1. Daniel John Ford Jr.

23.4K 270 8
                                    

Nang sagutin siya ni Kathryn at nang mapakasalan niya na ito, ay isa iyon sa pinakamasayang araw sa buhay ni Daniel. Pero ang araw na ito ay maituturing na pinakamasaya sa lahat ng mga araw na iyon. Dahil itong araw na ito ay ganap na siyang ama.

Nasa taping si Daniel para sa isang interview nang tawagan siya ng kanyang biyenan upang ibalita na nasa hospital ang kanyang asawa, hindi na nagawang matanong ni Daniel ang dahilan kung bakit dahil namatay ang telepono nito.

Kinabahan si Daniel at nagsimulang sumama ang pakiramdam, "Shit. Ang mag-ina ko! Tangina naman!"

Nagmadaling umalis si Daniel kahit na tinatawag siya ng mga naroon para bumalik sa interview, walang ibang mahalaga sakanya ngayon kung hindi malaman ang kalagayan ng kanyang asawa.

Mabuti na lamang ay alam niya kung saang hospital maaring dinala ang kabiyak, kaya yun agad ang pinuntahan niya at nang makarating ay tinanong niya kung saan ang kwarto ng asawa.

Nang makarating sa hospital si Daniel ay takang taka ito ng makita ang pamilya niya dito at ang biyenan na nakangiti. "Nasa hospital na ang asawa ko nagawa parin nilang ngumiti?!"

"Ma, ano hong nangyari? Kamusta ang asawa ko? Ang anak ko?!" Mahinahon ngumit malakas niyang banggit.

"Kumalma ka nga anak! Labor na si Kathryn, she'll give birth any moment now." Biglang napatigil si Daniel sa pagpapanic at napatingin sa biyenan na may pagtataka sa mukha. Tumango si Min para kumpirmahin sa naguguluhang manugang ang magandang balita.

"Shit! Tatay na ko!" Hindi mapigilang mabanggit ni Daniel at nagtawanan naman ang pamilya nito at ng biyenan.

Habang naghihintay sila na manganak si Kathryn ay may narinig silang sigaw, kinabahan muli si Daniel ng marinig ang sigaw na iyon, hindi siya maaring magkamali, sa asawa niya ang boses na iyon.

Bago pa man mapasok ni Daniel ang kwarto ng asawa ay pinigilan na siya ng isang nurse, at kahit anong pumiglas niya ay hindi siya makaalis. Kaya't sa huli ay hinayaan na lamang niya ito at nagdasal para sa ligtas na panganganak ng asawa.
-

"Ser, ito na ho ang baby ninyo." Napatigil si Daniel sa pagtitig sa asawang natutulog at napalingon sa nurse na hawak ang kanilang anak.

Napatigil si Daniel ng makita ang isang batang lalaki. Naiyak siya ng makita ang mga kamay nito, paa, ang mukha at ang kabuuan ng bata. "Anak."

"Carry him, Daniel." Napalingon si Daniel sa asawa, sabay ng pagtulo nang kanyang luha. Hindi man lang niya namalayan na nagising na ito.

"Go." Kath whispered and he nodded. Kinuha niya ang anak sa bisig ng nurse at nagsimula itong umiyak. Parang nabuhay ang dugo ni Daniel at nanikip ang dibdib ng marinig ang munting iyak ng kanyang anak.

"Why is he crying? Is he hurt? B-bakit?" Tanong nito sa nurse. Narinig niya ang mahinang pagtawa nito at ng asawa.

"Nagising lang siya sakanyang tulog, Ser, okay ho ang bata. Healthy po ang baby ninyo." Nagpaalam na ang nurse. Hindi mapigilan ni Daniel ang pagtulo ng luha sa sinabi ng nurse. Agad itong tumango at tinignan ang anak na mukhang natutulog ulit. Hinalikan niya ang anak sa noo at inalo ito para makatulog ng tuluyan.

"Nakikita ko na kung gaano ka kabuting ama sa anak natin." Napatingin siya sa asawa. Lumapit siya dito at hinalikan ang mga labi.

"Thank you for making me the happiest, Kath. Mahal na mahal kita." Hindi narin napigilan ni Kathryn ang maluha. Tinabihan siya ni Daniel at gamit ang isang kamay ay iniyakap niya ito sa bewang nitong medyo malaki.

"Anong pangalan niya?" Tanong ni Kathryn.

"I still don't know. Ikaw anong gusto mo?"

"Why don't we name him after you? Daniel John Ford Jr?" Ngumiti si Kathryn. Iba sa pakiramdam ang magkaroon ng dalawang Daniel sa buhay mo. Ibang iba.

"Daniel John Ford Jr. It is then." Tinignan nila ang isa't isa at saka ngumiti. Hinalikan muli ni Daniel ang asawa nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang kanilang mga kaibigan.

"Kapapanganak lang ni Kathryn, susundan niyo na agad!" Saad ni Vice na kasama rin.

Nagtawanan silang lahat at nagtinginan ang magasawa.

"Mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal din kita."

Bernardo Ford [FIN.]Where stories live. Discover now