Chapter 12: Bawal na Pag-ibig

10 0 0
                                    

"Excuse me classmate."

Napalingon ako sa likod at nakita ang kaklase ko na nakatayo habang hawak-hawak ang nakabukas na libro. Ang tangkad naman itech pero hindi naman siya basketball player. Ano ba yan! Naninira ng moment. Nagninilay-nilay pa naman ako habang nakatanaw sa malayo.

"Po?"

Nasa tapat  kasi ako ng classroom ng susunod kong klase at nakatayo lang habang hinihintay ang oras.

"Classmate, puwedeng magpaturo? Hindi ko kasi gets yung iba."

Absingero kasi itong si classmate kaya bingyan ni Sir Edison ng homework para makabawi. Siya ang naka-assign na magrecite ng sampung section sa Negotiable Instruments Law. Sampu! Ang luphet naman ni Prof. Naranasan ko na 'yan sa kanya. Buong period ako nakatayo.

"Ha? Ah...sige. Saan ba?" Tsk! Buti na lang nagbasa ako.

"Mula section xxx hanggang section xxx. Gets ko naman yung iba. Kaso nakakalito kasi 'tong mga sumunod."

Nagsimula na akong mag-explain. Magkatabi kaming nakatayo ngayon. Hawak-hawak ko ang libro habang nag-eexplain sa kanya. Seryoso kaming nag-uusap ng biglang dumating si Rafael na classmate din namin. Classmate ko rin siya sa Management Accounting 2.

"Anong ginagawa mo?"

Nagulat na lang ako ng may humawak sa balikat ko at nagsalita. Napalingon kaming dalawa sa bagong dating ngang si Rafael.

"Ay. Nagpapaturo po ako kay ate."

"Ah! Okay."

Saka umalis. Parang ewan yung si Rafael. Bigla-bigla na lang sumusulpot at naninira ng moment tapos bigla-bigla na lang ring aalis ng walang paalam.

Nang matapos ako mag-explain ay nagpasalamat si kuyang classmate sa akin saka ako nginitian. Umalis na siya at ako naman ay naiwan na nakatayo pa rin at nakatanaw sa malayo. Eighteen minutes pa kasi bago mag-time. Tagal naman, inip na ako. Naisipan kong tingnan ang cellphone ko at napangiti naman ako ng may makita na message. Wow! Sayang-saya ako dahil makalipas ang isang linggo na puro smart, pizzahut, at rexona ang laman ng messages ko ay may nakaalala sa akin na tao.

Clemente, Tessa

Ms Margmn,,,cno ung ksma mo

Nagpalinga-linga ako sa paligid at nakita si Tessa na nakaupo sa may study area sa second floor. Open kasi itong hallway at makikita nga ang study area sa kinatatayuan ko.

Hindi ako sumagot at kumaway lang sa nakatingin na Tessa.

Clemente, Tessa  

Kaw ha,,,my bgo kn nmn..,cno ung ksm mng mtngkd n pogi?,,.

Utang na loob! Classmate ko 'yon. At kahit na kailan ay hindi ako nagkainteres sa kaklase ko. Mula umpisa ay nagakaka-crush lang ako sa mga higher level at mas matanda sa akin gaya noong high school ako saka si Gene.

Hindi ko sinagot si Tessa. Bahala siyang mag-imagine.

Time na at nakapasok na kami sa classroom. Dumating naman agad si Sir Edison na Prof namin. Never iyon na-late dahil ayaw niya rin sa mga late. Hindi gaya ni Mam Domingo. LOL.

Ang nakakainis lang ng bahagya ay paborito ako nitong ipag-recite. Kada meeting na lang ako pinapa-recite. Puwede bang yung ibang classmate ko naman?  Hindi tuloy ako makapagrelax kahit minsan habang ang mga classmate ko naman ay nakikinig lang sa palitan ng sagot at tanong namin sa klase. Yung iba nga nagke-candy crush lang. Buti na lang at may mga naka-assign ngayon. Nag-check muna siya ng attendance.

Love Story KoWhere stories live. Discover now