31. Tanong, Sagot

5.2K 248 47
                                    

Luna had to go home the next day, inihatid lamang daw nito ang anak sa Greece, hindi alam ni Kathryn kung bakit hindi pa ito nanatili, nagising na lamang ito at nakita niyang paalis si Luna ng kanilang bahay. Kaya pala ay wala itong dalang gamit nang paalis na sila, ang akala niya ay naghati sila nang maleta ng dating asawa.

Hindi maipagkakaila ni Kathryn na masaya siya sa pagalis ni Luna. Nang malaman niya na kasama ito sa pagalis nila at ang anak na si Leen ay parang ayaw na niyang pumayag. Pero wala naman siyang magawa dahil yun ang naging hiling ni Daniel para tuluyang makauwi sa mga anak. Kaya't masaya siya na kahit papaano ay mababawasan ang makikihati sakanyang dating asawa, para sa mga anak at para sa sarili.

"Ehem." Napalingon si Kathryn nang makarinig ito ng tunog mula sa likuran, agad niya itong nilingon at nakita si Daniel na bitbit bitbit sa balikat ang mukhang kagigising lang na si Leen.

That should be, Jaile. She thought.

"Ah, may kailangan ka?" Tanong niya rito.

"Meron ba kayo ritong milo? Hindi kasi nainom ng gatas si Leen kapag umaga." Napaiwas siya sa tanong nito. Si Leen na naman.

"Eto oh." Inabot niya ang garapon sakanya at nagpasalamat ito. Tinuloy lamang ni Kathryn ang paggawa ng agahan para sakanyang pamilya. Wala na si Arisse sakanyang tirahan, nang mabanggit niya kasi ang tungkol sa pagsama sakanya ni Daniel pabalik ng Greece ay agad itong nagpabook pabalik ng Pilipinas, ayon dito, ayaw niyang makagulo sa pamilyang maaring mabuo muli.

If only Arisse knows.

Habang abala siya sa pagluluto ng agahan ay hindi naman maiwasan ni Kathryn ang makinig sa usapan ng mag-ama.

"Tay, san nanay?" Wala siyang narinig na sagot mula kay Daniel, nang bahagya niya itong nilingon ay nakita niyang tulala ito at medyo malungkot. Namimiss na ba niya agad si Luna? Umiwas siya ng tingin ng magsimula itong magtimpla ng inumin ni Leen.

"Ano anak e," napapikit si Kathryn nang marinig niya ang tawag ng asawa kay Leen. Ngunit hanggang doon lang ang naging tugon ni Daniel, napabuntong hininga si Kathryn at humarap sa mag-ama.

"May inasikaso lang ang Nanay mo, Leen. Pero magkikita rin naman kayo, medyo matatagal lang, pero okay lang naman sayo yun diba?" Maamong tanong niya sa bata. Tinitigan lamang siya nito at sumimangot.

"Nanay." Sagot sakanya nito, napatingin naman si Daniel sa naging tugon ng anak sa dating asawa. Ngumiti na lamang si Kathryn at muling bumalik sa kanyang pagluluto. Bata lang yan, Kathryn.

Maya maya ay natapos na siya sa pagluluto at nagsimula na siyang maghain, tamang tama lamang nang marinig na niya ang mga yapak ng kanyang mga anak papalapit sa kusina, lalo pa nang marinig niya ang masiglang boses ng anak.

"Goodmorning Mommy! Daddy!" Ani ni Jaile at agad tumakbo sa ama para humalik at ganon rin sakanya. Sunod niyang nakita ang anak na simpleng tinignan lang ang ama at nilagpasan ito at lumapit sakanya.

"Goodmorning Mommy." Ani nito. Napabuntong hininga na lamang siya at hinalikan ang noo nito at binati pabalik.

Nang matapos na siyang maghain ay nagsimula na silang kumain, pero Maya maya ay hindi napigilan ng kanyang anak na si Jaile ang pagiging curious nito at nagsimula nang magtanong.

"Mommy, who is she?" Jaile asked her while pointing her finger to Leen. Ibinaba niya ito at tinignan ang anak, "What did I told you about pointing a finger at someone?"

Yumuko ang anak niya at mahinang humingi ng tawad, sasagutin na niya sana ang anak nang biglang nagsalita si Daniel.

"She's your sister." Ani nito sabay ngumit. Napansin niya ang pagtigil ni John sa pagkain at pagtingin niya sa ama pati sa batang katabi nito.

Tila naguluhan naman ang anak sa tugon ng ama nang kumunot ang noo nito at tumingin sakanya, "You gave birth again, Mommy?" Inosenteng tanong nito sakanya.

At napakasakit nang mga tanong na iyon sakanya. Her sweet innocent Jaile.

Daniel was about to answer Jaile's question when John cut him off, not expecting his answer at all, "His daugther from another woman, Jaile. Not out sibling by all means."

"John!" Pagsuwat niya dito.

"What, Mom? As if I told something bad or a lie."

"Daniel John." Kathryn called him with a warning voice.

"Mommy? What does kuya means?" Napalingon siya sa anak, nang akmang sasagutin niya ito ay muli siyang naunahan ni John.

"He has a new family Jaile. We are no longer her family!"

"Daniel John II, galit na ko!" Galit na pagtawag ni Kathryn sakanyang anak. Agad itong natahimik at yumuko. Nilingon niya si Jaile sakanyang tabi.

"We'll talk about that later, now eat." Agad namang tumango ang anak, Jaile must've sense na galit na siya kaya ay agad itong sumunod sa sinabi nito.

Tinignan niya ang dating asawa nang magpunas ito ng pisngi, napansin niyang namumula ang mga mata nito. Did he cry?

"Tatay?" And upon Leen calling Daniel, John stood up and left the dining room.
-

"Sorry." Napalingon si Daniel sa nang may narinig siya sa kanyang tabi. Agad niyang nakita si Kathryn na may dalang inumin, iniabot nito ang isa sakanya. Humithit muna siya nang isa bago tuluyang itinapon ang sigarilyo.

"Naninigarilyo ka na pala."

"Ah, oo." Naging libangan ni Daniel ang paninigarilyo sa nga panahong wala sakanyang tabi ang magiina. Sabi kasi nila that I weakens ones lungs that causes early death-na ang tanging hiniling niya sa mga panahong walang bakas ng kaniyang pamilya ang kanyang matagpuan.

Tumango naman si Kathryn, not knowing what to say. Noon pa man ay ayaw niyang magkabisyo ito, dahil mayroon itong asthma at sakitin ito. At ngayon na nakikita niya itong nananagarilyo ay gusto man niya itong pagsabiham ay hindi na niya magawa, dahil wala naman na siyang karapatan. Wala na nga ba?

"You were saying?" Nabalik siya sa ulirat sa tanong ni Daniel. "Sabi mo sorry?" Tanong muli nito.

"Sa ginawa ni John kanina..." Sabi niya. Gusto niyang humingi ng tawad. Alam niya ang nararamdaman ng anak, at naiintindihan niya iyon, pero kailangan niyang irespeto ang nararamdaman ni Daniel, ama ito at masakit iyon para sakanya.

"Okay lang, hindi lang siguro siya sanay na wala ako, ten years is a long year, diba?"

Natahimik siya sa sinabi nito. Sampung taon.

Sampung taon silang pinagmalupitan nang kasinungalingan, sampung taon silang nabuhay nang wala sa piling ng isa't isa dahil lang sa isang bagay na hindi nila dapat pinalaki kaysa sa pagmamahalan nila.

Nasasaktan siya hanggang ngayon kapag naiisip niya kung paano nasira ang pamilyang pinangarap nila ni Daniel noong sila pa si Angelo at Yna. Nasasaktan siya kapag naiisip niyang nasasaktan ang mga anak nilang minsan nilang pinangarap noon sila pa si Ely at Mia.

Nasasaktan siya para sa pagmamahalan nilang nagtapos na nagsimula noong sila pa si Ella at Patrick.

Nasasaktan siya para sakanilang dalawa.

Napalingon ito nang tanungin siya ng dating asawa, tanong na hanggang ngayon ay hindi niya alam kung ano ang angkop na sagot.

Tanong na habang buhay tatak sa kanyang pagkatao.

"Anong nangyari satin Kathryn?"
-

150+votes! 😁😊💙

Bernardo Ford [FIN.]Where stories live. Discover now