Chapter 1: Miss Cutey and the Brother

102 4 3
                                    

First semester pa lang ng 5th year ko kaya naman medyo petiks pa sa school. XP Meron din akong class every weekends kaya araw-araw akong may pasok. (See! That's what you call PETIKS! LOL.) Nag-enrol kasi ako ng 3 subjects sa review center. Kala mo magte-take na ng board exam eh. S'yempre preventive measure yan para sa integrated review next sem. Integ, ito ang ang tawag sa mga subjects sa last semester namin sa college. Lahat ng subjects namin ay mga board subjects like P1, P2, AudProb, etc. kaya nararamdaman ko na madugo talaga iyon. Sabi nga nila prevention is better than cure.

Well, iyan ang buhay ko: iskul-bahay. Kung may time ay pupunta ng SM pero para mag-grocery lang. 'Pag Sunday, magsisimba tapos uwi agad ng bahay. Masipag kasi akong estudyante. Bawal pa ang lovelife. Hindi naman dahil strict ang parents ko. Ayoko lang talaga. Madali kasi akong ma-distract kaya iniiwasan ko talaga. Saka isa pa wala pa naman akong nagugustuhan. Wala pa akong nakakrasan so far. Joke! Siyempre meron pero puchu-puchu lang. Nawawalan ako agad ng interes. Ang dami kong dahilan. Pwede namang sabihin na dahil walang nanliligaw. Boom!

"A-choo!"

Waaaah!!!! Grabe yung matandang katabi ko humarap pa sa'kin para lang bumahin. Ano ba yan?! Ang hirap naman talaga bumiyahe sa pampublikong sasakyan. 'Di ka pa makareklamo kasi hindi naman sa'yo yung sasakyan. Pero buti na lang rin kasi ang lalim na naman ng iniisip ko at hindi ko napansin sa SM na naman pala dadaan 'tong jeep. Friday na naman kasi.

Heto ako sa routine ng life ko: kakain sa KFC at diretso sa supermarket. Nung makabayad na'ko ay wow! Napadami pala ang binili ko kaya ang bigat tuloy. Kumuha na lang ako ng pushcart at pagdating ko sa walkalator, sira. Grabe!!! Saan ang daan ko ngayon? Mag-eelavator pa'ko? 'Wag na kailan pa'ko makakasakay sa dami ng mga sumasakay. Kaya naman kinuha ko yung mga dalahin sa puschcart at binuhat ko na lang. 1, 2, 3, (!w!) Ang bigat! Five plastics na malalaki. Ano ba kasing mga pinamili ko?

Hirap na hirap ako sa pagbubuhat. Wala bang tutulong sa akin? Wala na nga talagang ideal na tao sa henerasyon ngayon. Hindi na sila naawa sa isang payatot na tulad ko. So, kasalanan ba nila na mabigat ang dala ko?

"Miss tulungan na kita."

Nagulat ako sa nagsalita sa likod ko. Ha? And here I am humuhugot dahil walang tumutulong sa akin.

"Ate mabigat yang dala mo. Sige na."

Na-star struck ako sa kanya. Woah! Teka nakakasilaw!

"Ah hindi na po. Ok lang ako," pagpupumilit ko kahit na deep inside sinisigaw ko na 'oh sige eto na'. Saka nginitian ko s'ya. Kahiya! Ay!

Maya-maya ay hinila n'ya sa kaliwang kamay ko yung bitbit ko.

"Woah! Ate ang bigat nito ah. Nakaya mo 'tong buhatin?"

Napalingon ako at WOW! Ang ganda ng smile n'ya.

"Sabi ko naman ako na lang mahihirapan ka pa." Huhuhu. Ang kapal ng mukha ko, bumabanat pa ako.

Pinipilit kong kuhanin sa kanya pero bigla na s'yang lumakad. Pinigilan ko talaga s'ya maniwala ka pero mapilit talaga s'ya kaya wala na akong nagawa.

"Don't worry ate hindi naman siguro ako mukhang magnanakaw." Sabay ngiti.

I know right kasi ang gara ng suot n'ya at nahiya yung uniform kong parang sailormoon.

Ang ganda n'ya, 'di bagay sa kanya ang magbuhat ng mabigat. Kala n'yo lalaki no? Hindi! Sigh! She's like a perfect princess from a perfect kingdom tapos ako...ewan, hindi ko alam kung saan ako lulugar. Ate! Tama na hiyang-hiya na ako sa sarili ko!

'Di pa kami nakakaakyat sa escalator binaba n'ya yung bitbit n'ya.

"Ate san pala kayo?"

Ah oo nga pla.

Love Story KoWhere stories live. Discover now