26. Her

4.9K 208 40
                                    


"How about Leen? She wouldn't want that." Sabi ni Daniel kay Luna. Nakita siya ni Luna na naiiyak habang yakap niya ang anak. And Luna knows why. Hindi rin naman niya kasi inilihin kay Luna ang pagkatao niya, kung sino siya, at ang nakaraan niya. Luna didn't know him at first, na nakakapagtaka dahil bihira lang ang hindi makakilala sakanya sa Pilipinas, but the Island's secluded which made it somehow possible. 

Nang nakita siya ni Luna na umiiyak ay agad siya nitong inanyayahan upang makausap, at tama nga siya ng naisip ng kumbinsihin itong puntahan ang mga anak. But he's oppose with that idea. His Leen wouldn't approve, she's possessive of him. He remembered the time when he asked his Leen about having a siblings because he has John and Jaile, his Leen disapproved. At yun ang pumipigil sakanya na makita ang mga anak.

"She'll understand." Sabi ni Luna. Hindi niya alam kung paano maiintindihan ni Leen na nagkaroon siya ng kapatid at hindi si Luna ang ina. "Leen might be a little sensitive. Pero mga anak mo sila, Daniel. Hindi mo lang sila basta kadugo. Himaymay mo sina Jaile and John. Ikaw parin ang ama nila, nandiyan man si Leen o wala." 

"I don't know..." Naguguluhan tugon niya kay Luna. 

"I know why you're acting this way. Iniisip mo na baka mawala si Leen sayo, but Daniel you've raised my daughter well. She's growing well dahil sayo, at alam ko na maiintindihan ng anak ko ang totoo. Hindi man niya matanggap agad, she will, eventually. You've been here for the last five years of your life, John and Jaile has no father during those years, and Leen had. Don't you thin it's time na magpakaama ka sa mga anak mo? Hindi lang si Leen ang nangangailangan ng ama, Daniel. Mga anak mo rin."

-


"I might come home this weekend, wala naman na akong mapapala dito." Malungkot na sabi ni Kathryn sa kanyang kaibigan na si Arisse habang naguusap sila sa pamamagitan ng skype. Napansin niya ang pagngiti ng malungkot ng kaibigan, alam niyang nagguilty ito dahil hindi nito sinabi ang totoo sakanya tungkol sa nangyayari sa asawa, pero wala naman siyang magawa dahil alam niyang maaring hindi siya pinahintulutan ng kanyang ina na iparating ito sakanya.

"What did he say?" Arisse asked. Ngumiti ng malungkot si Kathryn sa tanong ng kaibigan. Alam na ni Arisse na nagkita na silang magasawa pero hindi pa nito alam ang nangyari sa kanilang pagkikita. She was too hurt to even mention it, pero alam niyang hindi niya kayang palaging kimkimin lamang iyon.

She knows that she needs to tell it to Arisse, ayaw man niya, pero kailangan, kasi kung hindi niya ilalabas iyon ay malulunod lamang siya sa sakit na nararamdaman. 

Tinitigan niya ang kaibigan habang tumutulo ang mga luha, "I asked him to come home and he said he's home...hindi na kami ang tahanan ng asawa ko, Arisse...He's not coming home." Pinilit niyang sabihin sa gitna ng mga hikbi.

The memory of Daniel saying those words, para siyang sinasaksak ng mga salita nito ng paulit ulit. Hindi niya maiwasang sisihin ang sarili sa nangyayari sakanila ng asawa. If only she didn't do what she has done ten years ago, hindi sana sila ganito ng asawa. If only her love was greater of the odds, if only...

Kinuwento ni Kathryn ang buong pangyayari sa kaibigan at buong kuwento rin siyang umiyak. Hindi niya kayang pigilan ang sarili. Oo at sampung taon silang hindi nagsama ng asawa, pero hindi naman nawala ang pagmamahal niya para rito. May mga pagkakataong iniisip niya parin ang asawa kahit na sumuko na siya para sakanilang dalawa, pero hindi naman niya maikakaila na kung ang pagasang magkasama sila muli noon ay nawala na, ang pagmamahal naman niya ay nandoon parin.

Hindi naman siya babalik rito sa Pilipinas matapos malaman ang totoo patungkol sa asawa kung hindi niya ito mahal. Hindi naman siya masasaktan ng ganito kung hindi niya na ito mahal. She still loves him, kahit ilang taon na ang lumipas.

Natapos na ang paguusap nila ng kaibigan when she decided to book for a flight. Wala narin naman siyang mapapala rito gaya ng kanyang sinabi sa kaibigan. Ang kaso na kanyang isinampa laban sa management ay maari naman niyang asikasuhin haang nasa Greece siya. Kaya lamang naman siya personal na umuwi dito ay dahil gusto niyang personal na mahanap ang asawa.

Ang nang mahanap nga niya ito, wala naman na itong balak bumalik sakanya. 

Hindi alam ni Kathryn kung papaano ipapaliwanag sa mga anak niya ito. Especially to John na may alam na sa nangyayari, and her Jaile na paulit ulit na naghahanap ng ama. Hindi niya alam kung paano niya sasabihin na wala na silang ama. Ayaw nmana ni Kathryn na sabihin ang totoo sa pagkakaroon ng anak ni Daniel sa iba, alam niyang madagdagan ang galit ng anak nitong si John sa kanyang ama, and her Jaile would probably end up being broken. 

Nang kukuhanin na sana ni Kathryn ang telepono para makapagpabook ng flight ay may narinig itong katok sakanilang pintuan, napakunot siya. Who could that be? Only her family knows na nandito siya. Hindi naman maaaring taga media ito dahil mahigpit niyang ipinagbawal sa guard ang pagpapapasok ng media ng walang pahintulot niya. And her family has a duplicate key of the house, bakit pa ito kakatok.

Kathryn heard the familiar voice...the voice she's been wanting to hear again after their last talk.

"Baka naman kasi hindi dito yun tumuloy!" Rinig niyang bulong sa labas ng bahay. She knows that voice...

Agad na tumakbo si Kathryn papunta sa pintuan ng hindi na makarinig ng katok, and as soon as she opened the door, Kathryn saw the man of her life...

Her Daniel...

-

100+votes! <3

Bernardo Ford [FIN.]Where stories live. Discover now