Chapter 11: Ang Alamat ng Bintana Continuation

104 0 0
                                    

"Isang gabi bago dumating ang alas dose impunto bago ang araw ng Pasko, sa ilalim ng puno ng calachuchi ang itinakdang oras at lugar ni Ben upang sila'y magkita. Agad namang sumang-ayon ang dalaga sa utos ng binata sapagkat sila nga ay may Master x Slave Relationship.

Nang gabi ngang iyon, sa puno ng calachuchi, sa ilalim ng maaliwalas na kalangitaan at maliwanag na ilaw ng buwan ay naghihintay ang binata sa kanilang tagpuan. Lubos ang kaniyang kagalakan ng makita ang dalaga na papalapit habang umiihip ang malamig na simoy ng hangin na dala ng kapaskuhan.

Nakakasilaw, nakakabighani! Agad na tumakbo ang binata para salubungin ang dalaga. Napahinto sila ng sila'y magkaharap na at agad na hinawi ni Ben ang buhok ni Ren sabay hawak sa noo nito.

'Nakakasilaw, nakakabighani.' Wika niya."

"Pffft! Hahaha! Walangya ka Jack! Gusto mong isumbong kita kay Rollen?"

Hindi ako makaget-over sa kuwento niya. Alam ko na kung bakit Ben at Ren. Sabi ko na nga ba at suspicious itong alamat na ito.

"Wait. Hindi pa tapos."

"Sige tuloy."

"Iyon na nga. Laking pasasalamat ni Ben sa Bathala ng Hangin at nadiskubre niya ang noo ni Ren na kumikislap. Nakakasilaw, nakakabighani.

'Ren, aking sinisinta, maari bang tanggapin mo ang matagal ko nang inililihim na pagmamahal sa iyo?'"

"Hahaha! Jack! Tama na please!" Hindi ako magkandatuto sa katatawa.

"Ang gulo mo. Kanina mo pa pinuputol ang kuwento ko."

Hinampas ko siya habang nakadukdok ako sa tuhod ko. Grabe! Naiiyak na'ko sa katatawa.

"'Weh? Tunay ba ang iyong sinasabi? Kung tunay at tapat nga ang iyong pag-ibig ay wala na akong magagawa pa kung hindi tanggapin ito. Ako'y lubos na nagpapasalamat sa patuloy mong paglihim sa aking sikreto.'

'Ren, mahal ko. Sapagkat sa iyong noo'y nakikita ko ang aking repleksiyon. Nakikita ko ang aking tunay na pagkatao. Nakikita ko na tunay nga akong nagmamahal."

Inhale-exhale si Jack.

"Grabe. Kapagod gumawa ng alamat." sabay nag-stretch ng braso at ginalaw-galaw ang kanyang panga. Ako naman ay nakatakip lang ng mukha at pigil na pigil ang tawa.

"Nagdaan ang mga taon at lalo pang lumalim ang pag-iibigan ng dalawa. Ngunit isang araw, nakarating sa kaalaman ng mga magulang ni Ren ang balita tungkol sa pag-iibigan nila ng binata. Hindi sumang-ayon ang mga magulang ni Ren sa relasyon kay Ben sapagkat bukod sa isang hamak na dukha ay nagmula ito sa pamilya ng napapabalitang magnanakaw."

Sa'n galing yung magnanakaw?

"Sabihin na natin na si Ren ay nagmula sa pamilya mga ilustrado at isa sa mga pinamakapangyarihan sa kanilang lugar. Nag-iisang anak lamang si Ren kaya't ang kanyang ama ay napakahigpit sa kanya dahilan ng paglihim ng dalaga sa relasyon nito kay Ben.

Ngunit mapilit ang dalaga at patuloy pa rin ang pakikipagkita sa binata. True love conquers everything, sabi nga nila. Kaya't sa pagsapit ng hatinggabi ay tumatakas si Ren sa kaniyang mga magulang upang makipagkita kay Ben sa ilalim ng puno ng calachuchi kung saan nagtapat ng pagmamahal ang binata. Doon nila napagdesisyunan na magtanan na lamang at magpakalayo-layo, sa lugar na walang makakapigil at hahadlang sa kanilang nag-uumapaw na pagmamahalan.

But please don't underestimate the information network of Ren's family."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa mga sinisingit niyang English. Modern alamat story-telling. Feeling ko ay nakikinig ako ng radyo.

Love Story KoTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang