11. Unfair

6.5K 146 19
                                    

"I can't believe that you're blaming your husband for what happened, Kath. What were you thinking?" Ani ni Arisse habang nilalaro sa kandungan niya si John.

Nang makauwi sila sa kanilang bahay ay agad na dumalaw si Arisse sa bahay ng magasawa kinabukasan. Wala si Daniel pagkagising niya, kung nasan ito ay hindi niya alam. Malamig parin kasi ang trato niya sa asawa kaya hindi niya alam ang tungkol sa mga lakad nito.

Hinarap niya si Arisse. "At bakit hindi ko naman siya sisisihin? Kung hindi siya naginarte at nagselos sa napakaliit na bagay ay hindi ko siya kinailangan lambingin at iwan magisa ang anak ko!"

Naiinis talaga siya. Kahapon pa lamang sa hospital ay pinipilit siya ng ina na kausapin ang asawa, pero hindi niya ginagawa. Kahapon parin siya kinukumbinsi ng ina na hindi kasalanan ni Daniel ang nangyari pero nagmatigas siya.

Kasalanan ni Daniel iyon, ang pagseselos nito ang puno't dulo ng nangyari sakanilang anak, he was definitely the reason why she almost lost her son.

Napakunot si Arisse sa inaasta ng kaibigan. Inilapag niya si John sa crib nito at hinarap ang kaibigan.

"Then, kailangan pala ay pati ang sarili mo ay sisihin mo."

Napakunot ang noo ni Kathryn sa sinabi nito.

"At bakit naman? Ang pagseselos niya ang puno't dulo nito!"

"Bakit? Kasi sabi mo nga you left your son alone, ikaw. Hindi naman sinabi ni Daniel na, iwan mo muna si John at lambingin mo ako. Diba?" Napatahimik si Kathryn sa naging tugon ni Arisse. "Alam mo Kath, hindi ko talaga maintindihan e, sinisisi mo siya dahil nagselos siya? Dahil kinailangan mo siyang lambingin at iwan si John? What's the use of having a crib inside your room diba?"

"Nagagalit ka dahil kung hindi siya nagselos hindi ito mangyayari? Mas magalit ka kung hindi na siya nagseselos at wala na siyang pakielam sayo! Kasi ibig sabihin lang non, wala na siyang pakielam sayo, o mas matindi ay wala na siyang nararamdaman para sayo. Instead of being happy na ligtas si John, na okay yang anak mo, instead of being thankful kasi nagpakatatag yung asawa mo, hindi ka niya iniwan, heto ka, blaming him for all that had happened."

"Kaibigan mo ko Kath but that doesn't mean I'll be on your side always, isipin mo naman na magulang din si Daniel, na baka nasaktan din siya sa nangyari. Na instead of being a wife and comforting him, ganito pa ginagawa mo." With that being said, tinalikuran ni Arisse ang kaibigan at nilapitan ang inaanak ang nagsimulang laruin itong muli.

Napaupo na lamang si Kathryn sa kama at napaisip.

Am I being a bad wife to my husband? Shouldn't I be blaming him?

"Am I a bad wife, Arisse?"

Napatigil si Arisse sa paglalaro ng inaanak sa naging tanong ng kaibigan, nilingon niya ito at nilapitan.

"Honestly no, but you're being unfair, super unfair, Kath." Lumingon si Kathryn sa sinabi ng kaibigan at tinignan niya ito na parang nagtatanong. Bakit ako unfair?

Mukhang naintindihan naman ni Arisse ang tinging ibinigay ng kaibigan, nagbuntong hininga ito at sumagot.

"You forgot that he's the father of your child the moment you blame him. You forgot that like you, nasaktan din siya sa nangyari, and he's being blamed by his wife."

Bernardo Ford [FIN.]Where stories live. Discover now