Chapter 25

721 30 5
                                    

Chapter 25

Sorry

"Uy, bro! Ngayon na plano natin! Ano ka ba!" pang-gigising sa akin ni Lencho.

"H-ha? Sandali lang... inaantok pa ako..." antok kong sagot. Tumalikod ako at tinakpan ang aking mukha ng unan.

"Ano ba, Ronnie! Tumayo ka na nga dyan! Miss Universe ngayon!" ani Lencho ulit.

"Kina-career mo na din 'yang pagiging bakla mo. Sige, punta ka na. Inaantok pa ako," antok kong sagot ulit.

"Sige. Matulog ka lang at aagawin ko na si Eury sayo."

Mabilis akong napatayo nang marinig ko ang sinabi ni Clyde.

"Ano!? Akala ko ba, akin siya?" galit kong puna. Tangina. Umagang-umaga.

Tumawa siya bigla. "Tss. Joke ko lang 'yon. Tagal mo kasing gisingin. Tsk!" ani Clyde.

"Gago ka din, eh. Umagang-umaga, ini-inis mo ako!" Galit kong sabi.

"Tss. Joke ko nga lang dib-"

Naputol 'yong sinasabi ni Clyde nang dahil sa katok na narinig namin mula sa labas.

Binuksan ni Chyseis ang pinto at pumasok si Lexxa.

Oh. Lexxa. Nakokonsensya tuloy ako para mamaya.

Tumakbo siya papunta sa akin. "Ang sexy mo talaga kapag bagong gising..." ngumiti siya.

Ginulo ko ang buhok niya. "Labas ka muna, Lexxa. Ligo lang ako," nginitian ko din siya.

Sinunod niya ako at lumabas na siya.

Lexxa is like a sister to me, now. I don't have any feelings for her. Like love or something. I just feel that she's only a sister for me. No more, no less. Unless, kung kasali ang friend. Si Rinrin na talaga, eh. Siya na talaga 'yong totoo kong minamahal. Wala nang iba.

Matapos kong maligo, bumaba na kaming mga boys at pumunta sa restaurant. Kakain muna kami. Ako nalang kasi ang hinihintay para magising e kaso matagal akong nagising kaya natagalan din silang kumain. Kailangan kaming sabay-sabay. Ganyan ang magkakaibigan, diba?

Pupunta kami sa kwarto ng mga girls mamaya. Manonood daw ng Miss Universe. Tsk.

Natapos na kami at bumalik na sa hotel. Pumunta na kami sa kwarto ng girls.

"Ikaw na kumatok, Chryseis," utos ko.

"'Di. Si Lencho na," balik ni Chryseis.

"Ayoko. Si Clyde na daw," sagot ni Lencho.

Hanggang sa wala nang magawa si Clyde, siya na ang kumatok sa pinto. Napapailing pa ito habang ginagawa iyon. Porke daw ultimo pag-katok, hindi namin magawa.

Aba't.

"Sandali lang!" rinig kong sigaw ni Helene sa loob na feel ko ay patakbo ito papunta sa pinto. Bumukas naman ang pinto. "Dali na kayo! Magsisimula na ang introduction!" ani Helene.

Tumakbo na siya pabalik sa kama na inuupuan ni Rinrin. Bigla akong kinabahan.

Pumasok na kami sa kwarto at sinara ang pinto.

Doon kami sa bandang hulihan ng kama na inuupuan nila Lexxa. Tumingin si Rinrin sa akin tapos umiwas agad.

Ipinagwalang-bahala ko nalang iyon at nanood na kami.

Turno na ng Pilipinas.

"Pia Alonzo Wurtzbach, Philippines!"

"Whoooooo! Piaaaaa!" sigaw-sigaw ng mga girls kasali na rin si Lexxa. Bigla akong naawa kay Lexxa. Paano ko nalang maha-handle ang konsensya ko?

Living With My Crush (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat