42. Hindi na

4.5K 130 13
                                    

"You're being the Kathryn na umiwan kay Daniel sampung taon na ang nakalilipas." Paulit ulit tumatakbo sa utak ni Kathryn ang sinabi ng kaibigang si Arisse. Nakipagkita kasi siya rito upang magkwento patungkol sa nais ng asawa at sa nangyayari sa pamilya nito.

Ipinaalam niya na natatakot siyang umuwi dahil maaring magulo muli ang pamilyang unti unting nabubuo. Matapos niyang ikwento ang kanyang dahilan kung bakit hindi sila maaring bumalik sa Pilipinas ay iyon ang naging mga salita ni Arisse.

Sabi pa ng kaibigan, "Nawala si Daniel sayo kasi hindi ka nagtiwala. Kasi nagpadala ka sa emosyon mo. Dapat Kathryn pareho kayong matapang. The fact na ikaw ang unang binalikan ng asawa mo at hindi ang pamilya niya o sino man dapat ay hindi ka na matakot. Wag ka muling magkamali Kathryn. Maging matapang ka naman para sa asawa mo."

Hindi siya nakasagot sa sinabi ng kaibigan sakanya, pero alam niya kung ano ang kanyang gagawin, umalis siya sa pagkakayakap ng asawa sakanya at dahan dahang naglakad patungo sa kwarto ng mga anak.

AGAD inimulat ni Daniel ang kanyang mga mata ng hindi maramdaman ang asawa sakanyang tabi. Nilingon niya ang orasan at pasado alas singko pa lamang. Agad siyang tumayo upang hanapin ito.

Karaniwan ay mas nauuna siyang nagigising sa asawa at ipinagluluto niya ito kaya naman ay hindi siya mapakali na walang Kathryn siyang yakap yakap.

"Kathryn?" Mahinang tawag niya rito. Wala siyang nakita sa baba, sa kusina, maging sa CR. Nang babalik na sana siya sa kwarto upang kunin ang telepono at tawagan ang asawa ay saka naman may narinig siyang naguusap aa mahihinang boses sa kwarto ng mga anak.

Bakit ba hindi ko siya hinanap roon?

Nakangiting naglakad si Daniel papunta sa kwarto ng mga anak. At nang buksan niya iyon ay nakita niyang bihis na bihis ang magiina at may mga maleta ito sa gilid.

"Daddy!" Puna ni Jaile sa kanyang ama. Tumakbo ito papunta sakanya, agad niya itong binuhat at hinalikan sa labi.

"Saan kayo pupunta? Hindi niyo isasama si Daddy?" Tanong niya rito sabay tingin kay Kathryn na busy-ng busy sa pamimili ng polo para sa anak.

"Pilipinas, Daddy!" Napatahimik siya roon at napalingon sa anak.

"Pilipinas?" Tanong niya.

"Yes daddy! Ginising kami ni Mommy kanina sabi niya uuwi daw tayo!" Masiglang sabi ng anak sakanya.

Tinignan niya ang asawa ngunit ay hindi parin siya nito nililingon at abala parin ito sa pagaayos ng mga gamit ng mga bata.

"Mga anak, maguusap lang kami ng mama niyo, ha?" Sabi niya sa kanyang mga anak at doon naman napatigil ang asawa sa ginagawa nito. Agad na hinila ni John ang kapatid ng mabatid ang kaseryosohan ng boses ng ama. Ng makalabas na ang mga anak niya agad niyang nilapitan ang asawa.

"Ano to?" Tanong niya rito.

Gusto niyang umuwi sa Pilipinas. Makasama ang pamilya niya, si Magui, si Carmella. Ang kanyang ina. Gusto niyang bumawi rito. Pero napagusapan na nila ito ng magasawa. Ayaw ni Kathryn na muling balikan ang lugar na nakasira sakanila at naiintindihan niya iyon kaya kahit na nangungulila siya sakanyang pamilya ay hindi na siya nagpumilit pa. Dahil sa lahat ng tao, kay Kathryn at sa mga anak niya siya pinakanagkulang.

"Nawala ka sakin noon dahil hindi kita pinagkatiwalaan. Hindi ka na mawawala sakin ngayon para sa parehong dahila. Ayoko na, ayokong mawala ka ulit sakin di ko na kakayanin." Mahina at puno ng sakit ang boses ni Kathryn, agad niya itong nilapitan at niyakap.

"Ano bang sinasabi mo? Okay lang naman sakin na hindi na umuwi."

Umiling ito sakanyang dibdib, "I've lost you ten years ago dahil wala akong tiwala. Natatakot ako ngayon dahil baka maulit yung nangyari, pero alam ko, naniniwala ako na hindi na mangyayari yon kasi hindi mo na hahayaan, hindi ko na papayagan. Ipaglalaban na kita."

Ngimiti si Daniel at masuyong hinalikan ang kanyang asawa.

"MAKALIPAS nag sampung taon muling nasilayan ng mga tao si Daniel Padilla at ang pinakaistorya ngayong araw na ito ay hindi lamang siya ang nataan kundi pati ang asawa nito at ang kanyang mga anak..."

Naging maingay ang pagbabalik ng pamilyang Ford. Hindi itinago ng magasawa ang kanilang pagbabalik. Hindi naiintindihan ni Daniel kung bakit iyon ang hiniling ng asawa niya. Pero gusto ni Kathryn na malaman ng lahat na nabawi na niya ang kinuha sakanya ng management at bumalik siya para pagbayarin ang mga taong naging dahilan ng pagkakawalay nila.

Nakaupo sila ngayon sa harap ni Karla Estrada, ang ina ni Daniel. Kapansin pansin ang luhang nagbabadyang tumulo mula sa mga mata nito.

"Ma..." Mahinang sabi ni Daniel na nakapagpatayo kay Karla. Agad nitong niyakap ang anak.

"Nagbalik ka na...."

"Hindi na ko aalis ma."

Patuloy silang nagiyakan hangga't sa dumako ang tingin sakanya nito. Agad nanlamig ang mga mata nito at humiwalay sa pagkakayakap kay Daniel.

"Salamat sa pagdala dito sa anak ko. Makaaalis ka na."

"Ma." Tugon ni Daniel. Hindi siya tinapunan ng tingin ni Karla at patuloy parin siyang kinausap.

"Hindi ka pa aalis?"

"Ma..." Sagot niya.

"Hindi mo na ako ina simula ng nawala mo anak ko, Kathryn. Makaaalis ka na."

"Ma, pagusapan naman natin to." Muling pigil ni Daniel sa ina. Tila napuno si Karla at tinignan ang magasawa.

"Hindi mo makikita ang mga kapatid mo hangga't magkasama kayo." ani nito sakanila. Nangingilid ang mga luhang tinignan ni Kathryn ang asawa at ngumiti.

"It's okay..." Sabi nito sakanya. Nang tumalikod ito para umalis ay naramdaman nito ang kamay ng kanyang asawa.

"Asawa ko parin si Kathryn, Ma. Hindi ako si Daniel kung walang Kathryn. Kaya dapat nandito siya. Kasi Ma, hindi ko na kakayanin kung mawawala ulit siya. Okay na yung sampung taon."

"...at ngayon, hindi na ko magkakamali ulit. Hindi ko na siya hahayaang mawala sakin."

Bernardo Ford [FIN.]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang