Chapter 13: Where is the Love

7 0 0
                                    

Matapos ang exam ay bumalik sa isip ko ang tungkol kay Ray. Walanjong 'yon anong kaartehan ang nalalaman.

Magkakasama kaming nakatambay sa hallway at nagpapahinga. Dahil wala akong pakialam sa usapan nila sa mga sagot sa exam ay napansin ako ni Tessa.

"Ms. Marigmen, okay lang yan. Mahal ka no'n."

Tiningnan ko lang siya ngunit hindi umimik. Ngumiti naman siya.

"Peace." Sabay v-sign.

"Naaalala niyo ba yung ikinuwento ko sa inyo about sa kapatid ko na si Ray?"

Nakuha ko naman ang atensiyon nila.

"Ano yun?" Tanong ni Anne.

"Yung nakita namin ni Jesson sa search history ng youtube yung how to make your crush jealous."

"Fuwahahahaha!" Sobrang tawanan namin.

Oo ginawa iyon ng magaling kong kapatid. Hindi pa rin ako makapagmove-on sa bagay na iyon. Srsly? Ako rin gusto ko malaman eh. Kaso ang masaklap ay kung crush ka rin ba ng crush mo para magselos.

"At hinulaan niyo na sa sunod ay feeling loved na ang magiging status sa fb. Grabe! Sino nagsabi no'n? Aba nagkatotoo."

"Weh!!!!!" Tawa pa rin kami ng tawa.

"Ikuwento mo dali!" Excited naman si Rollen na makarinig ng tsismis.

Rayleigh A. Marigmen
- Feeling loved.

Ito ang bumungad sa akin pagbukas ko ng facebook pagkagising ko kaninang umaga. Nagising ako ng maganda ang mood tapos isang click lang ay nasira ang lahat-lahat. Walanjo kay Ray! Kasing-edadan mo pa lang si Nene kumekendeng ka na!

Ugh! Sino po ba si Rayleigh A. Marigmen? FYI, siya po ang pinakabata kong kapatid. Ako ang panganay sa amin at sumunod naman si Jesson at bunso nga si Rayleigh. Babae po siya. Ganyan lang ang name.

Wait lang ha. Anong feeling loved? May boyfriend na ba 'tong kapatid ko? Kung gayon...napag-iwanan na nila ang lola mo dahil si Jesson ay nagkasyota na rin noong high school. Nalaman na lang namin noong JS Prom nila dahil sa mga kuhang litrato sa camera na ipinadala ni mama sa kanya. Ang ganda mga bebe. At aba! According sa batchmates niya ay si Jesson ang pinakasikat na ladykiller sa school nila. Seryoso? Tawang-tawa ako dahil nanghihingi lang ng dos kay mama pambili ng vinegar pusit eh nakakabiktima pa. Hay naku! Hindi ko na talaga maintindihan ang mga kababaihan sa mundo.

"Grabe! Tawang-tawa ako sa mga kapatid mo F. Sabi na nga ba at tama ang kutob ko. See!"

Si Anne nga ang nanghula sa feeling loved na iyon. Ewan ko sa mga kapatid ko. Ako na nga ang napapag-iwanan sa lovelife, sa tuwing magkakasama pa kami ay ako ang pinakabugbog sa pangbu-bully.

"Guys! Tapos na ang finals. Grabe! Mag celebrate naman tayo." Aya ni Rollen sa amin.

Pumunta kami sa isang mall na isang sakay mula sa Uni at ng makapasok sa loob ay napatigil sa foodcourt dahil hindi alam kung anong gagawin namin. I mean, kung saan kami pupunta.

"Kain muna tayo guys," aya ni Anne.

"Oo, gutom na ako," sagot naman ni Rollen.

Naghanap kami mula sa lower groundfloor hanggang third floor at hindi pa rin makapagdesisyon kung saan nga ba talaga.

"Sige botohan na lang tayo. Mag-suggest ang bawat isa at maghompiyang para fair. Kung sinong manalo doon tayo." Sabi ni Rollen.

Mukha kaming mga grade one sa pinaggagawa namin. Wala na kaming kahihiyan kahit na sa public place. Nanalo naman si Jack na kasama nga pala namin. Nakarating kami sa isang retaurant at mga five minutes bago kami nakapagdesisyon sa oorder-in.

Love Story KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon