Chapter 06

1.1K 48 0
                                    

Chapter 6

Suit

"Hey! Lady! I'm still asking you!"

Alam niyo? Kanina pa 'yang Circe na 'yan, eh! Nakakasira ng araw sa paulit-ulit niyang tanong.

Hinarap ko siya. "Ano na naman ba? Eh nalaman ko nga kay Helene diba? Paulit-ulit?"

"But-"

"Alam mo, ang kulit mo din eh, 'no? Halika ka nga..." kinapitan ko siya sa braso, "Kahit hindi tayo close, magiging feeling close nalang ako since tayong dalawa lang naman ang magkasama. Pasyal nalang tayo which is why we're," at naglakad na kami.

"Saan naman tayo?"

And that question made my blood boil.

Bumitaw ako at pumunta sa harap niya. "Lokohan, pare? You brought me then you don't know where we will go? Aba, over-stupidness na ata, 'yon."

"I just mentioned the park and the mall, nothing else."

Aba. Arggh!

"Nakaka-laki ka ng ulo! Halika nga. Pasyal nalang tayo kahit saan," at kumapit ulit ako sa braso niya at nag-lakad na kami.

"Mag-joke ka nga," sabi ko sa kanya habang papalapit kami sa isang food stand. Hindi ko pa kasi siya naririnig magjoke. I love people that make me laugh especially those who have a sense of humor in their system, naturally.

"Maganda ka." With a poker-face, he said.

Tinignan ko naman siya and glared at him. "Are you joking?!" 'di ko makapaniwalang tanong. Hindi naman 'yan joke, eh!

"What? You told me to make a joke. I just did what I was told." Walang-emosyon niyang sabi.

"Tsk. Ako na nga lang mag-joke. Oh ito, corny 'to ha. Wag kang magpapaniwala." huminga muna ako at nag-salita na. "Kumain ka ba ng asukal?"

Nabigla ako nang matanong ko 'yun. Saan ba 'yun galing? Hindi naman dapat 'yon ang ijo-jo--

Bigla siyang ngumiti. "Bakit?"

Naka-titig lang ako sa ngiti niya at hindi ko alam ang sinabi ko.

"A-ang tamis kasi ng ngiti mo," napa-takip ako ng bibig. Shoot! Where the heck did that came from?! Ohmygod.

"Ang corny nga. Haha."

Napa-tingin naman ako sa kanya nang bigla siyang tumawa. "T-tumawa k-ka?"

Para kasing hindi 'yan tumatawa o ngumingiti, eh. Parang hindi nga siya masasabing ngumingiti dahil nakapirme ang seryoso at matigas niyang ekspresyon.

"Hindi, umiyak ako. Wala nga lang luha," sarkastiko niyang sabi pero wala paring emosyon. Paano niya ginagawa 'yan? Hindi ko kasi alam kung paano.

"Bakit, bawal ba?" tanong niya.

I smiled evily. May naisip ako sa tanong niya. "Bawal? Diba yun yung ginagamit para ipares sa mga consonants? Yung A, E, I, O, U?"

He smirked. "Yeah, right. Vowel iyon. Tss."

Napa-simangot ako. Tsk. Kuha niya agad. Wag na nga lang ako mag-joke.

"Tara na nga. Kain nalang tayo. Labo mo rin, eh. Tsk." Hinigit ko siya sa isang food stand at bumili kami ng pagkain sa food stand. Tinignan ko ang oras. Oh, its still in the premises of morning.

"Pasyal tayo dito sa park." bigla niyang sabi.

Baliw ba 'to?

"Ang labo mo talaga! Eh, park nga 'to, diba? Hay nako. Tara na nga. Lakad-lakad muna tayo dito sa park. Tapos mamaya, sa mall naman. Diba? Magiging masaya ang araw natin." I was about to say something again when I caught him staring at me. I speaked. "Oh, natulala ka diyan? Maganda ako, 'no?"

Living With My Crush (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ