30. Nawalan

6K 211 39
                                    

Paglapag pa paglpag pa lamang ng eroplano nI Daniel mula Dubai ay hindi na siya mapakali sakanyang kinauupuan. Sa wakas ay natapos na ang pekeng kontrata niya ay maari na siyang makauwi sakanyang pamilya. Hindi ipinagbigay alam ni Daniel ang paguwi niya dahil gusto niyang surpresahin ang mga ito.

Lalong lalo na ang asawa at ang kanilang mga anak.

Hindi binigyan ng pagkakataon si Daniel ng kaniyang management at ni Luz na makita ang pamilya kaya ay nakuntento na lamang siya sa palitan ng sulat nila ng kanyang asawa.

Nang makalabas siya sa eroplano ay wala siyang sinayang na oras, kahit na maraming tao ang nakakilala saaya at dinudumog siya ay wala siyang pakielam. Agad siyang nagmadali sa paglalakad niya nang mapansin na mas dumadami ang mga tao sakanyang paligid. Mabuti na lamang at may napara agad siyang taxi na masasakyan.

Humarap muna siya sa mga tao at ngumiti't kumaway bago pumasok sa loob at umalis.

Pagkarating ni Daniel sakanilang tahanan ay nagtataka ito kung bakit ito nakasara, nakakandado ang mga gate nila at mukhang walang tao.

Napangiti na lamang siya sa iniisip na baka namasyal ang kaniyang mag-iina. Mas lalo siyang napangiti dahil nang sa ganoon ay mas gagana ang surpresa niya sakanila.

Mabuti na lamang at may extrang susi siya at kahit papaano ay nakapasok parin siya sa loob. Nawala ang ngiti ni Daniel nang mapansin ang alikabol sa bahay. Mukhang matagal na itong hindi nalilinisan. Bumuntong hininga na lamang siya at dumeretso sa kwarto nilang magasawa.

Inilapag niya ang kanyang maleta upang sana iayos ang gamit, pero nang mapansin niya ang kanilang aparador na walang laman ay agad siyang kinabahan, bakit walang laman? Pagiisip nito.

Agad siyang lumipat sa kwarto nang anak na si John at napansin nito na wala na ang mga crib at damit nito. Lahat nang gamit nang kanilang anak ay wala. Wala ding bakas na gamit ng kanilang bunso sa bahay. Gulong gulo si Daniel sa mga nangyayari habang hinahalughog ang bahay na halos wala ng gamit nang kanyang pamilya. Napatigil lamang siya nang may kumatok sa kanilang bahay.

Agad siyang tumakbo sa pinto sa pagaakalang baka ang pamilya niya ito. Pero nadismaya siya ng tumambad sakaniya ang isang lalaking hindi niya kilala.

"Mr. Daniel Padilla?" Ani nito.

"Ako nga. Anong sadya mo rito?"

"Matagal na ho akong nagpapabalik balik dito pero wala naman tao, may sulat ho padala sainyo." Napakunot ng noo si Daniel sa sinabi nito.

Walang tao? Matagal na?

Tinanggap nito ang sulat at agad namang umalis ang lalaki bago pa man niya matanong ito.

Binuksan niya ang sulat ang parang gumuho ang mundo niya nang makita ang pirma ni Kathryn sa annulment papers na hindi niya alam kung saan nanggalin.

"MA! Ma!" Sumisigaw na sabi ni Daniel habang papasok sa bahay nila ng ina. Nang mabasa niya ang sulat na ipinadala sakanya ay agad siyang dumeretso sa kaniyang ina.

Alam ni Daniel ang maaring rason nang pagpirma ni Kathryn, alam niyang may kinalaman ito sa management pero hindi niya alam ang eksaktong dahilan kung bakit.

Nagulat si Karla nang makita ang anak, ngumiti ito at niyakap ang anak pero galit na galit at nasasaktan na Daniel ang kanyang nakita.

"Nakauwi ka na pa---"

"Nasan ang magiina ko?" Malamig na tanong ni Daniel sa ina. Nanlamig si Karla sa tanong nang anak. Hindi niya alam ang isasagot niya dito dahil maging siya ay hindi alam kung nasan ang magiina nito.

Bernardo Ford [FIN.]Where stories live. Discover now