Chapter 6: My Week With The Gang 1

43 0 0
                                    

It's Foundation Week of our beloved University!!!

Monday

Buti na lang foundation week ngayon kasi 'di ako nag-aral nung weekends. At ang masaklap 'di naman pinasa yung homework namon sa major at dinagdagan pa. Buti na lang yung first subject ko di nagklase si Mam Domingo. Alam naman natin kung anong klaseng titser yun 'di ba?

And today, mayroong show ang MYX. S'yempre may mga singer at ang ultimate crush ni Ilene na si Robi Domingo. Kaano-ano kaya s'ya ni Ma'am Domingo? Haha!

"Ilene ayan na s'ya," kalmado kong sabi kay Ilene habang nasa 4th floor kami at naghihintay na lumabas si Robi.

Bigla na lang nataranta itong si Ilene at tumakbo. At heto ako hindi makahabol sa tatlo pang sumunod sa kanya. Kumusta naman ako lang naka-uniform sa amin at naka-heels pa. Eh di sila na ang naka-civilian.

Pagdating sa 2nd floor, asan na sila? Kumusta ulit ang daming tao sa'n ko sila hahanapin? Iniwan talaga nila ako para lang kay Robi. Selos tuloy ako.

Mga ilang minuto sa paghahanap ay nakita ko na rin sila pero kararating ko pa lang ay aba tumakbo na naman sila sa baba. Kaya naman humawak na ako sa bag ni Tessa para hindi na'ko mapahiwalay.

At ito na, ang lapit oo ayun s'ya. At ayun din si Ilene at yung tatlo pa. Hayst. Napagod na'kong kahahabol sa kanila kaya nag-settle na lang ako sa isang lugar. Naka-ilang lipat na kasi at hindi mapakali itong si Ilene.

"Robi!!!" Sigaw ni Ilene

"Robi!!!" Sigaw ni Tessa.

Ilang taon na kami dito 'di pa rin sila pinapansin.

Biglang tumahimik ang mga bebe ko. Makita-kita ko na lang na nagbubuklat ng worksheet. May exam sa accounting mga bebe? May isinulat sila sa worksheet saka itinaas ito... ROBI... Napasapo ako sa noo ko. Kahiya. Bakit ako ang nahihiya. Sorry ha, hindi kasi ako fangirl. Fangirl man ako pero 2D ang type ko, except Gene siyempre. <3

Oo ginawa nga nila iyon. At ilang sigaw ay napansin din sila. Maya-maya ay lumapit sila sa akin.

"Anong nangyari?" Napansin kong pulang-pula si Ilene at lumuluha.

"Nagthumbs-up si Robi." Wala sa sariling sabi ni Ilene.

Napanganga ako pero walang salitang lumabas sa bibig ko.

"Pero hindi yun ang goal. Kailangan makuhanan namin sila ng picture." Sabi ni Rollen.

Kaya konting pahinga lang ay tumakbo na naman sila sa kabilang side ng stage.

"Good luck Ilene!" Sigaw namin ni Tessa na naiwan.

Pero bago sila nakaalis may isang babae na sumilip at nakisingit sa amin. Sinilip si idol at biglang 'Aaaahhhhh!' sa harap ko mismo. Napapikit ako dahil nga tumili siya sa mismong mukha ko na hawak ang kamay ko. Awkward. Close tayo te?

"Ay sorry po." Napatakip siya ng bibig ng mapansin na hindi niya pala ako friend. Napakamot tuloy ako ng ilong pag-alis nung girl.

So...ito pala ang mga pangyayari kapag may show ang isang sikat na tao. Nagkakagulo ang mga fangirl.

"Tagal ah san na kaya sila?" tanong ni Tessa. At ilang minutes pa ay bumalik na rin sila sa wakas. Pawis na pawis.

"OMG! Mission accomplished!" sabi ni Anne. Si Ilene naman ayun namumula sa sobrang saya.

"Sa hirap at ginhawa magkakasama," si Anne ang drama.

Si Ilene naman ay abot-tainga ang pagkakangiti sa nangyari at nakatitig pa rin sa selfie na kinuha ni Robi sa smartphone niya. Oo, si Robi ang nag-shot. X3 Congrats Ilene!

Love Story KoWhere stories live. Discover now