20. She didn't

5.6K 192 24
                                    

WARNING: MATURE CONTENT

Hindi akalain ni Kathryn na mabubuksan parin niya ang dating tahanan nila ng asawa. She left him, pero ni minsan ay hindi niya itinapon ang mga bagay na makakapagpaalala sakanya sa asawa. She cut all her connections to her husband o kahit na sinong malapit rito, pero hindi niya kayang itapon ang mga bagay na iyon-katulad na lamang ng susi ng kanilang tahanan.

She didn't tell her parents about her coming back to the Philippines. Galit siya sakanila. After all those years ay alam ng kanyang mga magulang ang katotohanan at ang nangyari sa asawa pero hindi nila ito ipinaalam sakanila. Kaya naisipan na lamang niyang sa dating tirahan nilang pamilya tumuloy at mamalagi habang hinahanap niya ng hustisya ang kanilang pamilya.

Nang makapasok siya sa loob ng bahay ay parang nanlumo siya, she didn't expect to see this kind of mess-well ano pa nga bang aasahan niya from someone who's broken?

She could see bottles and cans of beers and wines, broken vases, frames and it scared her when she saw a stain of blood. What happened?

Umakyat siya sakanilang kwarto to see what in there, at mas lalo lamang siyang nasaktan ng makita ang maleta ng asawa, bukas ito at magulo, sunod na nakita ng kanyang mga mata ay ang mga laruang hindi pa nabubuksan. Her eyes starts to water as she walks closer to the toys. Napansin niya ang maliit na papel na naroon, at tuluyan na siyang napaiyak ng mabasa kung ano ang laman ng papel na iyon.

John and Jaile

Sorry If daddy wasn't able to celebrate your birthdays with you. But I bought you a presents! By the time you received these gifts eh baka nakauwi na ako. And I still don't know why I am writing this letter kung makakauwi naman na ko. Hahahaha :)) Ayaw kasi nila akong payagan makalabas ng tinutuluyan ko rito, kaya pasensya na kung maiaabot ko lang ang mga regalong ito paguwi ni daddy ha? Which I prefer, para sa personal.

Happy birthday John and Jaile, kaunting panahon na lang ay makakasama niyo na si daddy. Makakauwi rin ako. Mahal na mahal ko kayo mga anak.

-daddy

Ipinikit ni Kathryn habang hinayaan ang sariling humagulgol. If only she believed, If only her doubt was not greater than her trust, If only her love was greater than the pain, then maybe her family isn't broken.

Kung hindi siya nagpadala sa mga kagagawan ng management, kung hindi siya nagpadala sa mga kwentong ginawa nito, kung hindi siya naniwala sa videong ipinadala ng mga ito sakanya ay baka masaya na silang magasawa ngayon.

Bernardo Ford [FIN.]Where stories live. Discover now