Chapter 18: Walang FOREVER I

19 0 0
                                    

*toot*

Tumunog ang phone ko at nabasa ang message ni Gene.

Alvarez, Gene
Sorry, I'm meeting an acquiantance. Can we meet later?

Medyo lumungkot ako dahil na-delay ng ilang oras ang aming pagkikita. Sobra naman ang pagka-excited ko at hindi ako mapakali.

Alvarez, Gene
What time do you get off of school?

Nagreply ako...

Alvarez, Gene

4:30 po.

Then I'll drive you home. See you.

Nanlaki ang aking mga mata. Wait...guys hindi ako ready. Hindi ako makapag-type ng ire-reply. Naramdaman ko na nakasilip sa phone ko si Rollen. Tiningnan ko siya. Tumingala siya at tiningnan din ako sabay ngiti.

"I'll drive you home." Sabi niya.

"Weh!!!!" React ni Anne.

"Ms. Marigmen, ibang lebel na talaga 'yan."

"Ha? Hindi naman ako magpapahatid. Saka alam niyo naman na siya ang kasama ko."

Guys, conservative ako pero minsan hindi rin maiiwasan na hindi inosente ang takbo ng utak natin. Siyempre naiisip ko rin ang mga posibleng mangyari na makikita natin sa hardin ni Mang Kanor.

"Miss Marigmen. Kahit na pogi pa yang crush mo mag-ingat ka rin. Kilalanin mo muna ng mabuti bago ibigay ang puso mo at lahat-lahat."

Nag-iinit na ang mukha ko sa mga pinagsasabi nila.

"Grabe. Hindi ko ma-imagine na i-kiss ako ng ganoong klaseng face. Parang nakakawala ng confidence." Si Rollen.

"Kaya nga yung reaction ni F kanina eh."

Ang papait naman naman ng mga sinasabi niyo mga kaibigan. Kaibigan ko ba talaga kayo?

"As if may mangyayaring gano'n. 'Wag niyo nga akong pinapaasa."

"Don't lose hope F, we'll support you."

"Anong support? Walang forever!" Si Rollen.

Nagtawanan na lang kami. Ang harsh ni Rollen.

Maya-maya ay nagsalita ako.

"Kung walang forever, bakit naimbento pa ang salitang forever? What's forever for?"

Napatigil sila.

"Oo nga no? Ang galing mo Ms. Marigmen. Tama, tama. May poreber kaya."

"Sus! May boyfriend ka lang ang yabang mo na. Ganiyan ka naman eh, Tessa." Si Rollen ulit.

"Ba't ba? Sa naniniwala ako sa poreber eh."

"Ganiyan naman talaga 'pag may lovelife, nang-iiwan sa ere. Traitor!" Sabay tawa ni Anne.

"Sorry na guys oh."

"Tessa, ikuwento mo naman sa amin yung first kiss niyo ni Fil nang magka-idea ang mga SINGLE mong kaibigan." Sabi ni Rollen.

Si Fil po ay yung boyfriend ni Tessa. Wala eh chics 'tong si Tessa. Sa aming magkakaibigan siya lang ang may opisyal na buhay pag-ibig. Si Anne na kahit may humahabol ay may hinahabol na iba; si Ilene, Rollen at ako ay hanggang tingin lang sa mga crush namin. Well, it's not too late since we're young. Marami pa kaming kakaining bigas. And we love our freedom! Lol.

"Ha? Ano ba! Nakakahiya!"

"Sige na. Naghihintay kami lalo na 'tong si Fats, excited na."

"'Wag nga kayo. Ang bata-bata ko pa dinudungisan niyo na ang aking malinis na isipan."

Love Story KoWhere stories live. Discover now