3. #AkoRinMommy

11.2K 204 16
                                    

Nagising si Kathryn sa isang iyak. Agad itong tumayo ng mapagtantong sa anak nanggagaling ang iyak na naririnig. Nang makabangon ito ay saka niya nakita ang asawa na buhat buhat ang kanilang anak. Hindi muna niya ito nilapitan at tinignan ang ginagawa ng asawa sa umiiyak nilang anghel.

"Shhh. Anak. Shhh." Pagalo ni Daniel sa anak. Pero mukhang hindi epektibo dahil mas lalo lang itong umiyak. Lalapitan na sana ni Kathryn ang mag-ama ngunit napatigil ng marinig ang mahinang pagkanta ng asawa.

"Lift your head, baby don't be scared..." Napaiyak na lamang siya ng makitang napapatahan ng kanta ni Daniel ang anak.

Mag-ama ko.

Kinuhanan niya ito ng maikling video. Narinig ni Daniel ang munting pagsinghap ng asawa kaya siya napalingon. Kinabahan si Daniel ng makitang umiiyak ang asawa. Agad itong nagalala na baka may may masakit dito, dahil hindi parin magaling ang sugat nito mula sa panganganak.

Inilapag nito ang anak sa kanyang crib ng makatulog na ito sa gitnan ng kanyang pagkanta. Agad niyang nilapitan ang asawa ng mailapag na ang anak.

"Ma, may masakit ba sayo? Ba't ka umiiyak?" Nagaalalang tanong ni Daniel habang hinihimas ang braso ng asawa. Pero imbis na sagutin siya ng asawa ay hinalikan siya nito.

Nabigla naman si Daniel pero kalaunan ay tumugon ito at hinapit pa palapit ang asawa. Tumigil sa paghalik si Kathryn at hinawakan ang mukha ni Daniel.

"Ang saya saya ko alam mo ba yon?" Hindi alam ni Kathryn kung bakit siya naiiyak, e masaya naman ang kanyang nararamdaman. Daniel wiped her tears as she continue talking. "Dad, thank you for being the best. Thank you for loving us, kami ni John. Mahal na mahal kita."

Natulala si Daniel sa biglang pagdadrama ng asawa. Niyakap niya ito at hinalikan ang sentido.

"Mahal na mahal din kita."

*video of Daniel singing to John*
bernardoford: Once the Best Guy Ever, now he's the Best Dad Ever (AND best husband, ofcourse!). I love you Dad!

Umani ng papuri si Daniel sa video-ng iyon. Natuwa naman si Kathryn sa mga reaksyon ng fans. Ang mga KathNiels talaga.

And after a mimute, the video was everywhere, the video went viral on twitter, facebook, everywhere! Lumaki ang puso ni Kathryn dahil doon. Mula ng ikasal sila ni Daniel ay hindi na siya bumalik sa likod ng  camera. Kahit na para sa isang interview ay hindi niya pinaunlakan. She promised herself the moment na nag-I do siya kay Daniel ay ilalaan na niya ang buong oras at buhay para sakanilang pamilya. Pero heto parin ang mga KathNiel fans, hindi sila binibitawan.

Bago iniwan ni Kathryn ang showbusiness ng tuluyan ay nangako ito sakanilang fans na papaulanan niya ito ng mga litrato, o mga video. And she never missed a day, araw araw ay may inaupload siya. Yun na lang din kasi ang hiling sakanila ng fans bago siya tuluyang umalis sa industriya.

"Bal, are you ready? Tayo na daw next." Tawag ni Daniel sa asawa. Tumingin siya dito at tumango. Ngumiti naman si Daniel sa asawa. "Balik ako, kunin ko lang coat ko." Paalam nito saka hinalikan ang sentido ni Kathryn at umalis.

Bernardo Ford [FIN.]Where stories live. Discover now