41. Hindi

5.4K 195 12
                                    

Pansin ni Kathryn ang pagiging tahimik ng asawa. Kaninang umaga ay dismayadong dismayado ang mukha ng kanyang panganay, ng tanungin niya ito kung bakit ay sinabi nitong hindi siya naturuan ng ama magbasketball dahil tahimik lang ito at hindi siya pinuntahan sakanyang kwarto para sunduin.

Gumagaan na ang loob ng kanyang panganay sa ama nito, pero hindi ganoon kagaan para ito mismo ang lumapit sa ama. Kaya naman ay nagtaka siya kung bakit at pinuntahan ang asawa. At mula kaninang umaga ay hindi na ito kasing sigla kagaya ng mga nakaraang araw.

She tried asking him why, pero tanging tipid na ngiti lamang ang isinasagot sakanya nito. Ni hindi man lang ito magsalita, talagang ngumingiti lamang ito sakanya.

Nang kinagabihan ay napagpasyahan na niyang kausapin ang asawa.

"May problema ka ba? Kanina ka pa tahimik." Tanong niya rito nang madatnan niya ito sakanilang sala. Agad namang napalingon ang asawa, mukhang kahit ang pagdating niya ay hindi nito namalayan sa sobrang lalim ng iniisip nito. Tinabihan niya ito.

"Wala." Tipid itong ngumiti at inakbayan siya.

Noon pa man ay si Daniel ang tipo ng taong magsasabi ng problema. Hindi nito ugaling magtago ng kahit na ano, kaya naman ay kinakabahan siya at labis na nagaalala. Dahil noong huling beses na nagtago ang asawa sakanya, sampung taon silang nagkahiwalay.

Niyakap niya ng patagilid ang asawa, "Eh ba't kanina ka pa nanananihimik. Dismayado tuloy ang panganay mo dahil hindi mo raw siya tinuruan magbasketball."

Agad napalingon ang asawa sakanya, "Oh? Pasensya na. Marami lang talagang tumatakbo sa isip ko."

Napatahimik si Daniel sa kanyang sinabi. Hindi niya nais ipaalam sa asawa ang nangyari sa kapatid. Ayaw niyang isipin nito na iiwan na naman niya ang mga anak at pati siya. Pero hindi naman pwedeng pabayaan niya ang kanyang pamilyang inabanduna, sampung taong nakalipas.

Tumitig lamang si Kathryn sakanya, alam niya ang mga titig na iyon. Iyon ang mga titig na kanyang ibinibigay kapag may nais itong malaman mula sakanya, at kagaya noon, ay hindi siya makatanggi rito.

Bumuntong hininga siya, "I made a fake account. Facebook account. I had to kasi namimiss ko na ang pamilya ko. Si Magui. Si Mama. Si JC. Jordan. Lahat sila. Si Carmella..." Humina ang boses niya ng mabanggit ang bunsong kapatid. Hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwala na nagaagaw buhay ang kanyang kapatid, at ang mas masaklap pa ay wala siya roon para maging kuya sa mga nakakabatang kapatid at bilang anak para sakanyang ina.

Tahimik lamang si Kathryn, kahit noon pa man ay hindi ito nagsasalita hangga't hindi ka natatapos, kaya naman ay nagpatuloy siya.

"Ayun, si Magui ikakasal na." Napansin niya ang pagkagulat ng asawa, pero hindi parin ito nagsalita. "My Magui. Lagi ko siyang pinoprotektahan nuon, from what she wears to who she mingles with. Tapos wala man lang ako sa tabi niya nung nainlove siya, hindi ko alam kung una ba niya yon, o kung on and off sila, kung mabuti bang tao yung lalaking pakakasalan nung kapatid ko. Wala akong kaalam alam..."

Tumingin siya sa asawa sabay ng pagtulo ng mga luha niya, " At ngayon hindi ko alam kung tatlong kapatid pa ang maabutan ko. Hindi ko alam kung makikita ko pang gumagalaw yung bunso namin. Hindi ko alam kung maririnig ko pang asarin ako ni Carmella. Hindi ko alam kung mabubuhay pa ba siya..."

Nakita niya ang pagkagulat sa asawa, tila naguhuluhan sa kanyang mga sinasabi. "She was in an accident. 50/50."

"Daniel..."

Pinunasan niya ang kanyang luha at hinawakan ang kamay ng asawa, "Kaya gusto kong umuwi. Kasi kailangan ako ng pamilya ko. Hindi lang ako ama at asawa, anak din ako. Kathryn, please..."

Hindi alam ni Daniel kung ano ang tumatakbo sa isip ng asawa. Tinitigan lamang siya nito ng may gulat sa mga mata. Nabigla ito ng biglang manlamig ang tingin ni Kathryn at dahang dahang hinigit ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak niya.

"Umuwi ka kung gusto mong umuwi. Dito lang kami ng mga anak mo." Malamig na sabi nito at agad na iniwan siyang magisa.

TINITIGAN ni Kathryn ang mga anak niya habang natutulog ang mga ito.

Matapos ang naging paguusap nilang magasawa ay hindi niya alam kung paano siya magrereact sa posibilidad na mawawalan siya ng asawa at ang mga anak niya ng ama sa pangalawang pagkakataon.

She understood him. He needs to be home, kailangan niyang umuwi bilang isang anak at kuya sa pamilya niya. But the thought of him being in a place kung saan nasira ang kanilang pamilya...she just cant.

Ayaw na niyang bumalik sa Pilipinas. Ayaw na niyang balikan ang mga tao doon. At kahit pa iyon ang dahilan ng pagbalik ni Daniel, hindi mapagkakaila na muli silang magkikita ni Luna at ang mas kinakatakutan niyang mangyari ay ang muling pagsasama ng mga ito para sa anak ni Luna na si Leen.

Hangga't hindi nalalaman ng bata ang katotohanan, malayo pa sa posibilidad ang hindi sila manirahan sa iisang bubong sa oras na umuwi sila.

At iyon ang ayaw niyang mangyari. Pero sa oras na magdesisyon si Daniel na umuwi, hindi niya na alam ang kanyang gagawin.

KINABUKASAN ay inaasahan ni Kathryn na walang Daniel siyang makikita sa kanyang pamamahay, pero nang bumaba ito para maghanda ng kankilang umagahan ay nakita niya ang asawang naghahanda ng almusal. Naramdaman yata siya nito.

Humarap sakanya si Daniel at ngumiti. Alam ni Kathryn na peke ang mga iyon, "Kain ka na." Pilit na masiglang sabi ng asawa.

Ng tumalikod ang asawa ay hindi niya napigilan ang sariling tanungin ito, "Bakit nandito ka pa?"

May namuong katahimikan. Hanggang sa hinarap siya ni Daniel at muling malungkot na ngumiti, "Hindi ako aalis ng hindi ko kayo kasama. Hindi na ako mawawala sainyo. Hindi na."

Bernardo Ford [FIN.]Where stories live. Discover now