18. Limang taon

6.9K 237 61
                                    

From: Manager Luz
Daniel, kailangan kang makausap ng Mr. M. Kailangan niyo rin magusap, don't do this to her.

Hindi alam ni Kathryn kung anong mararamdaman sa nabasang mensahe. Napansin kasi niya na kanina pa nakatutok sa cellphone ang asawa, at ng umalis ito para kumuha ng gusto niyang kainin, ay agad niyang kinuha ang cellphone na ito. Mas lalo siyang kinabahan ng walang laman ang mensahe nito, tanging ang mensaheng makikita mo lamang roon ay ang mensahe ng ina nito at ang kaibigang si Patrick na nagaayang magbasketball.

Nang sana'y ibabalik na ni Kathryn ang telepono sa dating pwesto nito ay agad naman itong tumunog, senyales na may natanggap na mensahe. Nang makita niya na si Luz iyon, ang manager ni Daniel ay binasa na niya. Tutal ay isa rin naman siya sa kinukunsulta pagdating sa mga trabaho nito.

Pero agad na napakunot ang noo niya sa menshae. Sinong her? Anong huwag gawin ni Daniel sakanya? Hindi niya maintindihan dahil wala namang nababanggit ang asawa niya. Mula ng bumalik siya galing Dubai ay hindi na ito nagkwento kung bakit siya natagalan roon. Hindi narin siya nanghingi ng explanasyon kung bakit dahil ang mahalaga ay umuwi ang asawa para sakanya at maayos na sila.

Napatingin si Kathryn ng may matanggap na bagong mensha, binasa niya iyon at mas lalo pang napakunot ang kanyang noo at nanliit ang kanyang mga mata.

From: Manager Luz
Daniel, kailangan mo ng bumalik sa Dubai. Kailangan ka na nila doon.

Mas lalo siyang naguluhan sa mga nababasa. Kailangan bumalik sa Dubai? Kailangan nila?

Walang kinukwento ang asawa niya, gusto man niyang magtanong ay hindi niya iyon gagawin. She knows better, kapag hindi nagsasabi ang asawa sakanya ay ibig sabihin lamang noon ay kaya niya itong solusyonan magisa. Pero nagdududa talaga siya sa mga mensaheng ito. Umiling siya para maalis sa pagiisp ang pagdududa.

Okay na sila ng asawa, ayaw niyang magkaroon na naman sila ng alitan, sasabihin rin naman siguro ni Daniel ang tungkol dito sakanya, pero kung hindi pa ngayon ay maghihintay siya kung kelan gustong magpaliwanag ng asawa. Ayaw na niyang magduda, ayaw niya na maghinala, ayaw niya nang magaway sila.

Binura ni Kathryn ang mensahe. Hindi niya dapat iyon ginawa, alam niya. Pero ayaw niyang malaman ng asawa na nabasa niya iyon. At hindi niya alam kung bakit.

"Ma, pupunta tayo kanila Mama ngayon ha? May paguusapan lang kami." Sabi ng asawa habang kinakain niya ang kuntsinta na kanina pa siya natatakam.

Tumango ito bilang sagot, "Anong paguusapan niyo?"

"Hindi pa niya alam na nakauwi ako e."

"Bakit hindi pa niya alam?"

"Biglaan ang paguwi ko diba, Ma?" Nanahimik si Kathryn sa sinabi nito.

Maging ang paguwi ng asawa ng biglaan ay hindi niya alam ang kwento. Kating kati siya magtanong pero ayaw niyang isipin ng asawa na pinagdududahan nanaman niya ito kaya ay nanahimik na lamang siya.

Napatigil siya sa pagkain ng kuhanin ni Daniel ang kanyang mga kamay. Tinignan niya ang asawa at nakita niyang malungkot ang mga mata nito. Bakit?

Hinalikan ng asawa ang kanyang mga kamay, "Ma, mahal na mahal kita ha? Lagi mong tatandaan yan kahit anong mangyari."

Hindi alam ni Kathryn kung bakit siya kinakabahan sa mga sinabi ng asawa.

Nakaupo lamang si Daniel sa harapan ng ina. Pagkapasok pa lamang kasi nito sa silid niya ay inambahan na siyang sasampalin, mabuti na lamang ay napigilan ng ina ang sarili.

"Pinalaki kitang maayos, Daniel. Paano mo ipapaliwanag sa asawa mo ito?"

"Ma, wala naman ho talaga akong plano. Pineke nila ang pirma ko!" Pagtatanggol ni Daniel sa sarili. Muli siyang nakaramdam ng galit ng maaalala ang ginawa sakanya ng management at ni Mr. M. Hindi rin siya makapaniwalang kasabwat nila ang kanyang manager.

"Tatanggalin natin si Luz. Magdedemanda tayo." Saad naman ni Karla. Agad siyang napatingin sa ina.

"Ma alam mong hindi pwede! Madadamay ang magina ko rito!" Agad na dipensa ni Daniel. Napapikit siya ng maaalala ang sinabi nila sakanya ng sinubukan niyang tumakas para makauwi sa asawa. At pagdating kay Kathryn ay wala siyang laban. Kasi ayon sa tweet niya dati, masaktan na lahat, wag lang si Kath.

"At anong gusto mong mangyari? Daniel, hindi biro ang limang taon!" Saad ng kanyang ina.

"Pero hindi din biro ang gagawin nila pag tumanggi ako, Ma! Asawa ko na pinaguusapan dito!" Naiiyak na saad niya. Wala na siyang magawa para mailigtas ang asawa. Wala na siyang maisip na ibang paraan kundi ang pumayag sa gusto nilang mangyari.

Nalaman ng ina ang ginawa sakanya ng management, nang matawagan nito ang kanyang manager ay nasaktuhan na nasagot niya ito. Pinagpaliwanag niya ito kung bakit hindi sumasagt sa mga tawag si Daniel at kung bakit halos tatlong buwan siyang hindi nakauwi.

Bilang ina ay hindi matanggap ni Karla ang ginawa nila sa anak. Ilang taon itong nagtrabaho ng mabuti para sa network, ilang beses nagpaalipin pagkatapos ay gaaguhin nila ito?

Lumapit ang ina sakanya, "Paano ang magina mo?"

Napatigil si Daniel sa tanong ng ina. Yun rin ang hindi alam ni Daniel. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang lahat ng ito kay Kathryn hindi niya alam kung paano niya sasabihin hindi niya ito masusubaybayan sa kanyang pagbubuntis. Hindi niya alam kung paano niya sasabihin na wala siya rito sa ikaunang kaarawan ng panganay nila hanggang sa maglimang taong gulang ito.

Hindi niya alam kung paano niya sasabihin na mawawala siya ng limang taon.
-

Baka magkabook two ito, gusto niyo ba iyon? ☺

TRUST ME.

Quota: 150 votes and 80 comments. (I love reading your comments. Give me ideas please babies? ❤)

Bernardo Ford [FIN.]Where stories live. Discover now