49. One Last

2.3K 41 0
                                    

Tahimik lamang na pinanonood ni Kathryn ang kaniyang asawa habang dinidisiplina nito ang kanilang kambal. Sa ngayon ay limang taong gulang na ang nga ito. Ang kanklang panganay ay bente dos anyos na at ang kanilang nagiisang dalaga ay bente uno naman.

May kaniya kaniyang trabaho na ang mga ito pero kahit na ganoon ay hindi parin sila nakakatakas sa pagdidisiplina ng ama.

Aaminin ni Kathryn na hanga siya sa kung paano dinisiplina ni Daniel ang kanilang nga anak. Ni minsan ay hindi sila sinuway ng kanilang mga anak dahil sa murang edad ay naimulat ni Daniel ang mga bagay na mali at tama.

Nakaharap sa puting dingding ang kanilang kambal, nadatnan kasi nila itong nagaaway at nagaagawan sa isang laruan. Iyon ang isang bagay na hindi ikinatuwa ng kaniyang asawa. Ayaw na ayaw nitong nagaaway ang anak lalo na't hindi malaking bagay ang pinagtatalunan.

Madalas ginagawa ni Daniel ay pinapaharap niya sa dingding ang mga anak hanggat hindi sila humihingi ng tawad sa isat isa. Ginawa rin niya ito kila Jaile at John. Hanggat hindi sila nagrereflect sa mga kasalanang nagawa ay hindi sila maaaring humarap, gumalaw at iba pa.

"Papa, sorry na po." Ani ni Jax.

"Ako ba ang kaaway mo anak?"

"Eh kasi papa..." Katwiran ng anak.

"What did I told you? Hindi mahalaga sinong may kasalanan. Lagi tayo magssorry kung hindi tama yung ginawa natin diba?"

Tahimik lamang ang kambal. Hindi sila sumagot sa ama. Napailing na lamang si Daniel dahil doon. Maya maya ay nagulat siya ng makitang magkayakap ang mga anak. Napangiti siya doon at pinaharap at pinalapit.

"Ano ulit ang turo ni Papa?"

"Always say sorry..." Ani ni Zach, "Kahit di mo kasalanan." Pagpatuloy ni Jax.

Nakangiting lumingon si Daniel kay Kathryn. Ngumit naman si Kathryn pabalik dito.

Laking pasasalamat ni Kathryn sa pamamaraan ng pagdidisiplina ni Daniel. Totoong natututo ang kanilang anak. Alam niya iyon dahil ni minsan ay hindi pinasakit ni John at Jail ang mga ulo nila.

NAKANGITING nagsscrool si Kathryn sa kanilang twitter na magasawa. Nainip siya matapos nilang mag love making ng asawa. Kaya ay naisipan niyang tignan ang twitter.

Hindi siya makapaniwala na pagkatapos ng maraming taon ay mayroon paring nagmamahal sakanila kahit hindi na sila masyadong nakikita ng mga tagahanga nila.

Isang tweet ang pumukaw sa attention ni Kathryn.

kathnielforever: Imagine kung magset tayo ng reunion tapos lahat ng kathniels pupunta 😭 wala lang imagine lang hehehehe

Napatawa si Kathryn doon. Pero napaisip siya sa tweet na nabasa.

All throughout their journey hindi sila binatawan ng KathNiel. At kung hindi dahil sakanila baka hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na mapakasalan ang lalaking kagaya ni Daniel.

Ano nga ba naman ang reunion with fans?

Yung sila naman ang gagastos.

Yung makakapasok lamang sila at hindi na kailangan ng ticket?

Yung hindi na sila pipila?

At kung saan may tyansa silang magkaroon ng picture kasama sila at ang pamilya niya sa huling pagkakataon?

Alam ni Kathryn na papayag si Daniel sa kaniyang idea. Mula pa man noon ay sobra na itong magmahal at magmalasakit sa tagahanga. Kung may susunod sa pamilya na kayang mahalin ni Daniel ng lubos, ay yun ang kanilang mga tagahanga.

Agad na nagtweet si Kathryn kung saan ay agad itong nagtrending, worldwide.

fordkathryn: A reunion with KathNiels? Us + You? In Araneta? This April 30? No pass? No tickets? Just a proof of being KathNiel fan! My family and I will see you there! #OneLastWithKN

Abala si Kathryn sa pagaasikaso sa nalalapit na reunion nila kasama ang mga fans. Sobrnag sumasaangayon ang kaniyang asawa at mga anak sa ideya niyang iyon. Mabuti na lamang ay available pa ang April 30 bilang date ng reunion. Iyon kasi ang target niyang date dahil iyon ang kaunaunahang nagconcert ang asawa.
Sinisigurado ni Kathryn na magiging masa ang mga fans, kaya kahit nangangalay na ang kamay nilang magasawa kapipirma ng mga custom giveaways nila ay hindi nila iyon iniinda. Kulang pa iyon sa lahat ng sinakripisyo ng kanilang fans.

Mula sa decoration ay hands on si Kathryn. Napili nito ang color pallete na gray and blue dahil maaliwalas tignan. Sa bawat table ay naroon ang mga giveaways nila kung saan personal nilang pinirmahan.

Isang group picture at selfie ang napagkasunduan ng asawa. Alam nilang nakakapagod iyon, pero muli ay walang wala ito sa mga nagawa ng kanilang taga hanga para sakanila.

DUMATING na ang araw ng kanilang reunion. Naiiyak si Kathryn dahil matapos ang araw na ito ay tuluyan na nilang bibitawan ang mundong ito.

Kinatok siya ni Daniel at agad niya pinunasan ang luha. Napakunot naman ang noo ng asawa.

"Umiiyak ka ba?"

"Emosyonal lang. Pagkatapos nito, tayo na lang si Kathryn at Daniel."

"Mahal..."

"Ang tagal nilang najan para satin, sobrang happy lang ng puso ko na we are able to this them."

Pinunasan ni Daniel ang mga luhang muling tumulo sa mga mata niya.

"We still have instagram... Hindi naman tayo tatantanan non. Thats the least we could offer pag tuluyan na natin tong binitawan."

"I know..."

"Kaya wag ka na umiyak baka sabihin nila pinapaiyak na naman kita." Pabirong sabi ni Daniel kaya ay pabiro niya itong sinampal.

"Siraulo."

bernardoford: ARE YOU READY?! 😎 #OneLastWithKN

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।

bernardoford: ARE YOU READY?! 😎 #OneLastWithKN

Bernardo Ford [FIN.]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें