasal ay umupo ako saglit. Aba may katabi akong lalaki. 'Di ko siya tiningnan baka pogi at ma-distract ako. HA HA HA! Nasa right side ko s'ya bale nasa aisle s'ya kaya balak ko sana sa kabilang dulo ako dadaan kasi nakakahiya mukhang bisita s'ya. Nang tumayo ako at naglakad may humila sa kamay ko. Sobrang gulat ko at bigla akong napaharap.

Love Story KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon