13. Ama

6K 276 14
                                    

Nagising na lamang si Daniel ng marinig niya ang iyak ng kanyang anak. Agad itong napabango dahil baka kung ano na naman ang mangyari sakanyang anak. Nakita niya ang anak na kagabi, napakunot naman ang kanyang noo ng makita ang asawang mahimbing na natutulog at ng maalalang nandito siya sa bahay ng ina.

Anong ginagawa nila dito?

Kinuha ni Daniel ang anak at agad inalo. Ayaw nitong tumigil sa kaiiyak kaya sinubukan niya itong kantahan pero hindi parin ito natigil sa pagiiyak. Sa takot na baka mapahamak muli ang anak, ay ginising niya ang asawa.

"Kath..." Tinapik niya ito sa pisngi, naalimpungatan naman si Kathryn, napabangon ito at napatingin sa asawa. Nagiwas ng tingin si Daniel, "Uhm, umiiyak kasi so John, ayaw tumigil e, baka kung ano na naman mangyari sakanya."

Napaiwas si Kathryn sa sinabi nh asawa. Hindi sinasadya ni Daniel na masabi ang mga iyon, kaya lang ay hindi niya mapigilan ang sarili. Baka kung mapahamak na naman ang anak ay maging kasalanan na naman niya. Napapikit siya at inabot kay Kathryn ang anak at saka ito tumayo mula sa pagkakaupo.

"Maiwan muna kita." Sabi nito at lumabas. Hindi niya alam kung anong mararamdaman sa asawa, namimiss niya ito, nasasaktan siya sa mga sinabi nito, at nagagalit siya sa paninisi nito.

Ayaw niyang magalit sa asawa, pero hindi niya mapigilan, pakiramdam niya ay ang sama niyang asawa at ama sakanyang magina. Bumaba ang tingin niya sa sarili.

Pagkababa niya ay wala siyang naabutan. Hinanap agad niya ang kanilang katulong at nagtanong, "Manang! Nasan sila Mama, sila Magui? Ba't wala na namang tao dito?"

Pangit man ang tono ng kanyang boses ay wala siyang magawa, ramdam na ramdam niya ang sakit at galit at tumatagos iyon sa bawat salitang binibitawan niya.

"Ah ser, inenroll ho ni Mam ang mga bata at pagkatapos daw ho ay dederetso kanila ate Min." Napabuntong hininga na lamang si Daniel. Alam niya ang ginawa ng ina, sinadya ng ina na umalis silang maganak at maiwan lamang sila magasawa. Tumango si Daniel at umalis na ang katulong.

Pumunta si Daniel sa kanilang kusina at kinuha nito ang kanyang vape. Itinigil niya na ito ng manganak si Kathryn at iniwan rito. Sensitibo daw kasi ang mga sanggol kaya kailangan ay doble ingat. Napangiti siya ng mapakla ng maaalalang muntik na siyang mawalan ng anak-at sinisisi siya ng kanyang asawa.

Lumabas siya sa balcony ng kanilang bahay at doon nagvape. Ginagawa niya ang bagay na ito sa tuwing stress siya o di kaya may hindi siya kaayaayang nararamdaman. Naubos na niya ang juice nito at napamura ng maaalalang iyon na ang huli, ng dahil nga sa tumigil siya sa pagvvape ay hindi na siya nagabala na bumili pa ng mga juices nito.

Pagalit niyang ibinaba ito sa lamesa at pumasok sa loob para maghanap ng sigarilyo. Hindi siya naninigarilyo, sa buong buhay niya ay hindi siya nakasubok nito, at kung nagkataon ito ang unang beses na maninigarilyo siya. Ngayon lang!

Pumunta siya sa kwarto ni Dominic, alam niyang naninigarilyo ito, kumatos muna ito upang malaman kung may tao sa loob, ng walang sumagot ay pumasok na siya at hinanap ang sigarilyo nito-pero wala siyang nakita. Napamura siya sa inis. Tangina!

Lumabas ito ng kwarto at hinanap ang katulang, "Manang! Manang!"

Agad naman itong lumapit.

"Oho Ser?"

"Alam mo ba kung nasaan nakalagay ang yosi ni Tito Do?" Tanong niya rito.

"Ay hindi ho ser eh. Hindi naman ho ako napasok riyan e."

Napapikit siya sa inis at kumuha ng barya sakanyang shorts at iniabot sa katulong, "Ibili mo na lang ako ng yosi, isa lang."

"Oho Ser." Ng umalis si Manang sakanyang harapan ay nakita niya ang asawang nakakunot ang noo at karga karga ang kanilang anak. Napaiwas siya ng tingin at naglakad palayo dito.

"Magyoyosi ka? Kelan ka pa natuto magyosi ha?" Medyo pagalit na tanong ni Kathryn sa asawa. Hindi niya ito pinakinggan at umupo lang sa upuan.

Ayaw ni Kathryn na matutunan niya ang bisyo ng pagsisigarilyo, maging ang pagiinom ay pinatigil siya nito. Wala naman siyang bisyo talaga, kahit ang pagiinom ay hindi niya ginagawa madalas dahil hindi naman siya ganoong klaseng lalaki.

"Dad naman! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Bakit ka maninigarilyo ha?!" Pagsermon ng asawa sakanya. Hindi niya ito binigyan ng pansin at tumayo ng makita si Manang na may dalang yosi, agad niya itong inabot at kinuha ang posporong nakapatong sa lamesa sa kanilang Balcony. Narinig niya ang asawang pinaalaga ang anak kay Manang at pinakiusapan na patulugin muna ito.

Bago pa man niya masindihan ang sigarilyo ay agad na itong kinuha ni Kathryn at itinapon at inapakan. Nagigting siyang panga at napamura.

"Ano bang iniisip mo ha? Maninigarilyo ka Daniel?" Nanahimik siya. Ayaw niyang masigawan ang asawa. Napapikit na lamang siya at hindi niya sinasadyang mapaluha.

Agad niyang pinunasan iyon at tumingin sa asawa, pagkatingin niya sa asawa ay bakas ang gulat sa mga mata nito. Tuloy tuloy ang agos ng kanyang luha, napamura siya na kahit sa anong punas niyang gawin ay hindi ito tumitigil.

"Sorry, sorry. Fuck, I'm sorry!" Sabi niya at agad na tumalikod. Humihingi siya ng tawad para sa pagbabalak na manigarilyo at para sa kasalanan niya sa munting pagkawala ng anak. Naghilamos siya upang matigil ang luha pero walang silbi iyon dahil hindi tumitigil ang kanyang luha. Umakyat siya sakanyang kwarto at nakita niya ang katulong na binabantayan ang natutulog na anak.

"Manang ako na." Tumango ang katulong at lumabas.

Nilapitan niya ang anak at pinahawak niya ang hintuturo sa mga kamay ng anak. Kumirot ang puso niya ng maalala ang hitsura ng anak na nakahiga sa ER. Napapikit ito at hindi na niya napigilan ang humagulgol. Ipinatong niya ang kamay sa tiyan ng anak at hinalikan ang noo.

"I'm sorry anak, bad si daddy. I'm sorry... I'm sorry anak, sorry." Paulit ulit nitong bulong sakanyang anak.
-

Hihingi ako ng kota pwede? ☺ 70 votes for next chapter. 💘 Mwa.

Bernardo Ford [FIN.]Onde histórias criam vida. Descubra agora