5. Kaibigan

8.4K 177 1
                                    

SETTING: FORD'S RESIDENCE
-

"Kung ako rin naman ang asawa mo, malamang magagalit talaga ako sa mga sinabi mo, masasaktan na rin." Sabi ni Arisse sa kaibigan.

Hindi na alam ni Kathryn ang gagawin dahil mahigit tatlong araw na siyang hindi kinakausap ng asawa. Maging ang sorpresa nito para sa kanilang third anniversary ay hindi narin natuloy dahil hindi nga sila naguusap ng asawa.

Napagisipan ni Kathryn na humingi ng payo sa kaibigan, hindi na niya alam ang gagawin. Tatlong araw ng ilap ang asawa sakanya, gigising ito ng maaga para hindi sila mapangabot, at gabi na uuwi kapag tulog na siya.

"I know. Kinain ako ng pagseselos ko e. Hindi ko napigilan. Hindi ko sinasadya." Kathryn said. Arisse shook her head as disapproval with what Kathryn just said.

"You mean it. Nabasa ko sa isang research na kapag galit tayo ay nasasabi natin ang nasa loob natin talaga. Kaya kung ano ang sinabi mo yun ang nararamdaman mo." Nagiwas ng tingin si Kathryn sa kaibigan. I do mean it.

Tumingin siyang muli kay Arisse at nagbuntong hininga. They've been friends for who knows how long. Alam niyang malalaman at malalaman ng kaibigan kung may problema siya. And she has no choice but to tell her, ito narin siguro ang magiging paraan para tuluyan silang magkaayos ng asawa.

"I know it's been years, Arisse. Pero natatakot parin ako. DJ's my first love, my first boyfriend, my first everything. Halos masira ang pagkatao ko when I found out that he cheated on me, hindi ko alam kung paano ko ibabangon yung sarili ko sa sakit na naramdaman ko noon, but I managed kase sobra ko siyang mahal." Napatigil si Kathryn ng maramdaman ang nagbabadyang mga luha sa kanyang mga mata.

She looked up to prevent them from falling, pero walang silbi ito dahil kahit pigilin niya ay tumulo parin ang kanyang mga luha. Kaya ay hinayaan na lamang niya ito at pinagpatuloy ang sinasabi.

"From that they Arisse, hindi na nawala yung takot sa katawan ko na baka umulit siya. Na baka saktan nita ulit ako. Na baka lokohin niya ako. Na baka may mahanap siyang mas better pa saakin. At kapag nangyari yon, baka hindi ko kayanin. Kaya when I saw that picture, parang bumalik lahat saakin. Yung kay Jasmine, yung sakit, lahat Arisse. Ayoko lang na sabihin sainyo dahil ang tagal na non. Pero wala e."

"Hindi ko naman gusto na ganon ang maramdaman ko, pero hindi ko mapigilan e. Natatakot akong masaktan, natatakot ako para sa anak namin, natatakot akong mawala siya sakin. Natatakot ako."

Niyakap ni Arisse ang kaibigan ng humagulgol ito. Hindi niya alam na ganito pala ang nararamdaman ng kaibigan ng mangyari ang panloloko ni Daniel noon sakanya. Na ganito ang magiging epekto.

Humiwalay siya sa yakap at pinunasan ang mga luha ni Kathryn. Hinwakan niya ang balikat nito.

"What did he do after that? Pinuntahan ka niya. Pinagsikapan niyang mabawi ka, ang pagmamahal mo, ang tiwala mo at ng pamilya niyo. At ngayon, kasal kayo, may anak, hindi kayo makakarating dito kung hindi niya pinagsisihan ang ginawa noon at kung hindi ka niya mahal, Kathryn. Daniel loves you damn much, kaya ka ngayon Mrs. Ford."

"Kaya yung takot takot na yan. Dapat wala lang yan. Kasi pinakasalan ka ni Daniel. Pinatunayan niya ang sarili niya sayo. Nilabanan niya ang panghuhusga ng lahat para makasama ka. Kaya ikaw, labanan mo ang takot mo, para sakanya. Para sainyo."

Napangiti si Kathryn sa sinabi ng kaibiga. Tumango siya at muling niyakap si Arisse.

Tama nga naman ito, kung hindi siya mahal ni Daniel ay sana hindi nito ginawa ang lahat ng nagawa nito para mabawi lamang siya. Kaya ngayon, ang takot naman niya ang kanyang lalabanan para sa asawa. Para sa kanyang pamilya.

Bernardo Ford [FIN.]Where stories live. Discover now