15. Aalis

6.4K 282 66
                                    

From: Manager Luz

Daniel, request talaga ni Mr. M na makasama ka sa ASAP sa Dubai. Ikaw daw talaga ang maghahatak ng mga tagapanood doon dahil fanbase niyo ni Kathryn ang pinakamalaking fanbase roon. Sinabi ko ng hindi ka muna babalik sa industriya at tapos na ang kontrata mo pero ayaw talaga magpapigil.

Napahilot naman sa sentido si Daniel sa natanggap na mensahe mula sa kanyang Manager. Bago kasi siya mamahinga sa pagaartista, e, sinabihan na agad siya ni Mr. M na pagbigyan siya nito na makasama sa ASAP sa Dubai. Hindi niya agad binigyan ng sagot ang isa sa mga big bosses dahil hindi rin naman siya sigurado at alam niyang hindi naman na ito maaalala ng matanda, pero nagkamali siya ng mabasa ang mensaheng ito.

Napatingin si Daniel sa kanyang magina, pagkatapos ng naging paguusap nila ng asawa ay iniwan niya muna ito para makapamahinga dahil sa kaiiyak, pinagmasadan niya itong natutulog at muling nanikip ang dibdib sa sakit na nararamdaman. Ang sakit talaga!

Muli ay napatingin siya sa mensahe ng manager at alam niya na ang isasagot niya roon. Isa pang dahilan kung bakit hindi siya nagbigay ng sagot sa matanda kung siya ba ay makakasama ay dahil nga sa kanyang pamilya, ayaw niyang iwanan ang kanyang magina, pero sa nangyayari ngayon, maybe the both needed this.

To: Manager Luz

Sige ho, payag ho ako Tita Luz. Pakisabi na lang ho saakin kung kelan ang alis.

Alam ni Daniel na hindi sasangayon ang kanyang asawa dito, pero sa tingin niya ay ito ang kailangan nila. Gusto man niyang mawala agad ang sakit pero hindi iyon nangyayari, kaya hindi naman siguro masama kung magpakalayo muna siya kahit ilang araw lang, babalik rin naman siya.

Bumaba siya upang makausap ang ina, ipagbibigay alam rin niya rito ang naging kanyang desisyon. Agad naman niya itong nakita sa sala.

Mukhang naramdaman ng ina ang kanyang presensya at nagangat ito ng tingin mula sa kanyang binabasa. Nginitian siya nito at sinalunong ng yakap. Ng maramdaman ang yakap ng ina ay muling naginit ang kanyang mga mata, hindi siya showy tao lalong lalo na sa ina, pero sa sakit na kanyang nararamdaman ay hindi niya iyon mapigilan.

Ng kumalas sila sa yakap ay agad silang naupo, napansin ng ina ang kanyang luha at agad nanlambot ang mga mata nito at pinunasan ang kanyang mata.

"Shhh, anak, tama na." Pagalo ng ina sakanya ng magsunod sunod ang pagpatak ng kanyang mga luha.

Ngumiti siya at tumango, "Hindi parin kayo ayos?" Tanong ng ina. Umiling siha bilang sagot.

Naramdaman niya ang pagbuntong hininga ng ina at hinawakan nito ang kanyang kamay.

"Alam ko masakit anak, pero asawa mo parin iyon." Pinunasan ni Daniel ang kanyang luha at ngumiti sa ina. Bigla niyang naalala ang pagpayag niya sa pagsama sa ASAP sa Dubai.

Bernardo Ford [FIN.]Where stories live. Discover now